Monday, February 6, 2012

WAG MAGPAUTO SA MALING UNAWA NG INC SA JOHN 17:1-3


“Pagkatapos masabi ito ni Jesus, tumingala siya sa langit at nanalangin: “ Ama, dumating na ang oras. Luwalhatiin mo ang iyong Anak para maluwalhati ka ng iyong Anak. Sapagkat binigyan mo siya ng kapangyarihan sa sangkatauhan upang magbigay ng walang hanggang buhay sa lahat ng ibinigay mo sa kanya. At ito ang buhay na walang hanggan, na MAKILALA KA NILA NA IISANG TUNAY NA DIOS AT SI JESUCRISTO NA SINUGO MO.”

Yan ung nakalagay sa Juan 17:1-3 na sinasabi nila na iisang tunay na Dios ang Ama at sugo si Jesucristo. Yan ang talatang ipapabasa sa iyo kapag pag-uusapan ang tunay na katauhan ni Cristo. Ngunit hindi alam  ng taong pinagbabasa nyan na kapag ipinagpatuloy mo ang pagbabasa hanggang verse 5 ay ganito ang sinasabi ni Hesus.:

Juan 17:5 “At ngayon, Ama, luwalhatian mo ako sa iyong harapan ng kaluwalhatiang taglay kong kasama mo bago pa likhain ang sanlibutan.”

O ayan, malinaw na sinabi ni hesus na luwalhatian siya ng Ama sa kanyang harapan ng kaluwalhatiang taglay niya na kasama na ng Ama bago pa likhain ang sanlibutan. Sinusuportahan ng talatang iyan ang Juan 1:1-2 at 1:14:
JUAN 1:1-2
“Sa pasimula ay ang Salita, at ang Salita ay sumasa-Dios, at ang salita ay Dios. Sa simula pa’y kasama na siya ng Dios.”
JUAN 1:14
“Nagkatawang-tao ang Salita at tumahan sa gitna natin. Nakita namin ang kanyang kaluwalhatian, kaluwalhatian ng bugtong na Anak na nagmula sa Ama, puspos ng biyaya at kaluwalhatian.”
  
Malinaw na diyan na suportado ng mga talatang iyan ang Juan 17:1-5.
Kaya pag pinabasa sa inyo ang talatang yan, WAG MAGPOKUS SA IISANG TALATA LAMANG... (Juan 17:1-5)

4 comments:

  1. napakagaling Ryan.

    May God's Blessings be with you.

    ReplyDelete
  2. brother ryan good day po bakit nawala na po yung site nina father abe may may facebook po ba sya o email add sa site nya kasi ako kumukuha ng mga binabasa at paliwanag, buti nga nandito rin kayu

    ReplyDelete
    Replies
    1. Brod, na-block po ang old blog ni Padre Abe. Ito na po ang kanyang bagong blog: http://thesplendorofthechurch.wordpress.com/

      tapos may fanpage na rin po siya. Ito: http://www.facebook.com/pages/The-Splendor-of-the-Church-Fanpage/159157594193295?fref=ts

      I hope makatulong po itong blog sa inyong pagpapaliwanag... :)

      Delete

Please make this blog clean. Please follow the instructions:

1. If you are an anonymous, please introduce your name and then your religion. Introducing your name is optional (for security purposes) except your religion, or sect/denominations where you belong.

2. Comments with foul/ vulgar words will not be published.

3. If you are going to ask questions/arguments, go ahead. Expect the reply of the admin of this blog for about two to three days.

4. If the admin didn't reply back to your arguments, it does not mean that he doesn't want to answer you. He might be busy, so he can't answer back. But he can answer your arguments, be patient.

That's all. God Bless.

Sincerely,
The admin