Ang isa sa mga aral ng Iglesia Katolika ay ang PagkaDiyos ng ating tagapagligtas na si Hesukristo. Marami pong hindi Katoliko ang nagsasabing hindi Diyos si Cristo dahil TAO LANG DAW siya at HINDI DIYOS. Dahil kung Diyos si Cristo ay magiging dalawa na ang Diyos ayon mismo sa non-Catholics.
Ngunit pinaninindigan po ng Iglesia Katolika ang
“Pagka-Diyos” ni Hesucristo. Ayon na rin po sa bibliya. Si Hesucristo, anak ng
Diyos Ama, anak ni Maria ay Dios na nagkatawang-tao:
John 1:1
“Sa pasimula ay ang
Verbo, at ang Verbo ay sumasa-Dios at ang Verbo ay Dios.”
Sa ibang translations
ay ganito:
“Sa pasimula ay ang
Salita, at ang Salita ay sumasa-Dios at ang Salita ay Diyos”
Malinaw po na ang
“Salita” o “Verbo” na tinutukoy ay Diyos.
John 1:14
“Nagkatawang-tao ang
Salita at tumahan sa gitna natin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian ng bugtong na Anak na nagmula sa Ama, puspos
ng biyaya at katotohanan.”
Malinaw din po na ang
“Verbo” o “Salita” na tinutukoy sa Juan ay nagkatawang-tao. Meaning, Mula sa
pagiging Diyos ay nagkatawang-tao siya. Pinatotohanan yan ni San Pablo sa mga
taga-Filipos:
Filipos 2:5-7
“Ang dapat ninyong
maging damdamin ay tulad ng kay Cristo Jesus: Na bagamat siya ay nasa mismong likas ng pagiging Dios,
hindi niya pinilit na pinanghawakan ang pagiging kapantay ng Dios; bagkus ay
kusa niyang hinubad ang lahat ng ito, at kinuha ang kalikasan ng isang alipin
nang siya’y magkatawang-tao.”
Tinanggap
ba ni Cristo ang kanyang pagka-Diyos? Opo, kaya nga po sinabi niyang iisa sila
ng Ama. (Juan 10:30) Gayon na rin po ng tawaging “Panginoon ko at Dios ko!” ni Tomas si Hesucristo makaraang
magpakita si Hesus sa kanya nang muli siyang mabuhay. (Juan 20:28). Hindi po
sinagot ni Jesus si Tomas ng “Ako ay hindi Diyos, wag mo kong tatawaging Dios.”
Bagkus sinabi niya ay “Nakita mo ako kaya ka naniwala; mapalad silang hindi
nakakita gayunma’y sumampalataya.”
Porke ba Diyos si
Cristo, dalawa na ang Diyos?
HINDI po. Iisa pa rin sila
ng ama dahil Si Cristo at ang Ama ay iisa:
“Ako at ang Ama ay
iisa.” (Juan 10:30)
Kaya nga po dumampot
ng bato ang mga Hudyo dahil si Cristo ay nagkukunwaring Dios di-umano. Ituloy
po natin ang pagbabasa:
Juan 10:31-33
“Muling dumampot ng
mga bato ang mga Judio upang siya’y batuhin. Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila,
“Marami na akong naipakitang himala sa inyo mula sa Ama. Alin sa mga ito ang
dahilan ng inyong pagbato sa akin?”
“Hindi dahil sa
alinman sa mga ito kaya ka namin babatuhin.”, sagot ng mga Judio. “Kundi dahil
sa pamumusong mo, Pagkat ikaw, na isang tao lamang, ay
nagpapanggap na Diyos!””
Muli ay inulit ni
Hesus na sila ng Diyos Ama ay iisa habang siya ay nananalangin para sa lahat ng
mananampalataya:
Juan 17:22
“Ibinigay ko na sa
kanila ang kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa, gaya nating iisa.
MABUHAY ANG PANGINOONG HESUCRISTO!
No comments:
Post a Comment
Please make this blog clean. Please follow the instructions:
1. If you are an anonymous, please introduce your name and then your religion. Introducing your name is optional (for security purposes) except your religion, or sect/denominations where you belong.
2. Comments with foul/ vulgar words will not be published.
3. If you are going to ask questions/arguments, go ahead. Expect the reply of the admin of this blog for about two to three days.
4. If the admin didn't reply back to your arguments, it does not mean that he doesn't want to answer you. He might be busy, so he can't answer back. But he can answer your arguments, be patient.
That's all. God Bless.
Sincerely,
The admin