Thursday, May 24, 2012

MGA BULAANG CRISTO, SUGO DAW NG DIYOS:

1. Joseph Smith- Propeta "daw" na nagpabalik ng Iglesiang tumalikod at nagtatag ng "Iglesia Ni Jesucristo ng mga Banal sa Huling Araw" o "Church of Jesus Christ of latter-day saints". Nagpakita "daw" sa kanya ang Diyos Ama at ang Panginoong Jesus at si Moroni na isulat ang isang aklat na ngayon ay tawag na "Ang Aklat ni Mormon: Isa pang Tipan ni Jesucristo". Sabi ni Joseph Smith, "Mas tama ang Aklat ni Mormon kaysa sa ibang libro" e di kasama na rin ang Biblia? Isang malaking pagsuway na yan sa Juan 10:35, Roma 15:4, 2 Timoteo 3:16-17!

2. Ellen Gould White- Propeta "daw" sa huling araw. Mayroon siyang tinatawag na "Spirit of Prophecy" at ang aklat na pinakamagatang, "The Great Controversy" na may halong panira sa IKAR (Iglesia Katolika Apostolika Romana) at sa ibang sektang Protestante. Tinuturo din nya na magnilay sa araw ng Sabbath na siyang ika-7 na araw at hindi sa unang araw ng sanlinggo tulad ng ginagawa ng mga unang Cristiano sa Gawa 20:7.

3. Felix Ysagun Manalo- anghel "daw" na tinutukoy ng Apocalipsis 7:2-3 subalit ang anghel ay ang espiritung isinugo ng Diyos upang tulungan ang magtatamo ng kaligtasan sa Hebreo 1:14. Siya "daw" ang ibong mandaragit sa Isaias 46:11 pero natupad ito kay Haring Cyrus ng Persia dahil siya ang "taong nagbuhat sa silangan" sa Isaias 41:2 at ang ibong mandaragit sa Isaias 46:11 ay manggagaling sa silangan. Siya rin "daw" ang Uod na Jacob sa Isaias 41:14 subalit ang bayang Israel ang Uod na tinutukoy ni Yahweh sa talatang ito at siya ang Uod sa Awit 22:6-7 subalit ito ang propesiya patungkol kay Jesus na natupad sa Mateo 27:41-44.

4. Eliseo Soriano- Sugo "daw" ng Diyos pero puro taliwas ang aral nya sa Biblia. Gaya na lang ng ihi ginagawang gamot, ang Diyos "daw" may pwet, at ang Diyos daw mayroon Siyang bagay na imposibleng gawin at yun ay ang magsinungaling sa Tito 1:2 pero kung titignan natin ang talata, ipinapahayag ni San Pablo ang sinlessness ng Diyos.

5. Apollo C. Quiboloy- Siya "daw" ang Hinirang na Anak ng Diyos sa huling araw. Pero kung titignan natin, ang Hinirang ng Diyos na Anak Niya ay si Jesus sa Awit 2:2. Hinirang si Jesus ng Diyos Ama sa Gawa 3:20 at Siya, na Verbong Diyos sa Juan 1:1 ang hahatol sa mga patay at sa mga buhay sa 2 Corinto 5:10. Ginagamit niya ang mga talatang nagpapatukoy sa Mesias para patunayang siya ang katuparan niyon.

6. Harold Camping- Isang pastor ng "FAMILY RADIO" na nagsabing gugunaw ang mundo at hindi nangyari gaya na lang ng isinalaysay nya na darating si Jesus sa Mayo 21, 2011 pero hindi nangyari. Sabi ng Biblia, ang Ama lamang ang nakakaalam ng Araw na yaon at ang Anak sa Mateo 24:36.

ANO ANG MASASABI NG BIBLIA UKOL SA MGA BULAANG SUGO, CRISTO, APOSTOL AT PROPETA?


"At ito ang palatandaan: kapag hindi nangyari o nagkatotoo ang sinabi ng propeta, yaon ay hindi nagmula kay Yahweh; sariling katha niya yaon. Huwag ninyo siya papansinin" (Deuteronomio 18:22)

"Sapagkat darating ang mga bulaang cristo at mga bulaang propeta at gagawa ng mga himala upang malinlang, kung maaari, pati na ang mga hinirang" (Mateo 24:24)

"At huwag patakhan! Sapagkat si Satanas ay maaari ring magkunwaring anghel ng kaliwanagan. Kaya't hindi kataka-taka kung ang mga lingkod niya'y magkukunwaring lingkod ng katuwiran. Ang kanilang kahihinatnan ay ayon lamang sa kanilang gawa" (2 Corinto 11:14-15)

No comments:

Post a Comment

Please make this blog clean. Please follow the instructions:

1. If you are an anonymous, please introduce your name and then your religion. Introducing your name is optional (for security purposes) except your religion, or sect/denominations where you belong.

2. Comments with foul/ vulgar words will not be published.

3. If you are going to ask questions/arguments, go ahead. Expect the reply of the admin of this blog for about two to three days.

4. If the admin didn't reply back to your arguments, it does not mean that he doesn't want to answer you. He might be busy, so he can't answer back. But he can answer your arguments, be patient.

That's all. God Bless.

Sincerely,
The admin