MAY TANONG po sa atin ang isang kaanib ng INC ni FELIX Y. MANALO.
Sabi ng nagpakilalang SIS. ABE BI BOBU:
"BAKIT DI MO SINASAGOT ANG TANONG NA ITO? NANANATILING BLANGKO!
Sa Rev. 8:1
"At nang buksan niya ang ikapitong tatak, ay nagkaroon ng katahimikan sa langit na may kalahating oras."
Nangyari na po ba ito?
Saan po ito tumutukoy?
At yung kalahating oras na binabanggit sa 8:1, oras po ba sa Dios o oras sa tao?
Kung oras po ito sa tao, ilan po katumbas nito sa atin?
SALAMAT PO..
SINAGOT po natin iyan ng ganito:
"NATAPOS at NANGYARI na po IYAN.
Ang PITO ay tanda ng KATUPARAN ng KALOOBAN ng DIYOS.
Sa REV 8:1 ay ipinakikita po na NATUPAD NA ang MGA BAGAY na DAPAT MAGANAP, kaya nga po MAY KATAHIMIKAN nang NAMAYANI kahit SUMANDALI LANG.
HINDI po iyan KATUMBAS ng ORAS ng TAO.
Ang IPINAKIKITA po ng "kalahating oras" ay isang PANANDALIANG PANAHON."
At heto po ang kanyang sagot sa atin:
"ALAM MO BA NA MAS MAGANDA ANG SAGOT NG IGLESIA SA REV. 8:1.. SWAK NA SWAK.. AT NASA LIBRO PA NG KASAYSAYAN..
NGAYON SA SAGOT MO, PERSONAL OPINION ANG IBINIGAY MO..
PERO YUNG SAGOT NG IGLESIA DYAN, SWAK NA SWAK SA NANGYARI SA MUNDO..
GUSTO MO MALAMAN PARA MAPAG-ARALAN MO?"
'MAS MAGANDA ANG SAGOT NG INC'
Ayun, "MAS MAGANDA" raw po ang sagot o paliwanag ng INC ni FELIX Y. MANALO sa Rev. 8:1 at "NASA LIBRO PA NG KASAYSAYAN."
ALAM po ninyo, NARINIG KO na yang ganyang pagmamalaki ng mga kaanib ng INC ni Manalo. Iyon ay kaugnay sa kahulugan ng JEREMIAH 4:13.
Ang Jer 4:13 daw ay "patunay" sa pagkasugo ni Felix Y. Manalo na nagtayo ng kanyang iglesia (INC) noong Hulyo 27, 1914.
Sinasabi po sa Jer 4:13:
"Look! He comes up like clouds, his chariots like the whirlwind; his horses are swifter than eagles-- woe to us, for we are ruined!"
'TANGKE SINGBILIS NG IPO-IPO'
Ganito po ang sabi ng kaanib ng INC ni Manalo na nagpakilalang "XOXO" (
xoxoMarch 1, 2010 11:58 PM) kaugnay diyan:
at eto po yung katuparan ng jeremias 4:13..natupad po ito noong unang digmaang pandaigdig
“The First World War was unlike any war in the past… This was the first war ‘in three dimensions,’ the first war in which cites ware bombed from the air and winged warriors fought among the clouds. Of course the airplanes of 1914 were not so fast, so formidable, nor so numerous as those of today. There were really more important as scouts ( a kind of aerial ‘cavalry’) … the British had invented the tank, or land battleship – an armored automobile which could move on rough ground because it was built like a tractor.” (World History, pp. 478-479)
so isaisahin po natin:
Jeremiah 4:13
Look! He advances like the clouds,
his chariots come like a whirlwind,
his horses are swifter than eagles.
Woe to us! We are ruined!
->"His chariots come like a whirlwind"
= Tank, alam naman po natin kung anong pinsala ang magagawa ng mga tanke..sobra pa nga po sa ipoipo eh
-> "his horses are swifter than eagles"
= airplane
There were really more important as scouts ( a kind of aerial ‘cavalry’)
so baka sabihin nyo po na yung chariot ay hinihila ng kabayo..at lalabas na hinihila nung eroplano yung tanke..
eto po relationship nila..
purpose ng kabayo sa chariot: humila,mag guide sa chariot kng saan ito pupunta:
so sa tanke po kng saan kaya nilang magpatama ng target long distance,prob po ay hindi nila makita yung actual na coordinates ng target..so ang mga eroplano as scouts..sila yung mag pipinpoint o mag gaguide sa mga tanke nang coordinates na dapat patamaan..
Paki pansin na kaya raw patunay kay Manalo ang Jer 4:13 ay tumukoy raw iyan sa mga "tangke" na naimbento ng mga Briton noong 1914, ang taon kung kailan lumitaw rin si Manalo at ang INC na kanyang itinayo.
'PATUNAY' SA PAGKASUGO NI MANALO
Heto po ang paliwanag ng isa pang kaanib ng INC ni Manalo na nagpakilalang AERIAL CAVALRY (March 3, 2010 3:50 AM):
Ayon sa encyclopedia ang BILIS ng isang Tangke ay 97 KM/H (60 MPH). Gaano ba kabilis ang isang IPOIPO? Maihahambing nga ba ang bilis ng isang TANGKENG PANGDIGMA sa bilis ng isang IPOIPO?
-------------
“TORNADO CHARACTERISTICS”
“The travel speed (translational) averages 25 to 40 miles per hour (mph), but speeds from 5 to 60 MPH have been recorded.”
[ “TORNADO PROFILE”,FEMA, p. 3]
-------------
Kitang-kita ang pagkakahawig ang Bilis ng Tangkeng Pangdigma sa Ipoipo ano po? parehong 60MPH.
Bukod sa Bilis ano pa ang pagkakahawig ng IPOIPO sa TANGKE...
ANG KAKAYAHAN NITONG UMIKOT AT MANGWASAK SA LAHAT NG DIREKSIYON:
------------
“THE TURRET IS A STRUCTURE ON TOP OF THE TANK THAT CAN ROTATE 360 DEGREES, ENABLING THE TANK TO FIRE IN ANY DIRECTION.” (Mula sa Itaas, Encarta).
------------
Ganito rin ang isang IPOIPO:
------------
“The direction of movement is predominantly from the southwest to the northeast. However, TORNADOES HAVE BEEN KNOWN TO MOVE IN ANY DIRECTION along with the parent thunderstorms.” [ “TORNADO PROFILE”,FEMA, p. 3]
“Rotation is generally COUNTERCLOCKWISE in the northern hemisphere (Figure1-6). About 10 percent of tornadoes have been known to ROTATE CLOCKWISE. [ “TORNADO PROFILE”,FEMA, p. 5]”
------------
Kitang-kita kapuwa sila umiikot o nag-rorotate, at may kakayahang dumaan o umatake sa anomang direksiyon...
Hindi lang iyon, may kakayahang makawasak ang isang TANGKE ng isang lugar at kung pagmamasdan ay animo dinaanan ng malakas na IPOIPO...NAGKATAON NA NAMAN KAYA IYAN?
TANGKE AT IPO-IPO
Ayun, batay para raw po sa ENCYCLOPEDIA ang kanilang paliwanag ukol diyan.
Kaya raw po TANGKE ang tinutukoy sa Jer 4:13 ay "magkatulad" angTANGKE at TORNADO o WHIRLWIND.
Ang summary po ng "pagkakatulad" ay:
1. Tangke at Tornado = 60 mph (miles per hour) ang bilis
2. Tangke at Tornado = may kakayanang umikot nang 360 degrees.
3. Tangke at Tornado = parehong may kakayanan na umatake sa anumang direksyon
4. Tangke at Tornado = pareho kung magwasak
NAKAKABILIB po ba ang "PAGKAKATULAD"?
PATUNAY nga raw po na noong 1914 nung maimbento ang tangke ay taon din na naitayo ang INC ni Felix Y. Manalo.
MALING UNAWA, BALUKTOT NA BATAYAN
SORRY pero MALI po ang UNAWA ng INC ni Felix Y. Manalo.
BALUKTOT at PILIPIT po kasi ang kanilang mga paliwanag at mga batayan na may halo pang PANLILINLANG.
Isa-isahin po nating ITUWID ang mga PAGKAKAMALI ng INC ni Manalo.
HINDI 1914
Una po, hindi 1914 naimbento ang mga tangke.
Taong 1915 po nagawa ang unang tangke--HINDI 1914.
So, mali na po agad ang claim ng INC.
SINGBILIS NG NAGLALAKAD, HINDI IPO-IPO
Pangalawa, ang tangke na tinukoy nitong INC ay HINDI po ang tangke na naimbento noong 1914.
Ang ginamit ng INC riyan ay isang MODERNONG tangke.
Hindi po 60 mph ang bilis ng tangke noong 1914, kundi 2-3 mph o parang LAKAD LANG ng TAO--HINDI SIMBILIS ng IPO-IPO.
"This FIRST TANK was given the nickname 'Little Willie' (soon followed by 'Big Willie') and, as with its predecessors, possessed a Daimler engine. Weighing some 14 tons and bearing 12 feet long track frames, the tank could carry three people in cramped conditions. In the event ITS TOP SPEED was THREE MILES PER HOUR on level ground, TWO MILES PER HOUR on rough terrain (actual battlefield conditions in fact)." http://www.firstworldwar.com/weaponry/tanks.htm
"Most World War I tanks COULD TRAVEL ONLY at ABOUT A WALKING PACE AT BEST."
http://en.wikipedia.org/wiki/Tanks_in_World_War_I
So, hindi po 60 mph. Mas mabilis pa nga po yata maglakad ng isang matandang uugod-ugod e.
Again, mali po ang paliwanag ng INC ni Manalo.
WALANG TURRET
Pangatlo, WALA pong TURRET na umiikot nang 360 degrees ang mga tangke noong 1914 o World War I.
Ang turret po ng unang tangke ay nakatutok lang sa harap o sa gilid at hindi naiikot.
MALI na naman po ang INC ni Manalo.
MAHIRAP IMANEHO
Pang-apat, hindi po kayang umatake sa lahat ng direksyon ang mga tangke nung World War I.
Mahirap po kasing imaneho ang mga sinaunang tangke kaya hindi puwedeng ipang-atake sa lahat nang direksyon.
Steering was difficult, controlled by varying the speed of the two tracks. Four of the crew, two drivers (one of whom also acted as commander; he operated the brakes, the other the primary gearbox) and two "gearsmen" (one for the secondary gears of each track) were needed to control direction and speed, the latter never more than a walking pace. Mark I Tank
So, mali na naman po ang sabi ng INC ni Manalo.
MAGKAIBA ANG GAMIT AT EPEKTO
Panglima, magkaiba po ang epekto ng tangke noong World War I at ng ipo-ipo.
Ang ipo-ipo po ay walang halos epekto sa mga hukay o nasa butas.
Ang tangko noong Unang Digmaang Pandaigdig ay ginawa mismo para wasakin ang mga trenches o mga hukay na pinagtataguan ng mga kalaban.
Kaya nga po sa muli ay MALI na naman ang sinasabi ng INC ni Manalo.
SABLAY
Bunsod niyan ay sablay po ang paliwanag at unawa ng INC ni Manalo tungkol sa Jer 4:13.
Sablay po ang "patunay" nila na sinugo ang kanilang "anghel" na si Felix Y. Manalo.
MAS MAGANDA PA BA?
So, dito po kay SIS. ABE BI BOBU, huwag po sana ganyang uri ng sagot ang gagawin ninyo kaugnay sa Rev. 8:1.
Baka po kapag sinuri rin natin ang paliwanag ng INC diyan ay mapatunayan din natin na sablay uli ang kanilang paniniwala.