Saturday, July 28, 2012

SUMASAMBA BA ANG MGA KATOLIKO SA MGA IMAHEN?



These men venerate the Cross of our Saviour Jesus Christ by kneeling before the image


Balikan natin ang topic na ito: Sumasamba ba ang mga Katoliko sa mga imahen o rebulto???

Sa ikalawang pagpapaliwanag, tunghayan natin ang aklat ni Daniel sa Bibliya. (Daniel 2-3).

Ang sabi  sa talata 3:3-30

"1Si Nabucodonosor na hari ay gumawa ng isang larawang ginto na ang taas ay anim na pung siko, at ang luwang niyao'y anim na siko: kaniyang itinayo sa kapatagan ng Dura, sa lalawigan ng Babilonia. 2Nang magkagayo'y nagsugo si Nabucodonosor na hari upang pisanin ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, ang mga hukom, ang mga tagaingat-yaman, ang mga kasangguni, ang mga pinuno, at ang lahat na pinuno sa mga lalawigan upang magsiparoon sa pagtatalaga ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor na hari. 3Nang magkagayo'y ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, ang mga hukom, ang mga tagaingat-yaman, ang mga kasangguni, ang mga pinuno at lahat ng pinuno sa mga lalawigan, ay nagpisan sa pagtatalaga ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor na hari; at sila'y nagsitayo sa harap ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor. 4Nang magkagayo'y ang tagapagtanyag ay sumigaw ng malakas, Sa inyo'y iniuutos, Oh mga bayan, mga bansa, at mga wika, 5Na sa anomang oras na inyong marinig ang tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, ng gaita, at ng lahat na sarisaring panugtog, kayo'y mangagpatirapa at magsisamba sa larawang ginto na itinayo ni Nabucodonosor na hari; 6At sinoman na hindi magpatirapa at sumamba sa oras na yaon ay ihahagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas. 7Kaya't sa oras na yaon, pagkarinig ng buong bayan ng tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, at ng lahat na sarisaring panugtog, lahat na bayan, mga bansa, at mga wika, ay nangagpatirapa at nagsisamba sa larawang ginto na itinayo ni Nabucodonosor na hari.
8Dahil dito sa oras na yaon ay nagsilapit ang ilang taga Caldea, at nagsumbong laban sa mga Judio. 9Sila'y nagsisagot, at nangagsabi kay Nabucodonosor na hari, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man. 10Ikaw, Oh hari, nagpasiya, na bawa't tao na makarinig ng tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, ng gaita, at ng lahat na sarisaring panugtog, ay magpapatirapa, at sasamba sa larawang ginto. 11At sinomang hindi magpatirapa at sumamba, ihahagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas. 12May ilang Judio na iyong inihalal sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia na si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego; ang mga lalaking ito, Oh hari, ay hindi ka pinakundanganan: sila'y hindi nangaglilingkod sa iyong mga dios, ni nagsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo.
13Nang magkagayo'y sa poot at pusok ni Nabucodonosor, ay nagutos na dalhin si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego. Kanila ngang dinala ang mga lalaking ito sa harap ng hari. 14Si Nabucodonosor ay sumagot, at nagsabi sa kanila, Sinasadya nga ba ninyo, Oh Sadrach, Mesach, at Abed-nego, na kayo'y hindi mangaglilingkod sa aking dios, ni magsisisamba man sa larawang ginto na aking itinayo? 15Kung kayo nga'y magsihanda sa panahong inyong marinig ang tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, ng gaita, at ng lahat na sarisaring panugtog, na mangagpatirapa at magsisamba sa larawan na aking ginawa, mabuti: nguni't kung kayo'y hindi magsisamba, kayo'y ihahagis sa oras ding yaon sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas; at sinong dios ang magliligtas sa inyo sa aking kamay?
16Si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, ay nagsisagot, at nangagsabi sa hari, Oh Nabucodonosor, kami ay walang kailangan na magsisagot sa iyo sa bagay na ito. 17Narito, ang aming Dios na aming pinaglilingkuran ay makapagliligtas sa amin sa mabangis na hurnong nagniningas; at ililigtas niya kami sa iyong kamay, Oh hari. 18Nguni't kung hindi, talastasin mo, Oh hari, na hindi kami mangaglilingkod sa iyong mga dios, ni magsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo.
19Nang magkagayo'y napuspos ng kapusukan si Nabucodonosor, at ang anyo ng kaniyang mukha ay nagbago laban kay Sadrach, kay Mesach, at kay Abed-nego: kaya't siya'y nagsalita, at nagutos na kanilang paiinitin ang hurno ng makapito na higit kay sa dating pagiinit. 20At kaniyang inutusan ang ilang malakas na lalake na nangasa kaniyang hukbo na gapusin si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, at sila'y ihagis sa mabangis na hurnong nagniningas. 21Nang magkagayo'y ang mga lalaking ito'y tinalian na may mga suot, may tunika, at may balabal, at may kanilang ibang mga kasuutan, at sila'y inihagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas. 22Sapagka't ang utos ng hari ay madalian, at ang hurno ay totoong mainit, napatay ng liyab ng apoy ang mga lalaking yaon na nagsibuhat kay Sadrach, kay Mesach, at kay Abed-nego. 23At ang tatlong lalaking ito, si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, ay nagsibagsak na nagagapos sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas.
24Nang magkagayo'y si Nabucodonosor na hari ay nagtaka, at tumindig na madali: siya'y nagsalita at nagsabi sa kaniyang mga kasangguni, Di baga ang ating inihagis ay tatlong gapos na lalake sa gitna ng apoy? Sila'y nagsisagot, at nangagsabi sa hari, Totoo, Oh hari. 25Siya'y sumagot, at nagsabi, Narito, aking nakikita ay apat na lalake na hindi gapos na nagsisilakad sa gitna ng apoy, at sila'y walang paso; at ang anyo ng ikaapat ay kawangis ng isang anak ng mga dios. 26Nang magkagayo'y lumapit si Nabucodonosor sa bunganga ng mabangis na hurnong nagniningas: siya'y nagsalita, at nagsabi, Sadrach, Mesach, at Abed-nego, kayong mga lingkod ng Kataastaasang Dios, kayo'y magsilabas at magsiparito. Nang magkagayo'y si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, ay nagsilabas mula sa gitna ng apoy. 27At ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, at ang mga kasangguni ng hari na nangagkakapisan ay nakakita sa mga lalaking ito, na ang apoy ay hindi tumalab sa kanilang mga katawan, ni ang mga buhok man ng kanilang mga ulo ay nasunog, ni ang kanila mang mga suot ay nabago, ni nagamoy apoy man sila.
28Si Nabucodonosor ay nagsalita at nagsabi, Purihin ang Dios ni Sadrach, ni Mesach, at ni Abed-nego, na nagsugo ng kaniyang anghel, at nagligtas sa kaniyang mga lingkod na nagsitiwala sa kaniya, at binago ang salita ng hari, at ibinigay ang kanilang mga katawan, upang sila'y hindi maglingkod ni sumamba sa kanino mang dios, liban sa kanilang sariling Dios. 29Kaya't nagpapasiya ako, na bawa't bayan, bansa, at wika, na magsalita ng anomang kapulaan laban sa Dios ni Sadrach, ni Mesach, at ni Abed-nego, pagpuputolputulin, at ang kanilang mga bahay ay gagawing dumihan: sapagka't walang ibang dios na makapagliligtas ng ganitong paraan. 30Nang magkagayo'y pinaginhawa ng hari si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, sa lalawigan ng Babilonia."
----------------------------
Ang kwento tungkol sa  talatang 3:1-30 ng Daniel ukol sa pagsamba sa mga larawan ay hindi na saklaw ng doktrina ng Iglesia Katolika. Ang kwento kasi na ito ng hari na nagpatayo ng sarili niyang rebulto para sambahin ay hayagan nang kumokontra sa utos ng Diyos. Kailanman ay di sinamba ng mga Katoliko ang mga larawan, bagkus ay kung sino ang nagrerepresenta sa larawan (e.g. Jesus Christ)  at pagbibigay-galang sa mga pinapaging-banal ng simbahan (e.g. Mary and the other Saints)

Muli sa ikalawang pagkakataon ay aking sasabihin na WALANG MGA DOKUMENTO AT DOKTRINA ANG SIMBAHANG KATOLIKA NA SUMASAMBA ANG MGA KATOLIKO SA REBULTO. WALANG-WALA. Ang ating ginagawa ay Veneration o pagbibigay-galang lamang. 


MGA KATANUNGAN:
  • Porke lumuhod lang ba sa rebulto sumamba na?  
SAGOT: Hindi. Mayroong mga talata sa Bibliya na kapag lumuhod/nagpatirapa sa isang rebulto o kaban ay pagbibigay-galang. (Joshua 7:6, Daniel 2:46-48 atbp.)

Eto pa:
Genesis 19:1- Lot bowed own in the ground to venerate the two angels in Sodom.
Genesis 42:6- Joseph's brothers bow before Joseph with their faces on the ground.
Psalm 138:2- David bows down before God's holy temple.
Judith 14:7- Achior the Ammonite kneels before Judith, venerating her and praising God.


  • Ang salitang "pagsamba" ba ay pwede ring gamitin sa "pagbibigay-galang"?
SAGOT: Oo. Ayon na rin sa Catholic Encyclopedia, ang depinisyon ng salitang "worship" ay: 



“The word worship (Saxon weorthscipe, “honour”; from worth, meaning “value”, “dignity”, “price”, and the termination, ship; Latin cultus) in its most general sense is homage paid to a person or a thing. In this sense we may speak of hero-worship, worship of the emperor, of demons, of the angels, even of relics, and especially of the Cross. This article will deal with Christian worship according to the following definition: homage paid to God, to Jesus Christ, to His saints, to the beings or even to the objects which have a special relation to God.

There are several degrees of this worship:
  • if it is addressed directly to God, it is superior, absolute, supreme worship, or worship of adoration, or, according to the consecrated theological term, a worship of latria. This sovereign worship is due to God alone; addressed to a creature it would become idolatry.
  • When worship is addressed only indirectly to God, that is, when its object is the veneration ofmartyrs, of angels, or of saints, it is a subordinate worship dependent on the first, and relative, in so far as it honours the creatures of God for their peculiar relations with Him; it is designated by theologians as the worship of dulia, a term denoting servitude, and implying, when used to signify our worship of distinguished servants of God, that their service to Him is their title to our veneration (cf. Chollet, loc. cit., col. 2407, and BouquillonTractatus de virtute religionis, I,Bruges, 1880, 22 sq.).
  • As the Blessed Virgin has a separate and absolutely supereminent rank among the saints, the worship paid to her is called hyperdulia (for the meaning and history of these terms see Suicer,Thesaurus ecclesiasticus, 1728).
In accordance with these principles it will readily be understood that a certain worship may be offered even to inanimate objects, such as the relics of a martyr, the Cross of Christ, the Crown of Thorns, or even the statue or picture of a saint. There is here no confusion or danger of idolatry, for this worship is subordinate or dependent. The relic of the saint is venerated because of the link which unites it with the person who is adored or venerated; while the statue or picture is regarded as having a conventional relation to a person who has a right to our homage — as being a symbol which reminds us of that person…”
  


  • Ano naman ang basehan ng paggamit ng salitang "worship" sa "veneration"?
SAGOT:

"At sinabi ni David sa buong kapisanan, Ngayo'y purihin ninyo ang Panginoon ninyong Dios. At ang buong kapisanan ay pumuri sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang, at iniyukod ang kanilang mga ulo, atsumamba sa Panginoon, at sa hari."-(1 Cronica 29:20)




"Nang magkagayo'y ang haring Nabucodonosor ay nagpatirapa, at sumamba kay Daniel, at nagutos na sila'y maghandog ng alay at ng may masarap na amoy sa kaniya." (Daniel 2:46 ADB)
------------------------------
Ngayon, nung nagsiluhod ba ang mga tao at si Daniel ay ibig sabihin sumamba na sila sa Diyos? Hindi. Sapagkat sila ay nagbigay-galang lamang.


MABUHAY ANG SIMBAHANG KATOLIKA! 

No comments:

Post a Comment

Please make this blog clean. Please follow the instructions:

1. If you are an anonymous, please introduce your name and then your religion. Introducing your name is optional (for security purposes) except your religion, or sect/denominations where you belong.

2. Comments with foul/ vulgar words will not be published.

3. If you are going to ask questions/arguments, go ahead. Expect the reply of the admin of this blog for about two to three days.

4. If the admin didn't reply back to your arguments, it does not mean that he doesn't want to answer you. He might be busy, so he can't answer back. But he can answer your arguments, be patient.

That's all. God Bless.

Sincerely,
The admin