Sunday, April 29, 2012

SINO ANG MGA MANDARAYA AT ANTI-CRISTO? PANDARAYA NG IGLESIA NI CRISTO






Jesus Christ, The Good Shepherd













Ang Iglesia ni Cristo sa kanilang programa ay nagbigay ng talata mula sa bibliya na binabanggit kung sino ang  mga Anti-Cristo. 2 Juan 1:7 ang binigay nilang talata.

Atin po ito ngayong suriin....


The Message Bible by Eugene H. Peterson

Ang ginamit nilang bersyon ng Bibliya ay ang "The Message". Ganito ang nakasulat sa Kasulatang ito:

"There are a lot of smooth-talking charlatans loose in the world who refuse to believe that Jesus Christ was truly human, a flesh-and-blood human being. Give them their true title: Deceiver! Antichrist!" (2 John 1:7 "The Message")

at ang ministro ay binasa sa wikang Filipino ang talata samantalang nakalagay naman sa screen ang original language ng "The Message"

"Maraming bulaang propeta ang kumawala at lumaganap sa buong mundo na hindi naniniwalang si Hesucristo ay tunay na tao, may laman at may dugo. Bigyan ninyo sila ng titulong: Mandaraya! Anti-Cristo!" (2 Juan 1:7 Ayon mismo sa pagkakasalin ng ministro ng INC)

Ang Iglesia Katolika, naniniwala na tao ang Panginoong Hesucristo.
Ang Iglesia Ni Cristo, naniniwalang TAO LANG ang Panginoong Hesucristo.

Ngunit, ano ba talaga ang nakalagay sa talatang 2 Juan 1:7? Para maintindihan ay sipiin na din natin ang Original Greek language ng Bagong Tipan.

ὅτι πολλοὶ πλάνοι ἐξῆλθον εἰς τὸν κόσμον, οἱ μὴ ὁμολογοῦντες Ἰησοῦν Χριστὸν ἐρχόμενον ἐν σαρκὶ· οὗτος ἐστιν ὁ πλάνος καὶ ὁ ἀντίχριστος. ( 2 John 1:7 Interlinear Greek)


   hoti polloi  planoi exēlthon eis ton kosmon hoi mē homologountes Iēsoun Christon erchomenon en sarki houtos estin ho planos kai ho antichristos



Ang ibig sabihin:

"For many deceivers are entered into the world who confess not that Jesus Christ is coming in the flesh This is a deceiver and an antichrist."

 Sa wikang Filipino naman:

"Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo’y *naging tao. Ang ganoong mga tao ay mandaraya at laban kay Cristo. anti-Cristo." (2 Juan 1:7 Magandang Balita Biblia revised)

Sa ibang version naman, ang nakalagay ay *nagkatawang-tao

Bakit nga ba iba ang nasa "The Message" na bible version? Eto po ang sasagot:

"Why was The Message written? The best answer to that question comes from Eugene Peterson himself: ""While I was teaching a class on Galatians, I began to realize that the adults in my class weren't feeling the vitality and directness that I sensed as I read and studied the New Testament in its original Greek. Writing straight from the original text, I began to attempt to bring into English the rhythms and idioms of the original language. I knew that the early readers of the New Testament were captured and engaged by these writings and I wanted my congregation to be impacted in the same way. I hoped to bring the New Testament to life for two different types of people: those who hadn't read the Bible because it seemed too distant and irrelevant and those who had read the Bible so much that it had become 'old hat.'""

Peterson's parishioners simply weren't connecting with the real meaning of the words and the relevance of the New Testament for their own lives. So he began to bring into English the rhythms and idioms of the original ancient Greek—writing straight out of the Greek text without looking at other English translations. As he shared his version of Galatians with them, they quit stirring their coffee and started catching Paul's passion and excitement as he wrote to a group of Christians whom he was guiding in the ways of Jesus Christ. For more than two years, Peterson devoted all his efforts to
The Message New Testament. His primary goal was to capture the tone of the text and the original conversational feel of the Greek, in contemporary English.

Language changes. New words are formed. Old words take on new meaning. There is a need in every generation to keep the language of the gospel message current, fresh, and understandable—the way it was for its very first readers. That is what
The Message seeks to accomplish for contemporary readers. It is a version for our time—designed to be read by contemporary people in the same way as the original koin Greek and Hebrew manuscripts were savored by people thousands of years ago.

That's why NavPress felt the time was right for a new version. When we hear something over and over again in the same way, we can become so familiar with it that the text loses its impact. The Message strives to help readers hear the living Word of God—the Bible—in a way that engages and intrigues us right where we are. "


Ngayon po, sino ang kinikilalang mga anti-Cristo? Ang mga Iglesia ni Cristo po. Dahil hindi nila kinikilala ang pagkakatawang-tao ni Hesucristo.












































Wednesday, April 25, 2012

ANG PAGKADIYOS NG ATING PANGINOONG HESUCRISTO

















Ang isa sa mga aral ng Iglesia Katolika ay ang PagkaDiyos ng ating tagapagligtas na si Hesukristo. Marami pong hindi Katoliko ang nagsasabing hindi Diyos si Cristo dahil TAO LANG DAW siya at HINDI DIYOS. Dahil kung Diyos si Cristo ay magiging dalawa na ang Diyos ayon mismo sa non-Catholics.
Ngunit pinaninindigan po ng Iglesia Katolika ang “Pagka-Diyos” ni Hesucristo. Ayon na rin po sa bibliya. Si Hesucristo, anak ng Diyos Ama, anak ni Maria ay Dios na nagkatawang-tao:
John 1:1
“Sa pasimula ay ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa-Dios at ang Verbo ay Dios.”
Sa ibang translations ay ganito:
“Sa pasimula ay ang Salita, at ang Salita ay sumasa-Dios at ang Salita ay Diyos
Malinaw po na ang “Salita” o “Verbo” na tinutukoy ay Diyos.
John 1:14
“Nagkatawang-tao ang Salita at tumahan sa gitna natin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian ng bugtong na Anak na nagmula sa Ama, puspos ng biyaya at katotohanan.”
Malinaw din po na ang “Verbo” o “Salita” na tinutukoy sa Juan ay nagkatawang-tao. Meaning, Mula sa pagiging Diyos ay nagkatawang-tao siya. Pinatotohanan yan ni San Pablo sa mga taga-Filipos:

Filipos 2:5-7
“Ang dapat ninyong maging damdamin ay tulad ng kay Cristo Jesus: Na bagamat siya ay nasa mismong likas ng pagiging Dios, hindi niya pinilit na pinanghawakan ang pagiging kapantay ng Dios; bagkus ay kusa niyang hinubad ang lahat ng ito, at kinuha ang kalikasan ng isang alipin nang siya’y magkatawang-tao.”
Tinanggap ba ni Cristo ang kanyang pagka-Diyos? Opo, kaya nga po sinabi niyang iisa sila ng Ama. (Juan 10:30) Gayon na rin po ng tawaging “Panginoon ko at Dios ko!” ni Tomas si Hesucristo makaraang magpakita si Hesus sa kanya nang muli siyang mabuhay. (Juan 20:28). Hindi po sinagot ni Jesus si Tomas ng “Ako ay hindi Diyos, wag mo kong tatawaging Dios.” Bagkus sinabi niya ay “Nakita mo ako kaya ka naniwala; mapalad silang hindi nakakita gayunma’y sumampalataya.”

Porke ba Diyos si Cristo, dalawa na ang Diyos?
HINDI po. Iisa pa rin sila ng ama dahil Si Cristo at ang Ama ay iisa:
“Ako at ang Ama ay iisa.” (Juan 10:30)
Kaya nga po dumampot ng bato ang mga Hudyo dahil si Cristo ay nagkukunwaring Dios di-umano. Ituloy po natin ang pagbabasa:
Juan 10:31-33
“Muling dumampot ng mga bato ang mga Judio upang siya’y batuhin. Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Marami na akong naipakitang himala sa inyo mula sa Ama. Alin sa mga ito ang dahilan ng inyong pagbato sa akin?”
“Hindi dahil sa alinman sa mga ito kaya ka namin babatuhin.”, sagot ng mga Judio. “Kundi dahil sa pamumusong mo, Pagkat ikaw, na isang tao lamang, ay nagpapanggap na Diyos!””
Muli ay inulit ni Hesus na sila ng Diyos Ama ay iisa habang siya ay nananalangin para sa lahat ng mananampalataya:
Juan 17:22
“Ibinigay ko na sa kanila ang kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa, gaya nating iisa.


MABUHAY ANG PANGINOONG HESUCRISTO!

““IPINAKIKILALA, ANG “IGLESIA NI CRISTO”"




Ako ay binigyan ng polyeto ng guro kong INC member na naglalahad ng pinaniniwalaan ng Iglesia ni Cristo (1914).  Ang pamagat ng polyeto ay “ IPINAKIKILALA ANG IGLESIA NI CRISTO”. Nais ko lamang ibahagi ang ilan sa mga nakalagay sa polyetong ito…. Ibibigay ko na rin po ang opinyon ko dito…

Sa bahagi ng “ANG AMING SINASAMPALATAYANAN”, ito ang nakasulat:
BIBLIA ANG SALIGAN. Ang Banal na Kasulatan ang tanging saligan ng pananampalataya at gawain ng Iglesia ni Cristo.
ATING LAMANG PONG PANSININ NA BIBLIA DIN ANG KANILANG SALIGAN NG MGA PANANAMPALATAYA AT DOKTRINA NG IGLESIA NI CRSTO. KUNG ATIN PONG ALALAHANIN AY WALA PO SILANG SARILING BIBLIYA AT GINAGAMIT LANG NILA ANG SARILI NATING BIBLIYA. ANG KALALABASAN NG SINABI NILANG YAN, SILA ANG NAKIKIGAMIT NG BIBLIYA AT GUMAGAWA NG SARILI NILANG DOKTRINA.
·        Si Hesukristo ang Anak ng Diyos. Sumasampalataya ang Iglesia ni Cristo na si Jesucristo ay ang Anak ng Diyos. Siya ay ginawa ng Diyos na maging Panginoon at Tagapagligtas. Siya ang iisang Tagapamagitan natin sa Diyos. Si Cristo ay banal at isang katangi-tanging tao NGUNIT SIYA’Y HINDI DIYOS.

TAHASAN NA PO NILANG KINOKONTRA ANG BIBLIYA UKOL SA “DIVINITY” NI HESUCRISTO. MALINAW NA NGA PO SA BIBLIYA NA SI CRISTO ANG DIYOS NA NAGKATAWANG-TAO:
Juan 1:1
“Sa pasimula ay ang Verbo, at ang verbo ay sumasadiyos, at ang Verbo ay Diyos.”
Juan 1:14
“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin. Nakita namin ang kanyang kaluwalhatian, kaluwalhatian ng BUGTONG NA ANAK na nagmula sa Ama, puspos ng biyaya at katotohanan.”
SI CRISTO AT ANG AMA AY IISA
Juan 10:30
“ Ako at ang Ama AT IISA.”

TAPOS SASABIHIN PO NILA NA TAO LANG SI CRISTO AT HINDI DIYOS? ETO PA ANG ISA:

Hebreo 1:3
Ang Anak ang maningning na sinag ng kaluwalhatian ng Dios at ganap na kapahayagan ng kanyang pagiging Dios.”
ETO PA PO:
Hebreo 1:8
Ngunit sa Anak ay sinabi niya:
“Ang iyong trono, O Dios, ay mananatili magpakailanman, at ang katuwiran ang magiging satro ng iyong kaharian.””

AYAN OH, MALINAW NA TINAWAG NG AMA NA DIYOS SI HESUS, ANG BUGTONG NA ANAK NIYA, SINO PONG NILOKO NILA? SARILI NILA?
MALINAW NA MALINAW NA PO NA TOTOONG DIYOS AT TOTOONG TAO SI HESUCRISTO.
MABUHAY ANG PANGINOONG HESUKRISTO!