Thursday, May 31, 2012

'Serpent-Handling' West Virginia Pastor Dies From Snake Bite





""Serpent-handling" West Virginia Pentecostal pastor Mark Wolford"









A "serpent-handling" West Virginia pastor died after his rattlesnake bit him during a church ritual, just as the man had apparently watched a snake kill his father years before.
Pentecostal pastor Mark Wolford, 44, hosted an outdoor service at the Panther Wildlife Management Area in West Virginia Sunday, which he touted on his Facebook page prior to the event.
"I am looking for a great time this Sunday," Wolford wrote May 22, according to the Washington Post. "It is going to be a homecoming like the old days. Good 'ole raised in the holler or mountain ridge running, Holy Ghost-filled speaking-in-tongues sign believers."
Robin Vanover, Wolford's sister, told the Washington Post that 30 minutes into the outdoor service, Wolford passed around a poisonous timber rattlesnake, which eventually bit him.
"He laid it on the ground," Vanover said in the interview, "and he sat down next to the snake, and it bit him on the thigh."
Vanover said Wolford was then transported to a family member's home in Bluefield about 80 miles away to recover. But as the situation worsened, he was taken to a hospital where he later died.
Jim Shires, owner of the Cravens-Shires Funeral Home in Bluefield, told ABC News that Wolford died Monday. Wolford's church, the Apostolic House of the Lord Jesus in Matoaka, will host a viewing Friday and a funeral service Saturday morning. Wolford will be buried at the Hicks Family Plot in Phelps, Ky.
Officials at the Panther Wildlife Management Area had been unaware of Sunday's event until they were notified by callers after the service.
"We did not know that this event was happening, and if we had known about it or if we had been asked for permission, permission would not have been granted," Hoy Murphy, public information officer for the West Virginia Division of Natural Resources, told ABC News.
Hoy said West Virginia state park rules prohibit animals other than dogs and cats on the property.
While snake-handling is legal in West Virginia, other Appalachian states, including Kentucky and Tennessee, have banned the practice in public spaces.
Snake-handlers point to scripture as evidence that God calls them to engage in such a practice to show their faith in him. Mark 16: 17-18 reads, "And these signs shall follow them that believe: In my name shall they cast out devils; they shall speak with new tongues. They shall take up serpents; and if they drink any deadly thing, it shall not hurt them; they shall lay hands on the sick, and they shall recover."
Wolford told the Washington Post magazine in 2011 that he is carrying on the tradition of his ancestors by engaging in snake handling.
"Anybody can do it that believes it," Wolford said. "Jesus said, 'These signs shall follow them which believe.' This is a sign to show people that God has the power."
Wolford said watched his own father die at the age of 39 after a rattlesnake bit him during a similar service.
"He lived 101/2 hours," Wolford told the Washington Post Magazine. "When he got bit, he said he wanted to die in the church. Three hours after he was bitten, his kidneys shut down. After a while, your heart stops. I hated to see him go, but he died for what he believed in.
"I know it's real; it is the power of God," Wolford told the Washington Post Magazine last year. "If I didn't do it, if I'd never gotten back involved, it'd be the same as denying the power and saying it was not real."

THE "CHURCH OF CHRIST" IN THE WORLD

Denominations (CHURCH OF CHRIST?) with a shared heritage in the Latter Day Saint movement, which include:

  • Church of Christ (Latter Day Saints), the original name of the first Latter Day Saint church, founded in 1830 by Joseph Smith, Jr.
  • Church of Christ (Temple Lot), a Latter Day Saint denomination based in Independence, Missouri
  • Church of Christ with the Elijah Message, which broke away from the Temple Lot church in 1929
  • Church of Christ at Halley's Bluff, which broke away from the Temple Lot church in 1932
  • Church of Christ (Whitmerite), an extinct Latter Day Saint denomination
  • Church of Christ (Brewsterite), an extinct Latter Day Saint denomination
  • Church of Christ (Parrishite), an extinct Latter Day Saint denomination
  • Latter Day Church of Christ, a Mormon fundamentalist denomination based in Utah
  • And other denominations called the Church of Jesus Christ
  • United Church of Christ, a mainline Protestant denomination in the United States amalgamated from four congregationalist groups in 1957 (See also Christian Connexion.)
  • United Church of Christ – Congregational in the Marshall Islands, the largest religious group in the Marshall Islands
  • Church of Christ, Scientist, also known as Christian Science
  • Church of Christ in Congo, the administrative and spiritual union of denominations in the Democratic Republic of the Congo
  • Iglesia ni Cristo (Filipino translation for "Church of Christ"), an independent church originating in the Philippines
  • Church of Christ, Instrumental, also known as the Kelleyites, a Baptist denomination in Arkansas
  • United Church of Christ in the Philippines, the largest Protestant group in the Philippines
  • Church of Christ in Thailand, the largest Protestant Church in Thailand.
     
     
    MEANING, THE "IGLESIA NI CRISTO" OR "CHURCH OF CHRIST" IS NOT THE ONLY ONE CHURCH IN THE WHOLE WORLD AND NOT THE TRUE CHURCH! ALL OF THEM IS A SOCIETY, A CULT, AND NOT A RELIGION. OF COURSE, NOT FOUNDED BY JESUS CHRIST BUT founded by  a MAN.

Wednesday, May 30, 2012

SI FELIX MANALO BA ANG IBONG MANDARAGIT NA HINULAAN SA ISAIAS 46:11?

Ang inyo pong mababasa ay mula sa aklat na "Ang Katotohanan Tungkol sa Iglesia ni Cristo (1914)" ni Julian Pinzon. Ito ay nilimbag ng Logos Publication. Ang aklat na ito ay nagsasabi ng katotohanan tungkol sa mga magasing "Pasugo" ng Iglesia ni Cristo laban sa "Pasugo" ng Iglesia ni Cristo din. Doktrina nila laban sa Doktrina nila. Makikita po ang buong nilalaman ng aklat na ito sa kanang bahagi ng aking blog, sa ilalim ng "A MUST READ BLOG/SITES" entitled "Ang Katotohanan Tungkol sa Iglesia ni Cristo (1914)". Narito po at inyong basahin:

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Ang ibong mandaragit na mababasa sa Isaias 46:11, ay mababasa sa PASUGO na si Felix Manalo raw ang tinutukoy at ang talatang ito ni Isaias 46:11 ay ganito ang sinasabi:
"Buhat sa silanganan, tinatawag ko ang ibong mandaragit, buhat sa malayong lupain ang taong (gaganap) ng aking mga balak. Kung ano ang aking sinabi ay siya kong gagawin; kung ano ang aking binalak ay siya kong isasagawa".

PANSININ: Ang interpretasyon nina G. F. Manalo at ang mga panatikong Manalista ay ganito:  
1-Ang ibon ay mula sa silangan -- W. History, B.S.A. p. 445  
2-Ang tao na iyon din ang ibon ay mula sa malayong lupain, mga pulo ng dagat -- Isaias 24:15, ang Pilipinas.
3-Si G. Felix Manalo ang ibong mandaragit mula sa Pilipinas.
Ang ibong mandaragit na ito na hinulaan ni Propeta Isaias ay si Ciro na hari ng Persia, ayon sa mga Pantas at Dalubhasa sa mga Kasaysayan at sa Banal na Kasulatan.
Kaya ang hulang ito (Isaias 46:11) na ipinatutungkol ni G. Felix Manalo sa kanyang sarili, ay hindi dapat bigyang pansin kung isasaalangalang sa mga nailahad na mga paksa. Bakit? Sapagkat nasusulat sa Santiago 2:10 ang ganitong mga pangungusap:
“Sapagkat ang sinumang gumanap ng buong kautusan, at gayon ma'y natisod sa isa, ay nagiging makasalanan sa lahat."
Si Felix Manalo'y napatunayan natin na hindi sinugo ng Dios, ayon sa paliwanag ng kanilang Magasing PASUGO at gayon din sa Banal na Kasulatan; na anopa't ang mga itinurong aral ay hindi nagmula sa Dios kundi nagmula lamang sa kanyang sarili. Bakit? Sapagkat wala sa Bibliya at laban sa Bibliya. Ang magasing PASUGO ay laban sa magasing PASUGO.
Datapuwa't bagaman wala nang pangangailangan pa o nasabi nga natin na hindi sapat pansinin pa ang bagay na ito, ay sa kapakanan ng mga walang kabatiran sa hulang ito, narito ang pahapyaw na paglilinaw tungkol sa "silanganan at malayong lupain at mga pulo ng dagat" na kanilang piagbabatayan na umano'y ang Bansang Pilipinas, at ilalahad natin ito sa pamamagitan ng mga tanong at sagot:
TANONG: Saang dako ng daigdig ang tinutukoy ng Banal na Kasulatan na Silanganan?

SAGOT: Genesis 25:6
“Datapuwa't ang mga anak ng naging mga babae ni Abraham ay pinagbigyan ni Abraham ng mga kaloob; at samantalang nabubuhay pa siya ay inilayo niya kay Isaac na kanyang anak sa dakong silanganan sa lupaing silanganan."
Pansinin: Ang mga anak ni Abraham ay pinapunta sa silanganan. Ang mga ito'y anak ni Abrahamn sa laman. Si Felix Manalo'y hindi anak sa laman ni Abraham.
Genesis 29:1,4
“Nang magkagayo'y si Jacob sa kanyang paglalakbay ay napasa-Lupain ng mga anak ng Silanganan. At sinabi sa kanila ni Jacob; mga kapatid ko, taga saan kayo? At kanilang sinabi, taga Haram kami." (Kapatid -- kapwa Israelita)
Deut. 4:47-49
“At kanilang sinakop ang kanyang lupain sa pinakaari, at ang lupain ni Og na Hari sa Basan, ang dalawang hari ni Amorreo, na nangasa dako pa roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw. Mula sa Aroer na nasa hangganan ng libis ng Arnon hanggang sa bundok ng Sion o Hermon at ang buong Arabia sa dako roon ng Jordan sa dakong Silanganan hanggang sa dagat ng Arabia sa ibaba ng gulod ng Pisga."
Pansinin: Ang SILANGANAN na binabanggit sa Isaias 46:11 ay walang pangalan ng bansa na sinasabi. At sapagkat Bibliya ang may sabi nito, ay dapat din na Biblia ang magsasabi kung san naroon. Ngayon ipinakita at sinasabi sa atin ang dakong tinatawag ng Biblia na SILANGANAN. At ang sabi ay sa dako pa roon ng Jordan. (Pansinin sa mga talatang ito.)
Dahil diyan ay maliwanag na paltos at kamangmangang sabihin sa Pilipinas ang tinutukoy na SILANGANAN sa Isaias 46:11. At huwag isali dito ang Word History p. 445.
At ngayon ay sisipiin natin ang nasa Isaias 24:15, na kanilang pinagbabatayan hinggil sa SILANGANAN at MGA PULO NG DAGAT, na ganito ang nasusulat:
“Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa SILANGANAN samakatuwid bagay ang pangalan ng Panginoon ang Dios ng Israel, sa MGA PULO NG DAGAT.”

TANONG: Mayroon bang masusumpungan sa Banal na Kasulatan na lugar ng "MGA PULO NG DAGAT?" 
SAGOT: Mayroon at si Isaias din ang una nating pasasagutin dito, at sa Isaias 11:11-12a na ganito ang pahayag:
“At mangyayari sa araw na yaon na ilalapag ng Panginoon uli ang kanyang kamay na ikalawa upang mabawi ang nalalabi sa kanyang bayan na nalalabi mula sa Asira, at mula sa Ehipto, at mula sa Patros, at mula sa Cus, at mula sa Elam, at mula sa Sinar, at mula sa Amoth, at mula sa mga pulo ng dagat." 
Pansinin: Unawain sa mga binanggit dito na walang nabanggit na Pilipinas.

Sa Esther 10:1 ay ganito ang sinasabi:
"At ang Haring Assuero ay nag-atang ng buwis sa lupain at mga "PULO NG
DAGAT."
Ngayon ay ito naman ang tanong: Ang bawat Pilipinas na maraming mga "PULO NG DAGAT" ay nagbayad pa ba ng buwis kay Haring Assuero? O sa kasaysayan ng Bayang Pilipinas, mababasa po ba na nakasakop ni Haring Assuero ang bansang Pilipinas? Sa tanong na ito'y tiyak na mangangamatis ang mga Manalotes panatikostes. Kaunting pagbubulay-bulay mga kababayan!

Tanong: Yaon bang 'MALAYONG LUPAIN' na binanggit ni Propeta Isaias 46:11, saan naman mababasa at aling bansa ang tinutukoy? 
Sagot: Sa Isaias 39:3 ay ganito ang pahayag:
“Nang magkagayo'y dumating si Isaias na propeta sa Haring Ezequias at nagsabi sa kanya; Anong sinasabi ng mga lalaking ito, at saan nanggaling na nagparito sila sa iyo? At sinabi ni Ezequias; Sila'y nagsiparito sa akin mula sa MALAYONG LUPAIN." (Ang mga lalaking nabanggit dito ay mga pangkat ni Ciro.)
Sa talatang ito ay ipinababatid salahat na ang MALAYONG LUPAIN na nasusulat sa Biblia ay doon sa Babiloni at hindi sa Pilipinas. Dahil diyan, sino ngayon ang dapat paniwalaan, sina Manalo ba o si Isaias na sumulat sa Isaias 46:11, at Isaias 39:3? O ang World History nina Boak, Sosson at Anderson, p. 445, na ito ang ginamit nilang patotoo upang linlangin ang mga walang muwang sa bagay na ito. 
Datapuwa't malaman ang buong katotohanan. Ang World History ay naglalaman ng mga katotohanan. Datapuwa't suriin ang mga bagay-bagay na inilalarawan ng bawat manunulat kung ano yaon. Isang halimbawa'y may sumulat sa lalawigan ng Abra at ilarawan niya ang apat na direksiyon: Silangan-- Isabele; Kanluran-- Vigan, Ilocos Sur; Hilaga-- Laoag, Ilocos Norte; at Timog-- La Union o Cabanatuan. Sa gayon, mayroon lamang hangganan na inilalarawan. Dahil diyan siya na sumulat ang dapat tanungin kung ano ang ibig sabihin, at huwag sa ibang manunulat. Ang ibig kong ipagunita sa halimbawang ito, si Isaias ang nagpahayag ng SILANGAN, MALAYONG LUPAIN at MGA PULO NG DAGAT, siya rin ang dapat magturo kung nasaan ang mga bagay na sinasalita, ay Biblia rin ang magbibigay ng liwanag. 
Ngayon ay nais kong sariwain sa alaala ng mga kinauukulan ng bagay na ito ay baka magtanim sila ng galit sa atin ay unawain nila ang nasusulat sa mga Magasing PASUGOng sumusunod:
PASUGO Okt. 1956, p. 29:
“Bakit hindi ang nag-aral ng Iglesia ni Cristo ang iyong tuligsain? Ipakita
ninyo sa pamamagitan ng Biblia na mali ang aming mga aral. Ito ang dapat ninyong gawin."
PASUGO Marso 1962, p.2:
Makagagawa ka ng mabuti kung ang mga aral ng INK ay iyong tututulan at ipakita mo sa pamamagitan ng Biblia. Kung iyan ay magagawa mo... makapaglilingkod ka pa sa Dios at makapaglilingkod ka pa sa kapwa mo tao."
(Sanay'y maunawaan ng mga kinauukulan ang nasusulat na ito sa kanilang Magasing PASUGO.)

CBCP head: Impeachment over, it’s time to move on

Catholic Bishops Conference of the Philippines president, Cebu Archbishop Jose Palma.

Tuesday, May 29, 2012

BAKIT IISANG PAMILYA LANG ANG NAMAMAHALA SA "IGLESIA NI CRISTO"?

Bakit nga ba iisang pamilya lang ang namamahala sa "Iglesia ni Cristo"? Simple lang po. Dahil sila ay nakarehistro sa "Office of the Division of Archives, Patented Properties of Literature and Executive Office of industrial Trade Marks"  bilang isang "society" at ang Founder ng kanilang Iglesia ay si "Felix Manalo". Opo, ang huling sugo "daw" nila na si "Felix Manalo".


INC Registration
Makikita po na sa pruweba sa itaas na ang dating Pangalan ng society ni Manalo ay "Iglesia ni Kristo". Iba po sa "Iglesia ni Cristo". Marahil po ay napansin ni FYM na mali ang pangalan ng Iglesia niya sa Biblia kaya pinalitan niya ng titik "C" ang "K" sa salitang Cristo. Hahaha.


 Makikita rin po sa itaas na ang nakasulat ay ganito:

"That said applicant appears before this office and respectfully declares:
That said applicant is the founder and present head of the Society named "Iglesia ni Kristo" and desires to convert said society into a universal corporation."
Tama po ang nabasa ninyo, ang "Iglesia ni Kristo" ay isang Corporation! Kaya po pala iisa lang ang pamilya na namamahala sa Iglesia ni Cristo Corporation.

Wala po kayong nakita na pangalan ni Hesukristo sa nasabing Registration. Kaya malinaw po na hindi talaga si Kristo ang nagtatag ng "Iglesia ni Cristo" ni Manalo bagkus ay ang Huling Sugo "daw" nila na si Felix Manalo.

Friday, May 25, 2012

SAANG "IGLESIA" BA ANG TINUTUKOY SA ROMA 16:16

Kadalasang ginagamit po ng "Iglesia ni Cristo" na itinatag ng Huling Sugo "daw" ng Diyos sa mga Huling araw na si Felix Manalo ang talatang Roma 16:16 para patunayan na silang "Iglesia ni Cristo" daw ang tinutukoy duon sa talata.

Ganito "daw" ang nakalagay sa Roma 16:16:
"Mangagbatian kayo ng banal na halik, lahat ng iglesia ni Cristo ay bumabati sa inyo."

Ngunit sa totoo lang po ay walang Iglesia ni Cristo (singular) sa Original Greek language ng Bible kundi Mga Iglesia ni Cristo (plural) lang po.

Ganito po ang talagang nakalagay sa Roma 16:16 sa original Greek language ng Bibliya:




ἀσπάσασθε
aspasasthe
greet
ἀλλήλους
allēlous
one another
ἐν
en
with
φιλήματι
philēmati
kiss
ἁγίῳ.
agiō
holy
ἀσπάζονται
aspazontai
greet
ὑμᾶς
umas
you
αἱ
ai
the
ἐκκλησίαι
ekklēsiai
churches
πᾶσαι
pasai
all
τοῦ
tou
the
Χριστοῦ.
christou
Christ


"Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo" Roma 16:16


Ang sabi naman po nila duon sa "Mga Iglesia ni Cristo" ay mga miyembro daw nila na "Iglesia ni Cristo" ang tinutukoy doon.
 
Para saan ba ang sulat na ginawa ni San Pablo?

Roma 1:7

"Sa lahat ninyong nangasa Roma, mga iniibig ng Dios, tinawag na mangagbanal: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo."

Malinaw naman po na sa taga-Roma ang sulat ni San Pablo.

Ang "Iglesia ni Cristo" po na itinatag ni Felix Manalo ay nasa Pilipinas



Hindi pa rin sila iyon dahil ang tinutukoy na "mga Iglesia ni Cristo" ay ang mga Iglesia ni Cristo sa Roma:.

Anong Iglesia ba ang nasa Roma?
Ang Iglesia Katolika po dahil nasa Roma ito.

Iglesia Katolika ang tinutukoy sa Roma 16:16 dahil ito ay nasa Roma.







Thursday, May 24, 2012

Kaparehas ba ng pagkasugo kay Juan Bautista ang Pagkasugo kay Felix Manalo?

Ayon sa isang kaanib ng Iglesia Ni Cristo na si Rodante Aguilar, na itinatag ni Ginoong Felix Manalo sa kanyang facebook post ay ganito ang kaniyang sinabi:
Hindi naman mahalaga ang pagkilala ng international bible schoolars, para paniwalaan mo, hindi naman yan ang AUTHORITY na aming kinikilala,t sinasampalatayanan, ang nasa biblia sa Roma 10:14-15,.Paano nga sila magsisitawag doon sa hindi nila sinasampalatayanan at paano silang magsisisampalataya sa kanya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?.. At paano silang mangangaral, kung hindi sila mga sinugo?...."
     Ayon sa kanya ano daw ang esensya ng paniniwala sa ginawa ng mga bible scholars kung hindi naman daw sila isinugo at ang kanyang sabi ay ganito daw ang nakasulat sa Roma 10:14-15:
“Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan?at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? At paano silang mangakikinig na walang tagapangaral? At paano sila magsisisampangaral, KUNG HINDI SILA ANG MGA SINUGO?”
Una,paano niya nasabing hindi isinugo ang mga international Bible scholars? Dahil kung ating titignan karamihan sa mga Bible scholars ay paring katoliko.At ang isa sa mga sinasampalatayanan ng Iglesia Katolika ay ang Sakramento ng Banal na Orden  o ang pagpapatong ng kamay sa mga pari katulad ng ginawa ng mga apostol sa pagsusugo ng mga tagapangaral, tignan natin ang Banal na Kasulatan ukol dito:
““Na siyang iniharap nila sa mga apostol: at nang sila’y mangapakapanalangin na, ay IPINATONG NILA ANG KANILANG MGA KAMAY SA MGA  YAON.” (Gawa 6:6)
“Nang magkagayon, nang sila’y makapagayuno na at makapanalangin at MAIPATONG ANG MGA KAMAY NILA SA KANILA,AY KANILANG PINAYAON SILA.” (Gawa 13:3)
      Naniniwala ako na isa rin yan sa mga karaniwang ginagawa at sinasampalatayanan ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ni Ginoong Felix Manalo, dahil kung ating tatanungin ang kanilang mga ministro ng ganitong tanong “Sino ang nagsugo at nagorden sa iyo para mangaral?”  ang kaniyang isasagot ay si Kapatid na Eduardo Manalo,  kapag iyong tanungin ulit siya ng ganito “Sino naman ang nag-ordena kay Kapatid na Eduardo Manalo?” , ang sagot niya ay ‘Si Kapatid na Erano Manalo ang nag-ordena sa kanya.”  Kapag tinanong mo ulit siya ng ganito “Sino naman ang nagsugo at nag-ordena kay Kapatid na Erano Manalo?”   ang kaniyang isasagot ay ganito ‘Si Kapatid na Felix Manalo po ang nagsugo at nag-ordena sa kaniya.”  At kapag muli mo siyang tinanong ng ganito “Kung gayon ay sino ang nag-ordena kay Kapatid Na Felix Manalo?”.  Wala silang maisagot dahil  alam nila na walang isa man na naging kaanib na ng Iglesia Ni Cristo ang kailanma’y nag-ordena at nagsugo kay Ginoong Felix Manalo. Kaya nga may sinabi ang Panginoong Diyos sa mga nagsasabing sila daw ay isinugo gayong hindi naman:
““Hindi ko sinugo ang mga propetang ito, gayon ma’y nagsitakbo sila: ako’y hindi nagsalita  sa kanila, gayon ma’y nanghula sila.” (Jeremias 23:21)
       Kaya di kagulat-gulat na walang katibayan ang INC na si Ginoong Felix Manalo ay inordenahan at isinugo buhat sa mga apostol. Eh paano naman ang mga paring iskolar sa Biblia? Sila ay mga isinugo dahil sa bias ng ordenasyon na kanilang natanggap. Kung ikaw ay magtatanong sa isang pari o Obispo ay ganito ang kanilang sasabihin, “Sa isa pang Obispo na namuno sa lugar na ito.”   At makikita na natin na walang patid ang pagpapatong ng kamay na naging kaugalian na ng Iglesia Katolika sa mahigit 2000 taon buhat pa mismo sa mga apostol. Dahil diyan sinabi ni Apostol San Pablo kay Timoteo ang kahalagahan ng pagpapatong ng mga kamay:
“Huwag mong pabayaan ang kalooban na nasa iyo, na sa iyo’y ibinigay sa pamamagitan ng hula, na may PAGPAPATONG NG MGA KAMAY NG KAPULUNGAN NG MGA PRESBITERO.” (1 Timoteo 4:14)
“Dahil dito ay ipinaaalala ko sa iyo na paningain mo ang kaloob ng Dios, na nasa iyo sa pamamagitan ng PAGPAPATONG NG AKING MGA KAMAY.” (2 Timoteo 1:6)
     Kahit si Apostol Pablo ay isinugo ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay ni Ananias:
“At umalis si Ananias at pumasok sa bahay; at IPINATONG ANG KANIYANG MGA KAMAY SA KANIYA na sinabi, Kapatid na Saulo, ang Panginoon, sa makatuwid baga’y si Jesus, na sa iyo’y napakita sa daan na iyong pinanggalingan, ay nagsugo sa akin, upang tanggapin mo ang iyong paningin, at mapuspos ng Espiritu Santo.” (Gawa 9:17)
      Kahit sa Lumang Tipan ang walang hanggang pagkasaserdote ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at pagpapahid ng langis:
“At iyong PAPAHIRAN NG LANGIS sila gaya ng iyong pagkapahid sa kanilang ama, upang sila’y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote, at ang pagpapahid sa kanila ay maging sa kanila’y pinakatanda ng walang hanggang pagka-saserdote sa buong panahon ng kanilang lahi.” (Exodo 40:15)
        Kahit si Josue na Anak ni Nun na siyang isinugo at itinalaga ng Panginoon upang pumalit kay Moises sa pangunguna sa bayang Israel ay siyang isinugo sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay ni Moises:
“At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ipagsama mo si Josue na anak ni Nun, isang lalake na kinakasihan ng Espiritu, at IPATONG  MO ANG IYONG KAMAY SA KANIYA.” (Bilang 27:18)
“At si Josue na anak ni Nun ay napuspos ng diwa ng karunungan: sapagka’t IPINATONG NI MOISES ANG KANIYANG MGA KAMAY SA KANIYA; at dininig siya ng mga anak ni Israel, at ginawa nila ang gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.” (Deuteronomio34:9)
      Ang pagkasugo din naman sa mga apostol ay kaiba sa pagkasugo sa mga kahalili nila dahil ang mga apostol ay isinugo sa pamamagitan ng pagsusugo ng Espiritu Santo sa kanila sa panahon ng Pentecostes:
“At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes,silang lahat ay nangagkatipon sa isang dako. At biglang dumating mula sa langitang isang ugong gaya ng isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan. At sa kanila’y may napakitang mga dilang kawangis ng apoy na nagkabahabahagi;at dumapo sa bawa’t isa sa kanila.At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu na kanilang salitain.” (Gawa 2:1-4)
      Paano nasabing noong panahon ng Pentecostes natanggap ng mga apostol ang pagkasugo, si Jesus mismo ang nagsabi sa kanila bago siya umakyat sa langit:
“Datapuwa’t TATANGGAPIN NINYO ANG KAPANGYARIHAN, PAGDATING SA INYO NG ESPIRITU SANTO: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem,at sa buong Judea at Samaria,at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.” (Gawa 1:8)
      Gayundin ay isinugo ng Panginoong Jesus ang mga apostol noong panahon ng kaniyang Muling Pagkabuhay kung saan hiningahan niya sila ng Espiritu Santo:
“Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus,Kapayapaan ang sumainyo: kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman SINUSUGO KO KAYO.
At nang masabi niya ito, sila’y HININGAHAN NIYA, AT SA KANILA’Y SINABI, TANGGAPIN NINYO ANG ESPIRITU SANTO:
Sinomang inyong patawarin sa mga kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila;sinomang hindi inyo patawarin ng mga kasalanan,ay hindi pinatatawad.” (Juan 20:21-23)
Ikalawa, ang mga iskolar ng Biblia ay hindi nagtuturo ng mga bagong aral bagkus ay kanilang iniingatan ang napakatandang tradisyon ng mga apostol,at kanilang pinahahalagahan ang matandang tradisyon ng pagsasalin ng Banal na Kasulatan at sa pag-iinterpret nito. Dahil sinabi mismo ni Apostol Pedro patungkol sa mga walang alam at mga taong pinipilit ipaliwanag ang Biblia sa kanilang sariling palagay:
“Na malaman muna ito,na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa SARILING PAGPAPALIWANAG.” (2 Pedro 1:20)
     Dahil diyan binabalaan tayo ni Apostol San Pedro patungkol sa mga taong walang kaalaman na mahilig baluktutin ang mga talata lalo na yung mga mahirap unawain para lamang sa kanilang pansariling interes:
“Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat,na doo’y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo’y may ilang bagay na mahirap unawain, na ISINISINSAY NG MGA DI NAKAAAALAM AT NG MGA WALANG TIYAGA,NA GAYA RIN NAMAN NG KANILANG GINAGAWA SA IBANG MGA KASULATAN SA IKAPAPAHAMAK DIN NILA.” (2 Pedro 3:16)
         Pagdating naman sa turo ng INC ay ganito ang sinasabi ng kanilang PASUGO kung sino ang umakda ng kanilang mga katuruan:
At sino nga ba ang gumagawa ng mga LEKSIYONG ITINUTURO NG MGA MINISTRO, maging SA MGA PAGSAMBA, MGA DOKTRINA  o MGA PROPAGANDA? ANG KAPATID NA FELIX MANALO.” (PASUGO, Mayo 1961, p. 4)
“Kaya’t sa katuparan ng hula, ang LAHAT NG MGA ITINUTURONG MGA MINISTRO NG IGLESIA NI CRISTO SA MGA PAGSAMBA, SA MGA DOKTRINA, SA MGA PAMAMAHAYAG SA GITNA NG BAYAN, ay si KAPATID NA FELIX MANALO LAMANG ANG BUMABALANGKAS AT NAGTUTURO  SA KANILA.” (PASUGO, Mayo 1963, p. 27)
       Ang mga Paring iskolar naman sa Biblia ay hindi nagtuturo ng sarili nilang doktrina o aral, bagkus ay kanilang itinuturo lang ang matagal nang turo ng Iglesia Katoliko buhat pa sa panahon ng mga unang Kristiyano at panahon ng mga apostol. Ang kaniyang palaging pamantayan ay ang Banal na Kasulatan at Banal na Tradisyon alinsunod na rin sa sinabi ni Apostol San Pablo sa kaniyang mga isinulat:
“Kaya nga,mga kapatid,kayo’y manindigang matibay at inyong panghawakan ang MGA TRADISYON na sa inyo’y itinuro naming,maging sa PAMAMAGITAN NG SALITA, O NG SULAT MULA SA AMIN.” (2 Tesalonica 2:15, Ang Bagong Ang Biblia,Edisyon 2001)
“Aming ipinag-uutos ngayon sa inyo mga kapatid, sa pangalanng ating Panginoong Jesu-Cristo,na kayo’y lumayo sa bawat kapatid na namumuhay sa katamaran,at hindi AYON SA TRADISYON NA TINANGGAP NILA SA AMIN.”(2 Tesalonica 3:6, Ang Bagong Ang Biblia,Edisyon 2001)
“Pinupuri ko kayo,sapagkat sa lahat ng mga bagay ay naaalala ninyo ako, at pinananatili ninyong matibay ang MGA TRADISYON NA GAYA NG IBINIGAY KO SA INYO.” (1 Corinto 11:2,Ang Bagong Ang Biblia,Edisyon 2001)
Ang Pagkasugo ni Ginoong Felix Manalo ay katulad ng pagkasugo kay Juan Baustista
      Isa sa mga idadahilan ng mga kaanib ng INC ang ganito “Bakit si Juan Bautista, isinugo siya ng Diyos ngunit hindi naman naordenahan saka wala naming nagpatong ng kamay sa kaniya ha, kaya ganun din an gaming Kapatid na Felix Manalo na isinugo mismo ng Diyos.”
         Ganito ang tanong diyan “Paano ka nakakasiguro na magkatulad nga sa pagkasugo sina Felix Manalo at Juan Bautista?”  Tignan natin kung paano isinugo si Juan Bautista, si Juan Bautista ay anak ng paring si Zacarias at ni Elisabet na pinsan ni Maria na Ina ni Jesucristo. Ang palaging dahilan ng mga INC sabi nila na ang isang palatandaan na magparehas sila ni Felix Manalo ay pareho daw silang katuparan ng mga hula,gayundin ay pareho silang isinugo diretso ng Diyos, isang indikasyon at patunay na si Ginoong Felix Manalo daw ay isinugo. Pero kung titingnan natin ng maigi ang dalawa ay talagang hindi totoo na magparehas sila dahil si Juan Bautista ay hindi lamang inihula bagkus ay pinatunayan pa siya ng isang anghel na napakita sa kaniyang mga magulang, ganito ang sinasabi ng kasulatan:
“Datapwa’t sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Zacarias: sapagka’t dininig ang daing mo, at ang asawa mong si Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake, at tatawagin mong Juan ang kaniyang pangalan.
At magkakaroon ka ng ligaya at galak; at marami ang maliligaya sa pagkakapanganak sa kaniya.
 Sapagka’t siya’y magiging dakila sa paningin ng Panginoon, at siya’y hindi iinom ng alak na matapang na inumin; at siya’y mapupuspos ng Espiritu Santo, mula pa sa tiyan ng kaniyang ina.
AT MARAMI SA MGA ANAK NI ISRAEL, AY PAGPAPABALIKING-LOOB NIYA SA PANGINOON NA KANILANG DIOS.
At SIYA’Y LALAKAD SA UNAHAN NG KANIYANG MUKHA NA MAY ESPIRITU AT KAPANGYARIHAN NI ELIAS,  upang PAPAGBALIKING-LOOB ANG MGA PUSO NG MGA AMA SA MGA ANAK,AT ANG  MGA SUWAIL AY MAGSILAKAD SA KARUNUNGAN  NG MGA MATUWID,UPANG IPAGLAAN ANG PANGINOON NG ISANG BAYANG NAHAHANDA.” (Lucas 1:13-17)
      Diyan pa lang sa winika ng anghel sa kaniyang Amang si Zacarias ay kaiba na si Juan Baustista kay Felix Manalo dahil, pinatunayan ni anghel Gabriel na ang magiging anak ni Zacarias ay tatawaging JUAN, at siyang katuparan ng mga hula. Ibig sabihin ang anghel mismo ang nagbigay ng pangalan kay Zacarias, hindi katulad ni Felix Manalo na walang nagbigay na anghel ng pangalan sa kaniya upang mapatunayan na siya ng ang isinugo. Dahil kung mapapansin natin ay si Juan nga ang katuparan ng mga hula ng mga propeta ayon sa winika ng anghel at ito ang mga hula na iyon:
“ Narito AKING SUSUGUIN SA INYO  SI  ELIAS NA PROPETA bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.
 AT KANIYANG PAPAGBALIKING-LOOB ANG PUSO NG MGA AMA SA MGA ANAK, AT ANG PUSO NG MGA ANAK  SA KANILANG MGA MAGULANG.” (Malakias 4:7-6)
“Narito, aking SINUSUGO ANG AKING SUGO,AT SIYA’Y MAGHAHANDA,NG DAAN SA HARAP KO: at ang Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang paroroon sa kaniyang templo; at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito siya’y dumarating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.” (Malakias 3:1)
“Ang tinig ng isang sumisigaw,IHANDA NINYO SA ILANG ANG DAAN NG PANGINOON PANTAYIN NINYO SA ILANG ANG LANSANGAN PARA SA ATING DIOS.” (Isaias 40:3)
      Ang pagkasugo kay Juan Bautista ay katulad ng pagkasugo kay Isaac, eto at ating tignan kung paano sila isinugo sa pamamagitan ng pagpapatunay ng isang anghel:
“At sinabi ng Dios,Hindi,kundi ang iyong asawang si Sara ay magkakaanak sa iyo at tatawagin mo ang kaniyang ngalang ISAAC; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan, sa kaniyang lahi pagkamatay niya.” (Genesis 17:19)
        Dito pa lang ay malinaw na ibang-iba ang pagkakasugo ni Juan Bautista sa pagkasugo kay Felix Manalo.Dahil si Juan Bautista ay inihula at pagkatapos ay pinatunayan ng anghel at binigyan siya ng pangalan. Isa pang katangian patungkol sa pagkasugo kay Juan Bautista ay kung saan hindi nagpalipat-lipat ng relihiyon o sekta si Juan Bautista para sabihing siya ay isinugo. Si Juan Bautista ay isinugo ayon na rin sa mga hula at itinakda ng anghel. Ngunit si Ginoong Felix Manalo ay saka lamang niya natanto na siya pala ay isinugo pagkatapos niyang magkulong sa kaniyang kwarto sa pagbabasa lamang ng Biblia at ilang babasahing panrelihiyon. Isa bagay na hindi ginawa ni Juan Bautista,maaring namalagi si Juan Bautista sa ilang, ngunit ang pagkasugo sa kaniya ay di tulad ng kay Felix Manalo.Kung ating mapapansin na ang mga ministro ng INC ay mahilig gumamit ng maraming salin ng Biblia, upangg mapatunayan na sila nga ang tama, ngunit wala man lang silang maisalin ni isang Biblia.
             Kapag minsan na may nakakausap tayong INC kapag alam nila na ang isang talata ay di papabor sa kanila, ganito ang palagi nilang sinasabi “Mali ang pagkakasalin niyan.”  Ang nakapagtataka sa kanila, paano nila masasabing mali ang pagkakasalin ng isang talata kung wala naman silang alam sa siyensya ng pagsasalin ng Biblia ni isa man lang kaalaman patungkol sa mga orihinal na wika ng Biblia. Kung kanilang sasabihin na mali ang salin ng talata na iyon, bakit hanggang ngayon ay wala silang magawa na isang opisyal na salin ng Biblia at patuloy pa rin sila sa paggamit ng mga Bibliang hindi naman sa kanila.

Ipinaglihi ba ang walang bahid kasalanan si Maria? by Christopher Garcia

Ang dogma ng Immaculada Concepcion ay isa sa mga pangunahin at mahahalagang turo ng Iglesia Katolika patungkol ito sa walang salang paglilihi kay Maria, ito ay idineklara ni Papa Pio IX sa kanyang Papal Bull na pinamagatang “Inefabilis Deus” noong Disyembre 8, 1854 na nagsasabing:
We declare, pronounce and define that the doctrine which holds that the Blessed Virgin Mary, at the first instant of her conception, by a singular privilege and grace of the Omnipotent God, in virtue of the merits of Jesus Christ, the Saviour of mankind, was preserved immaculate from all stain of original sin, has been revealed by God, and therefore should firmly and constantly be believed by all the faithful.”
        Noong bata pa ako noong minsang naimbitahan ako ng mga born again  sa kanilang vacation bible school  isa sa mga karaniwang inatake nila ay ang dogma ng Immaculada Concepcion na eksaktong siya naming patrona ng aming komunidad, ang mga karaniwang talata na kanilang ginagamit ay ang Roma 3:23 at Lucas 1:47, sabi nila na huwag daw naming paniwalaan ang Immaculate Conception dahil wala daw ito sa Biblia, tignan natin ang mga talatang kanilang nabanggit:
Ayon sa Roma 3:23 ay ganito ang sinasabi:
“Sapagka’t ang LAHAT AY NANGAGKASALA nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios.”
  Ayon sa kanila na si Maria hindi kaiba sa mga tao na siyang nagmana ng kasalanan nina Adan at Eba kaya pinatutunayan na hindi siya malinis na ipinaglihi, kung saan dahl ang isinasaad ng talata ay patungkol sa lahat marapat lamang ayon sa mga di katoliko na kasama na rin dito si Maria ang Ina ni Jesus. Ayon sa kanila na si Maria na daw mismo ang nagsabi na nangangailangan din daw siya ng tagapagligtas tulad ng kanya daw sinabi sa Lucas 1:47 na ganito ang sinasabi:
“At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking TAGAPAGLIGTAS.”
    Ayon sa kanila malinaw na malinaw na hindi Immaculada si Maria dahil kahit paano ay nangangailangan din siya ng Tagapagligtas. Sa unang tingin ay mukha ngang may punto ang sinasabi ng mga born again patungkol sa Immaculada Concepcion, ngunit ganito naman ang sagot ko sa kanila na 11 taon kong pinag-aralan at natuklas maipakita na totoong ipinaglihi nga si Maria na walang kasalanan sa pamamagitan ng simpleng lohika sa Banal Na Kasulatan.
     Ang una muna nating itanong sa ating sarili ay ano ba ang kasalanan, ano ba ang sinasabi ng Banal na Kasulatan patungkol sa kasalanan, halina at ating tignan:
Ayon kay Apostol San Juan ang kasalanan ay:
“Ang sinomang GUMAGAWA NG KASALANAN ay SUMASALANSANG sa KAUTUSAN:at ang KASALANAN ay ang PAGSALANGSANG sa KAUTUSAN.” (1 Juan 3:4)
“Lahat ng KALIKUAN ay KASALANAN…” (1 Juan 5:17)
Gayundin naman ang sinabi ni Apostol Santiago patungkol sa bunga ng kasalanan:
“Kung magkagayo’y ang kahalayan,kung maipaglihi ay nanganganak ng KASALANAN: at ang KASALANAN, pag malaki na ay namumunga ng KAMATAYAN.” (Santiago 1:15)
 Dahil dito ay may sinasabi si Apostol San Juan patungkol sa kung anong klase ng tao ang namumuhay sa kasalanan:
“Ang GUMAGAWA NG KASALANAN AY SA DIABLO; sapagka’t buhat pa nang pasimula ay nagkakasala ang Diablo.” (1 Juan 3:8)
    Dahil sa alam na natin kung ano ba ang kasalanan at kung ano ba ang bunga nito at kung anong klase ban g tao ang namumuhay sa kasalanan, atin naming alamin kung sino ang anak na ipinaglihi ni Mariang Birhen na siya nating tagapagligtas an gating Panginoong Jesus mismo ganito ang sinasabi ng kasulatan patungkol sa kanya:
”At siya’y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya’y JESUS; sapagka’t ILILIGTAS NIYA ang kaniyang bayan sa kanilang KASALANAN.” (Mateo 1:21)
“Narito ang Cordero ng Dios; na NAGAALIS NG KASALANAN NG SANGLIBUTAN!” (Juan 1:29)
“At nalalaman ninyo na siya’y nahayag upang MAGALIS NG MGA KASALANAN,at sa KANIYA’Y WALANG KASALANAN.” (1 Juan 3:5)
“Sa bagay na ito’y nahayag ang Anak ng Dios, UPANG IWASAK ANG MGA GAWA NG DIABLO.” (1 Juan 3:8)
      Dahil dito si Jesus ang katuparan ng hula na ipinahayag ng Diyos sa ahas patungkol sa binhi ng babae na siyang magiging kaaway niya at siya ring dudurog sa kanyang ulo, parehas sila ng kanyang ina na magiging kaaway ng ahas ganito ang sinasabi sa unang aklat ng Genesis:
“At PAPAGALITIN ko IKAW at ang BABAE,at ang IYONG BINHI at KANIYANG BINHI: ITO ang DUDUROG  ng IYONG ULO, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.” (Genesis 3:15)
 Dahil dito malinaw na magiging magkaaway ang mesiyas at ang Diablo, kaya imposible na si Maria ay may bahid ng kasalanan,dahil katulad ng nasaksihan natin kanina na ang sinomang nagkakasala ay sa Diablo, dahil doon si Maria kung gayon ay magiging alipin ng Diablo, gayong siya rin ang maglilihi sa kaaway ng aha sang Diablo. Maari bang magkasundo ang Diyos at si Satanas ganito ang sinasabi ng Banal na Kasulatan:
“Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka’t anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o ANONG PAKIKISAMA MAYRON ANG KALIWANAGAN AT KADILIMAN?
At ANONG PAKIKIPAGKASUNDO MAYROON SI CRISTO KAY BELIAL?o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya?
At ANONG PAKIKIPAGKAISA MAYROON ang TEMPLO NG DIOS SA MGA DIOSDIOSAN? Sapagka’t tayo’y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako’ymagiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan. Kaya nga,
Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo’y aking tatanggapin,
At ako sa inyo’y magiging ama, At sa akin kayo’y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.” (2 Corinto 6:14-18)
   Dahil dito ay kapag ganyan ang nangyari na may sinabi si Kristo patungkol sa isang kahariang naglalaban laban, paano ngayon tatayo si Satanas kung nilalabanan niya ang kanyang sarili:
“At sila’y kaniyang pinalapit sa kaniya, at sinabi niya sa kanila sa mga talinghaga, PAANONG MAPAPALABAS NI SATANAS SI SATANAS?
At kung ang isang kaharian ay magkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili, hindi mangyayaring makapanatili ang kaharian yaon.
At kung ang isang bahay ay magkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili, ay hindi mangyayaring makapanatili ang bahay na yaon.
At kung MAGHIHIMAGSIK SI SATANAS LABAN SA KANIYANG SARILI, AT MAGKAKABAHABAHAGI, HINDI SIYA MAKAPANANANATILI, KUNDI MAGKAKAROON NG ISANG WAKAS.”(Marcos 3:23-26)
  Dahil diyan sinasabi din sa Banal na Kasulatan na walang anuman ang pwedeng humarap sa Panginoon na may maruming puso:
“At hindi papasok doon sa anomang bagay na KARUMALDUMAL o siyang GUMAGAWA NG KASUKLAMSUKLAM at ng KASINUNGALINGAN.” (Apocalipsis 21:27)
    Gayundin ay pinatutunayan ito nina Propeta Isaias, at Zacarias:
“Sapagka’t ako’y napahamak; sapagka’t ako’y lalaking may MARUMING LABI, at ako’y TUMATAHAN SA GITNA NG BAYAN NA MAY MARUMING LABI.”  (Isaias 6:5)
“Hubarin ninyo ang mga MARUMING SUOT sa kaniya.” (Zacarias 3:4-7)
   Sinabi din mismo ni Jesus na mapalad ang may malinis na puso sapagka’t makikita nila ang Dios:
“Mapapalad ang mga may MALINIS NA PUSO: sapagka’t MAKIKITA NILA ANG DIOS.” (Mateo 5:8)
    Dahil diyan, marapat lamang na ang Panginoon ay Manahan sa isang dalisay,malinis at banal na lugar. Kung si Maria ay may bahid kasalanan hindi siya karapat dapat na maging Ina ng Panginoon dahil siya hindi malinis bagkus ay isang babaeng may maruming labi na naninirahan sa isang bayang may maruruming labi tulad na rin ng sinabi ni Isaias. Dahil diyan ay nilinis ng Panginoon ang Mahal na Birheng Maria upang ipaghanda niya ng isang malinis at dalisay na tirahan ang kanyang Anak, ang Verbong nagkatawang tao,dahil siya ay isinilang buhat sa Diyos, dahil diyan ayon kay Apostol Juan na ang sinomang nananahan sa Panginoon ay hindi nagkakasala:
“Ang SINOMANG NANANAHAN SA KANIYA HINDI NAGKAKASALA; sinomang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya, ni hindi man nakakilala sa kaniya.” (1 Juan 3:6)
Ang sinomang IPINANGANAK NG DIOS  AY HINDI NAGKAKASALA, sapagka’t ang kaniyang binhi ay nananahan sa kaniya at siya’y HINDI MAAARING MAGKASALA SAPAGKA’T SIYA’Y IPINANGANAK NG DIOS.” (1Juan 3:9)
      Dahil diyan malinaw na ipinapakita ang lohika na ipinapakita ng Banal na Kasulatan na ang Mahal na Birhen ay nailigtas mula sa kasalanang mana mula sa sinapupunan ng kanyang inang si Ana.  Kaya diyan pa lang ay talagang  nangailangan ang Mahal na Birhen ng Tagapagligtas at ang Diyos yun,hindi siya magiging Immaculada kung hindi niya siya ililigtas mula sa kasalanang mana na ito. Kung baga nailigtas na ang Mahal na Birheng Maria in advance.
      Kaya nga noong binati ng Arkanghel Gabriel si Maria ay tinawag niya siyang napupuno ng grasya day dahil, sa una pa lang ay pinuno na ng Panginoon ng lahat ng grasya ang Mahal na Birhen upang ipaghanda siya sa kaniyang misyon bilang maging ina ng Tagapagligtas:
“Pagpasok niya sa kinaroroonan ng babae ay sinabi niya,”Magalak ka,PUSPOS-NG-BIYAYA, ang Panginoon ay sumasaiyo.” (Lucas 1:28,Ang Ebanghelyo ni Jesucristo)
“Datapwat sinabi sa kanya ng anghel,” Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging KALUGOD-LUGOD KA SA MATA NG DIYOS.” (Lucas 1:30, Ang Ebanghelyo ni Jesucristo)
      Dahil siya ay naging kalugod lugod sa Diyos kaya siya napili upang maging Ina ng Mesiyas ang Kristong Panginoon na tatalo kay Satanas,kaya nga sa aklat pa lang ng Genesis ay sinabi na ng Diyos na ang babae ay magiging kaiba kay Eba na sumuko sa tukso ng demonyo, di katulad ni Maria na sumunod sa kalooban ng Diyos,kaya si Maria at ang diyablo ay lagging mag-aaway:
“At PAPAGAALITING KO IKAW AY ANG BABAE, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.” (Genesis 3:15)
    Kaya sa huli lalo na sa aklat ng apocalipsis ay inihayag ni Juan na ang dragon ay may matinding galit sa babae:
“At NAGALIT ANG DRAGON SA BABAE, ay umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mg autos ng Dios at mga may patotoo ni Jesus.” (Apocalipsis 12:17)
   Halos 11 taon bago ko lubos na nagpag-aralan at natuklasan ang buong lohika ng Simbahan patungkol sa Immaculada Concepcion ni Maria, dahil kung titignan ay talagang nakalagay sa Banal na Kasulatan ang Immaculada Concepcion kaya ito ay dapat sampalatayanan.

BAKIT BA NAG-AANTANDA NG KRUS ANG MGA KATOLIKO? by Cristopher Garcia














Isa sa mga tanda ng pagiging katoliko ay ang pag-aantanda ng krus, ito ay matagal nang kaugalian ng mga katoliko nagbuhat pa sa panahon ng mga unang kristiyano. Ito rin ang tanda na madalas batikusin at atakihin ng mga di katoliko. Kapag nagkasalubong ang isang katoliko at isang di katoliko, at kapag nakita niya na nag-aantanda ng krus ang isang katoliko ay kaniyang sasabihin “Naku,  brother bakit ka nag-aantanda ng krus,alam mo ban a masama yan ayon sa Biblia, dahil tanda yan ng antikristo.”  Sabay basa sa talata ng aklat ng apocalipsis ang Apocalipsis  13:16:
“At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng ISANG TANDA SA KANILANG KANANG KAMAY O SA NOO.”
Pagkatapos ay kanilang idudugtong ang kasunod na talata:
“At ang ibang anghel,ang pangatlo,ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig. Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng TANDA SA KANIYANG NOO, O SA KANIYANG KAMAY. Ay iinom din naman siya  ng alakng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halosa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya’y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kalian man; at sila’y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng TANDA  NG KANIYANG PANGALAN.” (Apocalipsis 14:9-11)

       Sa unang tingin ay mukhang kapani-paniwala ang sinasabi ng mga di katoliko dahil sa binabanggit sa mga talata ang katagang Tanda sa kanilang noo at kanang kamay  ngunit tignan natin kung paano isinasagawa ang pag-aantanda ng krus. Ayon kay Monsignor Sabino Vengco sa kanyang aklat na pinamagatang” Mga Tanda at Kilos sa Liturhiya”  sa pahina 5 ay ganito ang sinasabi:
Ang TANDA NG KRUS na GINAGAWA NATIN SA NOO, DIBDIB AT MGA BALIKAT o ang tatlong maliliit na krus sa noo, sa bibig at sa dibdib ay pagpapahayag ng pananampalatayang ito. Ang PAGBAKAS SA TANDA NG KRUS AY SINASABAYAN NATIN NG PANANAWAGAN SA SANTISIMA TRINIDAD; “ SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.”

          Malinaw na malinaw na hindi kumporme ang sinasabi ng Apocalipsis 13:16 at Apocalipsis 14:9-11 sa pagsasagawa ng antanda ng krus. Bakit dahil ang karugtong ng talata na mismo ng Apocalipsis !3:17 ang nagsasabi kung ano bang tanda iyon:
“At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman,kundi siyangmayroong tanda, sa makatuwid ay ng PANGALAN NG HAYOP O BILANG NG KANIYANG PANGALAN.” (Apocalipsis13:17)
        Napakalinaw na ang tinutukoy ng talata ay hindi ang tanda ng krus, dahil ang tanda ng krus ay hindi pagtatak sa noo at sa kanang kamay bagkus ito ay ang paggamit ng kanang kamay sa pagtuturo sa noo, dibdib at dalawang balikat sabay bigkas ng ‘Sa Ngalan ng Ama, Anak at ng Espiritu Santo.”Para maging mas malinaw ay kilalanin natin kung sino ba itong hayop na binabanggit ng Apocalipsis 13:17. Kung mababasa natin ang Apocalipsis 13 ay mapapansin natin na hindi lamang dalawang hayop ang nabanggit bagkus ay tatlo, sino ang mga iyon? Tignan natin isa isa:
Ang unang hayop na nabanggit ay ang Hayop na umaahon sa dagat:
At nakita ko ang isang HAYOP NA UMAAHON SA DAGAT,na may sampung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan.” (Apocalipsis 13:1)
Ang ikalawang hayop ay ang halimaw na nagbigay ng kapangyarihan at kapamahalaan sa unang hayop at siyang nabanggit ang kaniyang pangalan sa Apocalipsis 12,
“At ibinigay sa kaniya ng DRAGON ang kaniyang kapangyarihan, at  ang kaniyang luklukan,at dakilang kapamahalaan.” (Apocalipsis 13:2)
Ipinapakita sa Apocalipsis 12 kung ano ang pangalan ng Dragon na ito:
“At inihagis ang malaking DRAGON, ang matandang ahas,ang tinatawag na DIABLO at SATANAS, ang dumadaya sa buong sanglibutan, siya’y inihagis salupa,at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.” (Apocalipsis 12:9)
At gayundin naman ang ikatlong hayop ang Hayop na umaahon sa lupa:
“At nakita ko ang ibang HAYOP NA UMAAHON SA LUPA; at may dalawang sungay na katulad ng sa isangg kordero, at siya’y nagsasalitang gaya ng dragon.” (Apocalipsis 13:11)
     Kitang kita natin na hindi talaga ang tanda ng krus ang sinasabi ng Apocalipsis 13 dahil sa pag-aantanda ng krus ay hindi naman natin sinasambit ang ngalan ng tatlong halimaw na nabanggit bagkus ay ang ‘Ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo’ mga katagang itinuro mismo ng ating Panginoong Jesucristo sa kaniyang mga alagad:
“Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y bautismuhan sa PANGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.”  (Mateo 28:19)
       Malinaw na sinasabi dito na ang pangalan na sinasambit ng mga katoliko sa pag-aantanda ng krus ay ang nasa Mateo 28:19 at hindi ang ngalan ng tatlong hayop sa Apocalipsis  13. Dahil ditto binabalaan ni Jesus ang sinomang lumait sa Dios sa pagsasabing ang mga pangalang sinasambit sa pag-aantanda ng krus ang Ngalan ng Ama, ng Anak at Espiritu Santo ay inilahantulad sa pangalan ng tatlong hayop sa Apocalipsis 13
“Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ipapatawad ang lahat ng kanilang kasalanan sa mga anak ng mga tao, at ang mga kapusungan nila kalian ma’t sila’y mangagsasalita ng kapusungan:
Datapuwa’t sinomang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran magpakailan  man, kundi may kasalanan ng isang kasalanang walang hanggan.” (Marcos 3:28-29).
    Dahil diyan ay may sinabi si Pablo patungkol sa mga kaaway ng krus ng Panginoong Jesucristo, ganito ang kanyang sinasabi:
“Sapagka’t marami ang mga nagsisilakad, na siyang madalas na aking sinabi sa inyo, at ngayo’y sinasabi sa inyo na may pagiyak, na sila ang mga kaaway ng krus ni Cristo: Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan, na ang kanilang diyos ay ang tiyan, at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang kahihiyan, na nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa.” (Filipos 3:18-19)
 Gayundin ay may sinabi si Jesus patungkol sa mga kaaway ng krus na ibig siyang alisin sa krus na kanyang kinamatayan:
“Lumagay ka sa likuran ko, Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka’t hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao.” (Mateo 16:23)
   Kung gayon paano masasabi ng mga di katoliko na ang tanda ng krus ay tanda ng anticristo gayong may binabanggit si Apostol San Juan patungkol sa tunay na pagkakakilanlan sa Anticristo na ganito ang sinasabi:
“Sino ang sinungaling kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo? Ito ang anticristo, sa makatuwid ay ang TUMATANGGI SA AMA AT SA ANAK.” (1 Juan 2:22)
     Malinaw na malinaw na hindi nga tanda ng anticristo ang tanda ng krus dahil hindi naman tinatanggi ng isang katolikong nag-aantanda ng krus ang Ama at ang Anak bagkus ay ipinapahayag pa niya ang pangalan ng Ama at ng Anak. Dahil dito hindi masasabi ng mga di katoliko na ang tanda ng krus ay tanda ng Anticristo, dahil malinaw na sinasabi ni Juan na ang anticristo ay tumatanggi sa Ama at sa Anak.
    Ngayon ating ipapaliwanag naman natin kung ano ba ang kahulugan ng bawat kilos sa pag-aantanda ng krus. Ang Unang tanong ay kung bakit kanang kamay an gating ginagamit sa pag-aantanda ng krus? Dahil ang kanang kamay ay simbolo ng proteksiyonb at pagkalinga at paggabay ng Diyos tignan natin sa Banal na Kasulatan: 
“Gayunman ako’y kasama mong palagian, inaalalayan mo ang aking KANANG KAMAY.” (Awit 73:23,Ang Bagong Ang Biblia Edisyon 2001)
    Ikalawa, bakit sa noo unang itinuturo ang kanang kamay?

  1. Dahil ito ay simbolo ng karunungan sa pag-aaral ng kautusan na para bagang ito ay nakasulat sa kanilang mga noo.
“At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong NOO.” (Deuteronomio 6:8)
  1. Ito rin ay tanda o simbolo ng nasa ilalim ng proteksyon ng Diyos
“At sinabi sa kanila na huwag ipahamakang damo sa lupa, ni ang anomang bagay na saiwa,ni ang anomang punong kahoy, kundi ang mga tao lamang ns walang tatak ng Dios sa kanilang mga NOO.” (Apocalipsis 9:4)
“At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya’y isang daan at apat na pu’t apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama,na nasusulat sa kanikaniyang NOO. (Apocalipsis 1:14)
“At makikita nila ang kaniyang mukha; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga NOO.” (Apocalipsis 22:4)

Ikalawa, Bakit sa dibdib naman?
  1. Dahil ang dibdib ay kung saan matatagpuan ang puso, ito ay tanda ng pagmamahal sa Dios ng buong puso:
“At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong PUSO, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas.” (Deuteronomio 6:5)
  1. Ito rin ay nagpapaalala sa atin ng Dakilang Pag-ibig ng Diyos sa pagsusugo ng kanyang Bugtong na Anak sa sanlibutan at tanda rin ng pagmamahal ng Anak:
“Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16)
“Ako’y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay,kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin; at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito’y sa Anak ng Dios,na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.” (Galacia 2:20)
“Dito nahayag ang pag-ibig ng Dios sa atin, sapagka’t sinugo  ng Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan upang tayo’y mabuhay sa pamamagitan niya.” (1 Juan 4:9)
“Ang sinomang nanampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Dios: at ang bawa’t umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon.” (1 Juan 5:1)
Ikatlo, bakit naman natin itinuturo ang dalawang balikat sa pag-aantanda?
  1. Dahil ang balikat ay simbolo ng paglilingkod:
“At nakakita siya ng dakong pahingahang mabuti, At ng lupang kaayaaya; At kanyang iniyukod ang kaniyang BALIKAT upang pumasan, At naging aliping mangaatag.” (Genesis 49:15)
  1. Ito rin ay simbolo ng pag-atag ng responbsibilidad sa pangangalag ng isang tao:
“Sapagka’t sa atin ay ipinanganak ang isang bata sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maatang sa kaniyang BALIKAT: ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamangha-mangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.” (Isaias 9:6)
      Dahil diyan imposible ang lahat ng paratang ng mga di katoliko sa pagsasabing ang tanda dawn g hayop sa Apocalipsis 13 ay ang tanda ng krus dahil kahit anong salin ba ng Biblia ang gamitin ay hindi ito pinatutungkol sa tanda ng krus at mas lalong hindi rin sinabi ng talata na iyon nga ang tanda ng krus. Para sa isang katoliko ay huwag dapat natin ikahiya ang pag-aantanda ng krus dahil ito ay tanda ng atin kaligtasan, tandaan natin na ang krus na ating ginagawa ay hindi lamang isang krus na walang laman kundi nakapaspecific dahil ito ay ang KRUS NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO, hindi ang krus lamang na kahoy an gating pinatutungkulan kundi ang Kristo nakapako sa krus ang atin ipinapahayag tulad ng sinabi ni Pablo:
“Datapuwa’t an gaming ipinangangaral ay ANG CRISTO NA NAPAKO SA KRUS, na sa mga Judio ay katitisuran, at sa mga Gentil ay kamangmangan.” (1 Corinto 1:23)
        Dahil dito hindi dapat ikahiya ng mga katoliko ang kanilang pag-aantanda ng krus kahit na sila pa ay pagtawanan, kutyain o punahin ng mga di nakakaunawa sa kahulugan ng krus ng ating Panginoong Jesucristo na kanyang ginamit upang iligtas ang sanlibutan, ating ipagmapuri ito katulad ng sinabi ni Pablo:
“Datapuwa’t malayo nawa sa akin ang pagmamapuri,maliban na sa KRUS NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO, na sa pamamagitan niyao’y ang sanglibutan ay napako sa krus sa ganang akin, at ako’y sa sanglibutan.” (Galacia 6:14)
      At sa huli ganito ang sinasabi ni San Pablo para sa kahalagahan ng krus sa ating kaligtasan at ano naman ito para sa mga di nakakaunawa dito:
“Sapagka’t  ang SALITA NG KRUS ay kamangmangan sa kanila ng nangapapahamak; nguni’t ito’y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas.” (1 Corinto 1:18)
   Dahil dito ay si mismo ang nagsabi ng kung paanong itinaas ni Moises ang tansong ahas ay gayundin naman ay itataas din ang Anak ng Tao at ang sinumang sumapalataya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan:
“At kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, ay gayon kinakailangang ITAAS ANG ANAK NG TAO; Upang ang sinomang sumampalataya ay magkaroon sa kanya ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:14-15)
     Isang bagay lang kung bakit di matanggap ng mga di katoliko ang tanda ng krus ay sinabi mismo ng pasyong mahal:
“Yaong KRUS kung matingnan nang taong makasalanan agad pangingilabutan, sa dili pakikinabang bungang kasarap-sarapan.” (Pasiong Mahal, pahina 211)

    Dahil diyan ay dapat na ipagmalaki ng mga katoliko ang tanda ng krus dahil ito ay tanda ng kanilang pagiging Kristiyano.


Bakit tinatawag na "Father ang Pari? by Christopher Garcia

Bakit tinatawag nating ‘Father’ ang mga Pari?

           Minsan kapag nakakarinig ang isang di katoliko ng isang katolikong tumatawag sa isang pari ng ‘Father’  ganito ang kanyang sasabihin “Brother, bakit mo tinatawag yung pari na ‘Father’? alam mo bang bawal yan dahil si Jesus mismo ang nagbawal niyan basahin mo yung Mateo 23:9’.Siyempre magugulumihanan yung katoliko dahil mababasa nga naman niya sa Biblia ang ganito:
“At huwag ninyong tawaging inyong AMA ang sinomang tao sa lupa; sapagka’t uusa ang inyong AMA sa makatuwid baga’y siya na nasa langit.” (Mateo 23:9)
           Mukha ngang ipinagbabawal nh Panginoong Jesus ang pagtawag ng Father,  pero may isa pang pahabol na tanong para sa mga di katoliko, saan nakasulat sa Biblia na pinayagan ni Jesus na tawaging Pastor ang mga Pastor nila? Tulad ng Pastor Joseph, Pastor Arnold?  Diba si Jesus lang ang mabuting Pastor at wala nang iba pa bakit sila patatawag na mga Pastor? Tignan natin ang sinabi ni Jesus:
“Ako ang MABUTING PASTOR; at nakikilala ko ang sariling aking, at ang sariling akin ay nakikilala ko.” (Juan 10:11)
    Ganun din ang pinatutunayan ng aklat ng apocalipsis:
“Sapagka’t ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang magiging PASTOR nila, at sila’y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at papahirin ng Dios ang bawa’t luha ng kanilang mga mata.” (Apocalipsis 7:17)
     Ganito naman ang sasabihin ng mga Born Again at mga di-katoliko, “eh nasa Biblia kaya na pwede silang tawaging mga Pastor! Tignan mo  kaya yung Efeso 4:11 mababasa mo yun doon.” Oh? Talaga tignan natin ang talata kung ganun:
“At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga iba’y  PASTOR  at mga guro.” (Efeso 4:11)
        Nasaan diyan na pwedeng tawaging pastor ang mga pastor? Wala naman sinasabi sa talata diyan na pwedeng tawagin na Pastor  ang iba. Saka ang sinasabi ng talata ay ganito:
“At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga iba’y  pastor  at MGA GURO.” (Efeso 4:11)
       So pwede rin palang tawaging Guro ang sinoman, diba isa rin yan sa mga ipinagbawal sa Mateo 23  na ganito ang sinasabi:
“Datapuwa’t kayo’y huwag patawag na RABI: sapagka’t iisa ang inyong GURO, at kayong lahat ay magkakapatid.” (Mateo 23:8,Ang Biblia)
      Gayundin naman ang nakasulat sa salin ng Magandang Balita Biblia  na may imprimatur ni Jaime Cardinal Sin, Archiepiscopus Manilensis, Mayo 28, 1980, kung saan ganito ang sinasabi:
“Ngunit kayo-huwag kayong patawag na GURO, sapagkat iisa ang inyong GURO, at kayong lahat ay magkakapatid.”  (Mateo 23:8)
 Kahit sa wikang ingles ng Bibliang Katoliko at Protestate ay ganito rin ang sinasabi:
Ayon sa Bibliang Protestante:
“But be not ye called RABBI: for one is your Master, even Christ; and all ye are brethren.” (Matthew 23:8,King James Version)
“But you are not to be called ‘RABBI’, for you have only one Master and you are all brothers.” (Matthew 23:8, New International Version)
Ayon naman sa Bibliang Katoliko:
“But be not you called  RABBI. For one is your master; and all you are brethren.” (Matthew 23:8, Douai Rheims Version)
“As for you, do not be called ‘RABBI’. You have but ONE TEACHER, and you are all brothers.” (Matthew 23:8,New American Bible-Revised Edition)
“You, however must not allow yourselves be called RABBI, since you have only one Master, and you are all brothers.” (Matthew 23:8, New Jerusalem Bible)
      Kitang kita na kahit na aling salin ng Bibliang Katoliko o Protestante na ang ipinagbawal din pala ni Jesus na patawag ang sinuman na guro. Kung gagamitin ng mga di katoliko ang Efeso 4:11  bilang patunay na maaring tawaging pastor ang mga pastor nila, eh di pwede rin palang tawaging Guro  ang isang tao gayong sinabi mismo ni Jesus na huwag daw patatawag na guro gayong nakasulat sa Efeso ang salitang guro katabi pa mismo at kasunod ng salitang pastor.
    Tignan naman natin sa Banal na Kasulatan patungkol sa spiritual father, tinatawag ni Pablo ang kaniyang sarili bilang Ama:
“Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo’y hiyain,kundi upang paalalahanan kayong tulad sa aking mga minamahal na ANAK. Sapagka’t bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming MGA AMA; sapagka’t kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.” (1 Corinto 4:14-15)
 Tinawag din ni Esteban ang kaniyang mga tagapakinig na mga magulang:
“At sinabi niya,”Mga kapatid na lalake at mga MAGULANG,mangakinig kayo...” (Gawa 7:2)
Tignan naman natin sa salin ng Biblia sa ingles:
“To this he replied: “Brothers and FATHERS listen to me!(Acts7:2,New International Version)
“And he said, Men, brethren, and FATHERS, hearken.” (Acts 7:2,King James Version)
“Who said: Ye men, brethren, and FATHERS, hear.” (Acts 7:2,Douai Rheims)
“He replied, ‘My brothers, MY FATHERS ,listen to what I have to say.” (Acts 7:2, New Jerusalem Bible)
“And he replied, “My brothers and FATHERS, listen.” (Acts 7:2,New American Bible-Revised Edition)
“He answered, “Brothers and FATHERS, listen to me.” (Acts 7:2,Christian Community Bible)
    Kahit na anong salin ng Bibliang katoliko at protestante sa ingles ay malinaw na tinatawag din ni Esteban ang kaniyang mga tagapakinig hindi lamang bilang kapatid kundi bilang mga ama.
     Gayundin sa Lumang Tipan ay tinatawag din na AMA ang ilan sa mga propeta at hinirang ng Dios:
Tinawag si Propeta Elias na Ama ni Eliseo:
“At  nakita ni Eliseo, at siya’y sumigaw. AMA KO, AMA KO, mga karo ng Israel at mga mangangabayo niyaon” At hindi na niya nakita siya: at kaniyang hinawakan ang kaniyang sariling kasuutan, at hinapak ng dalawang hati.” (2 Hari 2:12)
 Bakit tatawagin na “Ama” ni Eliseo si Propeta Elias gayong hindi naman niya ito anak, dahil si Eliseo ay Anak ni Saphat:
“Sa gayo’y umalis siya roon at nasumpungan niya si ELISEO  NA ANAK NI  SAPHAT....” (1Hari 19:19)
 Gayundin si Propeta Eliseo ay tinawag ding Ama ni Joas ang hari ng Israel:
“Si Eliseo nga ay nagkasakkit ng sakit na kaniyang ikinamatay; at binaba siya at iniyakan siya ni Joas na hari sa Israel, at nagsabi, AMA KO, AMA KO, ang mga karo ng Israel at ang mga nangangabayo niyaon.” (2 Hari 13:14)
 sa salin ng Magandang Balita Biblia  ay ganito ang sinasabi:
“Si Eliseo ay nagkasakit nang malubha at dinalaw siya ni Haring Joas ng Israel. Lumuluha nitong sinabi, “Paano kami ngayon,AMA na lakas at pag-asa ng Israel?” (2 Hari 13:14)
   Hindi naman anak ni Eliseo si Joas bakit siya tinatawag nito na Ama? Diba ayon sa nakasulat si Joas ay anak ni haring Joachaz ng Israel:
“Nang ikatatlongpu’t pitong taon si Joas na hari ng Juda ay nagpasimula si JOAS NA ANAK NI JOACHAZ na maghari sa Israel sa Samaria, at nagharing labing  anim na taon.” (2 Hari 13:10)
 Sa aklat ni Propeta Isaias ay nabanggit doon na hinirang si  Eliakim na Anak ni Hilcias na maging  AMA sa mga nananahan sa Jerusalem at sangbahayan ni Juda:
“At mangyayari sa araw na yaon, na aking tatawagin ang aking lingkod na si Eliacim na anak ni Hilcias:
At aking susuutan siya ng iyong balabal, at patitibayin siya ng iyong pamigkis, at aking ipagkakatiwala ang iyong pamamahala sa kaniyang kamay: at siya’y magiging AMA SA MGA NANANAHAN SA JERUSALEM, AT SA SANGBAHAYAN NI JUDA.
At ang katungkulan sa sangbahayan ni David ay iaatang ko sa kaniyang balikat; at siya’y magbubukas, at walang magsasara; at siya’y magsasara, at walang magbubukas.” (Isaias 22:20-22)
      Ginawa ito ng Panginoon kapalit ni Sebna ang katiwala na itinakwil ng Panginoon:
“Ganito ang sabi ng Panginoon,ng Panginoon ng mga hukbo,Ikaw ay yumaon,pumaroon ka sa tagaingat-yamang ito samakatuwid baga’y si SEBNA,na katiwala  sa bahay,at iyong sabihin...” (Isaias 22:15)
“At aalisin kita sa iyong katungkulan, at sa iyong kinaroroonan ay ibubuwal kita.” (Isaias 22:19)
       Kung gayon, ano bang ibig ipahiwatig ni Jesus sa kaniyang mga sinabi sa Mateo 23?  Kung ating mababasa ang kabuuan ng Mateo 23 ay makikita natin na hindi ipinagbawal ni Jesus ang pagtawag ng Ama, bagkus ay ang pagtutol niya sa maling paggamit ng mga Pariseo sa kanilang titulo para mapansin ng tao at angkinin ang karangalan sa kanilang sarili kaysa sa Diyos na pinanggsalingan ng lahat ng autoridad, ganyan ang naging paalala ni Jesus kay Pilato na ang lahat ng awtoridad at kapangyarihan ay galing sa Diyos:
“Sumagot si Jesus sa kaniya, Anomang kapangyarihan ay hindi kay magkakaroon laban sa akin malibang ito’y ibinigay sa iyo mula sa itaas: kaya’t ang nagdala sa iyo sa akin ay may lalong malaking kasalanan.” (Juan 19:11)
Ito ay kabaligtaran sa ipinapakita ng mga Pariseo sa Mateo, dahil sinabi ni Jesus:
“Nang magkagayo’y nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad, Na nagsasabi, Nagsisiupo ang mga eskriba at mga Fariseo sa luklukan ni Moises. Lahat ngang mga bagay na sa inyo’y kanilang ipagutos ay gawin ninyo at ganapin: datapuwa’t huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagka’t kanilang sinasabi,at hindi ginagawa.” (Mateo 23:1-3) 
     Malinaw na malinaw na ang pinatutungkulan ni Jesus ay ang maling paggamit ng kapangyarihan ng mga Pariseo, dahil kung mababsa natin sa talata ay sinasabi diyan na sila ay nagsisiupo sa luklukan ni Moises, ibig sabihin sila ay may katungkulan bilang mga guro at dalubhasa ng Batas na magpaliwanag taglay ang awtoridad ni Moises, dahil sila ay umuupo sa luklukan ni Moises. Dahil dito, ginagamit ng mga Pariseo at Eskriba ang awtoridad na iyon hindi para sa paglilingkod kundi upang gamitin ito sa kasikatan at kapaimbabawan upang mapansin,papurihan at pagpugayan sila ng tao, at manipulahin ang iba gamit ang kapangyarihang ito:
“Oo,sila’y nangagbibigkis ng mabibigat na pasan at mahihirap dalhin, at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao;datapuwa’t ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri. Datapuwa’t ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa upang MANGAKITA NG MGA TAO: sapagka’t nangagpapalapad sila ng kanilang mga pilakteria, at nangagpapalapad ng mga laylayan ng kanilang mga damit, At iniibig ang mga pangulong dako sa mga pigingan, at ng mga pangulong luklukan sa mga sinagoga, At pagpugayan sa mga pamilihan,at ang sila’y tawagin ng mga tao,Rabi.” (Mateo23:4-7)
     Kitang kita natin na ang tunay na pakay ng mga Pariseo at Eskriba ay ang pagpugayan sila ng mga tao at mapansin, kaya nga sinabi nga ni Jesus sa Ebanghelyo sa kanyang mga alagad na dapat silang mag-ingat sa kapaimbabawan ng mga Pariseo at Eskriba:
“At sinabi niya sa kaniyang pagtuturo, Mangagingat kayo sa mga eskriba, na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at pagpugayan sa mga pamilihan. Ang ibig nila ang mga pangulong luklukan sa mga pigingan: Silang nangananakmal ng mga bahay ng mga babaing bao, at dinadahilan ay ang mahahabang panalangin; ang mga ito’y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.” (Marcos 12:38-40)
    Dahil diyan may paalala si Jesus sa kanyang mga alagad patungkol sa tunay na kadakilaan:
“Datapuwa’t  sa inyo ay hindi gayon:kundi ang sinomang ibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo; At ang sinoman sa inyo ang magibig manguna,ay magiging alipinng lahat. Sapagka’t ang Anak ng tao rin naman ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami.” (Marcos 10:43-44)
 Gayundin ay ipinakita rin ni Jesus ang kahulugan ng paglilingkod sa pamamagitan niya ng pagbibigay ng halimbawa sa kanila sa pamamagitanng paghuhugas ng mga paa:
“Kung ako nga,na Panginoon at Guro,ay nahugas ng inyong mga paa,kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa’t isa.” (Juan 13:14)
        Isang halimbawa ng kababaang loob na hindi ipinagmamapuri ang sarili sa harapan ng tao ay si Juan Bautista, noong malaman niya na nagsisimula nang mangaral si Jesus at nawala na ang center of attraction  ng mga tao sa kanya ay ipinakita niya ang kanyang kababaang loob, dahil alam niyang walang awtoridad o kapangyarihan na hindi galing sa Diyos, kaya ginampanan niya lang ang kanyang tungkulin, na kabaligtaran sa ginagawa ng mga Pariseo:
“Sumagot si Juan at sinabi, Hindi makatatanggap  ng anoman ang isang tao,malibang ito’y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit. Kayo man ay magsisisaksi sa akin, na aking sinabi, Hindi ako ang Cristo,kundi , na ako’y sinugo sa unahan niya.” (Juan 3:27-28)
“SIYA’Y KINAKAILANGANG DUMAKILA, NGUNIT AKO’Y KINAKAILANGANG BUMABA.” (Juan 3:30)
     Dahil diyan si Juan Bautista na mismo ang nagsabi na walang anoman na matatanggap ang isang tao malibang ito’y ipagkaloob sa kaniya mula sa langit. Ang mga Pariseo at Eskriba ay pinagkalooban ng awtoridad na mangaral at magturo sa mga tao bilang mga guro at tagapagpaliwanag ng Batas dahil taglay nila ang kapangyarihan ni Moises ang lingkod ng Diyos na siyang nagbigay ng Batas sa Israel. Kaya nga lang imbes na ibaba nila  ang kanilang sarili sa Diyos ay mas naging mapagmataas sila at ibig nilang purihin sila ng mga tao kaysa ng Diyos. Kung saan lahat ng kapangyarihan at  kapamahalaan ay nanggaling. Kaya nga sa unang kabanata ng Mateo 23 ay isinasalaysay ni Jesus patungkol sa katungkulan ng mga Pariseo at Eskriba:
““Nang magkagayo’y nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad, Na nagsasabi, NAGSISIUPO ANG MGA ESKRIBA AT MGA FARISEO SA  LUKLUKAN NI MOISES. LAHAT NGANG MGA BAGAY NA SA INYO’Y KANILANG IPAGUTOS AY GAWIN NINYO AT GANAPIN: datapuwa’t huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagka’t kanilang sinasabi,at hindi ginagawa.” (Mateo 23:1-3)
     Malinaw na ang ibig talagang patungkulan ni Jesus ay ang maling paggamit ng mga Pariseo ng kanilang katungkulan para mapansin ng tao. Dahil nagsisiupo sila sa luklukan ni Moises, kaya nga sinasabi din ni Jesus na anuman ang kanilang ituro at ipagutos ay dapat gawin at ganapin ngunit may exemption dahil pinaalalahanan din sila ni Jesus na huwag nga lang nilang gayahin o sundin ang ginagawa ng mga Pariseo na kapaimbabawan. Gayundin si San Pablo na kahit na may masamang hangarin ang punong pari sa kaniya ay kinikilala pa rin niya ang awtoridad nito bilang punong pari:
“At sinabi ni Pablo,Hindi ko nalalaman, mga kapatid na lalake, na siya’y dakilang saserdote: sapagka’t nasusulat: HUWAG KANG MAGSASALITA NG MASAMA SA ISANG PINUNO NG IYONG BAYAN.” (Gawa 23:5)
Yan ay alinsunod sa nasusulat:
“Huwag mong lalapagtanganin ang Dios, ni susumpain man ang pinuno sa iyong bayan.” (Exodo 22:28)
   Dahil diyan may sinabi si Apostol San Pablo na dapat tayong pasakop sa mga kinauukulan at mga may kapangyarihan na mamahala sa atin:
“Kayo’y pasakop sa bawat palatuntunanng tao alangalang sa Panginoon: maging hari,na kataastaasan; O sa mga gobernador,na sinugo niya sa panghihiganti sa nagsisigawa ng  masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti. Sapagka’t siyang kalooban ng Dios,na dahil sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga taong palalo.” (1 Pedro 2:13-15)
“Mga alila, kayo’y magsisuko na may buong takot sa inyong mga panginoon; hindi lamang sa mabubuti at mahihinahon, kundi naman sa mababagsik.” (1 Pedro 2:18)
      Kaya ang sinasabi ng mga di katoliko na ipinagbabawal daw ni Jesus ang pagtawag ng “Father”  sa mga pari ay isang kasinungalingan.Dahil wala ring nakasulat sa Biblia na isa man sa mga alagad at apostol na tinawag na Pastor Pablo, Pastor Pedro. Kahit sa lumang tipan ay wala rin, bagkus  si Esteban din ay tumawag ng magulang sa mga kausap niyang Judio. Gayundin naman ay nagpatawag si Pablo na Ama sa kaniyang mga alagad. Sa lumang Tipan, sina Propeta Elias at Eliseo ay tinawag ding Ama, gayundin si Eliacimna Anak ni Hilcias ay tinawag ding Ama ng buong Jerusalem at ng Sambahayan ni Juda.   Kaya ang pagtawag sa mga pari bilang Father  ay mas biblical pa kaysa sa patawag ng Pastor.  Saka diba sa kanilang mga Bible Studies ay nagpapatawag din ang mga born again na Pastor at Pastora ng teacher, na sa salitang Hebreo ay Rabi, na ang ibig sabihin ay guro, eh diba ipinagbabawal din yun ng Mateo 23 kasunod ng talatang kanilang ginagamit sa pagtuligsa ng pagtawag sa mga pari bilang “Father”.  Kaya nga tama si Apostol Pablo patungkol sa mga taong walang alam na mahilig mambaluktot ng Kasulatan:
“Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat, na doo’y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo’y may ilang bagay na mahirap unawain,na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan, sa ikapapahamak din nila.” (2 Pedro 3:16)