The Catechism of Christian Doctrine
PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA MGA LARAWAN PART III
Isa sa matagal nang inilalakong kasinungalingan ng mga ministro ng
Iglesia ng Iglesia ni Cristo (1914) ay ang paratang na sumasamba sa
larawan ang mga Katoliko. Diumano’y aral ng Santa Iglesia Katolika ang
sumamba sa larawan. Para patunayan ang paratang na iyan, gumagamit sila
ng mga pekeng referencia. Isa na dito ang aklat na “Cathechism (sic)[1] of Christian Doctrine” na inilathala ng De La Salle College.
Orihinal na Catechism of Catholic Doctrine ng La Salle Bureau
Sa video na pinamagatang “Kung Bakit ang IGLESIA NI CRISTO Walang Imahen o Rebulto”[2] na walang kagatol-gatol na ipinaskel sa aking Facebook wall ng isang panatikong Manalista na si ALLAN JOSE DIGIDI, ginamit
na referencia ng ministro ni Manalo ang nasabing aklat. Ngunit pansinin
po natin na sadyang hindi ipinakita ang aktuwal na pahina ng aklat na
kung saan binabanggit diumano na ang mga Katoliko ay sumasamba sa mga
larawan. Bagkus ang ipinapakita ng ministro ni Manalo sa TV screen ay
ang kanilang sariling salin ng sinisiping referencia. Ano po kaya ang
rason ng Iglesia ni Cristo sa pagtatago ng aktuwal na pahina ng nasabing
aklat? Upang hindi mabisto ang panloloko ng kanilang mga ministro.
Tribuna
ng kasinungalingan at pandaraya: Bakit hindi ipinapakita at binabasa ng
ministro ang orihinal na pahina ng Inggles na Catechism of Christian
Doctrine bagkus ay ang sarili nilang salin lamang?
Katunayan, hindi rin po nila binabasa kung ano ang tunay na nakasaad sa pahina ng nasambit na aklat. Ang Catechism of Christian Doctrine po
ay nasusulat sa wikang Inggles. Pero bakit po hindi nila ipinapakita sa
video ang aktuwal na pahina na nasusulat sa wikang Inggles? Bakit hindi
rin nila binabasa sa Inggles ang nasabing aklat? Ang binabasa po nila
at ipinapakita sa TV screen ay ayon na sa sarili nilang pagkakaliwat sa
Tagalog ng naturang referencia.
Hindi
naman po siguro dahil sa hindi marunong mag-Inggles ang mga ministro ni
Manalo? Kung gayon ano po ang dahilan? Upang patuloy na lokohin ang
kanilang kapwa para mailigaw mula sa katotohanan tungo sa
kasinungalingan at kapahamakan. Talaga naman pong napaka-desperado na
ang mga ministro ng Iglesia ni Cristo. Tahasan ang kanilang
pagsisinungaling at pagtatakip sa katotohanan. Pero walang lihim na
hindi nabubunyag.
"Datapuwa't
ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama, na
mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya" (2 Tim. 3:13)
Halina’t
tunghayan natin ang isa namang pagbubunyag sa balakyot na gawain ng mga
ministro ng Iglesia ni Cristo. Batay sa ating sariling referencia,
halina’t suriin natin ang isa na namang panggogoyo ng mga ministro ni
Manalo.
Ayon sa mga ministro ni Manalo, inaamin daw natin na tayo’y sumasamba sa larawan. Inihaharap nila ang Cathechism (sic) of Christian Doctrine na nagsasaad diumano, ayon sa kanilang pagkakaliwat sa Pilipino, ng ganito:
“Ang pagsamba ba sa mga santo ay ukol lamang sa kanilang katauhan?
Hindi, sumasaklaw din ito sa kanilang mga relikya at mga larawan.”
Ito
ang ipinapakita sa TV screen ng Iglesia ni Cristo. Pansinin na sila
mismo ang nagsalin nito sa Tagalog. Tapos sasabihin na ito daw ang ating
aral batay sa Catechism of Christian Doctrine
Pansinin po ninyo na ginamit nila ang salitang “pagsamba” doon sa tanong. Tama po ba ang kanilang pagkakasalin? Ano po ba ang tunay na nasasaad sa orihinal na Inggles ng Catechism of Christian Doctrine[3]? Ganito po:
“Is the veneration of saints confined to their persons?
No; it extends also to their relics and images.”[4]
Ang salitang “veneration” sa orihinal na Inggles ay isinalin ng mga pulpol na ministro ng INC na “pagsamba.” Tama po ba ang pagkakasalin nila? Aba’y hindi po sapagkat ang “veneration” ay nangangahulugan lamang na “paggalang” at hindi “pagsamba.” Talagang ang kapal ng apog ng mga minsitro ng INC sa kanilang pag-gawa ng kahindik-hindik na kalapastanganang ito.
Pansinin
na hindi ginamit ng Catechism of Christian Doctrine ang "worship" o
"adoration" kundi "veneration" lamang. Kumakatha ng sariling kuwento ang
mga Iglesia ni Cristo. Ang "pagsamba" ay bunga lamang ng kanilang
malikot na imahinasyon
Mantakin
po ninyo na sila-sila lang ang gumagawa ng kanilang salin at walang
kahiya-hiya nilang minamali ang salin at sasabihing iyon daw ang aral
nating mga Katoliko. Ang kakapal naman ng mukha ng mga ito. Gumagawa ng
kanilang sariling multo.
Hindi pa po diyan nagtatapos ang kagarapalan ng INC. Ayon din daw sa Cathechism (sic) of Christian Doctrine na sila mismo ang nagsalin sa Pilipino:
Pansinin na ginamit ng Iglesia ni Cristo ang salitang "sambahin." Sila mismo ang may gawa ng salin na iyan
“Dapat ba nating sambahin ang mga banal na larawan?
Dapat
tayong magkaroon lalo na sa ating mga simbahan, ang mga larawan n
gating Panginoon, tulad din ng Pinapalang Birhen at mga santo, at dapat
natin silang bigyan ng kaukulang paggalang at pagsamba.”
Sa
sagot tanong ang "honor" ay ginawa nilang "sambahin" ngunit sa sagot
iniliwat nila "paggalang." Ano ba talaga, kuya? Pansinin din ang
"veneration" ay isinalin nilang "pagsamba"
Tama po ba ang pagkasalin nilang ito? Pansinin po ninyo sa orihinal na Inggles ng Catechism of Christian Doctrine:
“Ought we to honor holy images?
We
should have and keep, particularly in our churches, images of our Lord,
as also of the Blessed Virgin and other saints, and we should pay them
due honor and veneration.”[5]
Abot
hanggang sukdulan po talaga ang kasinungalingan kung hindi man
kabobohan ng mga ministro ng INC. Tingnan po ninyo. Sa tanong ang
ginamit sa Inggles ay “honor” pero sadyang minali po nila ang kanilang salin at ginawang pagsamba. Pero doon po sa sagot ang “honor” at ginawa nilang “paggalang” at ang salitang “veneration” ay isinalin nila bilang “pagsamba.” Napakalinaw
na deception ito. Hindi nababagabag ang kanilang budhi sa tahasang
pagmamali sa aral ng Iglesia Katolika. Buong-buo ang kanilang loob na
magsinungaling. Palibhasa kasi manang-mana sa kanilang amang Diablo na
sinungaling (Jn. 8:44) at tagapagsumbong sa mga kapatid (Apoc. 12:10).
Mga kapatid, punong-puno po ng pagsisinungaling sa loob ng huwad na
Iglesia ni Cristo. Palibhasa kung ano ang puno siya ang bunga. Ano po
ang kahahantungan ng mga sinungaling? Mapapahamak at hindi maliligtas: “Nangasa labas ang … bawa’t nag-iibig at gumagawa ng kasinungalingan” (Apoc. 22:15).
Sa
Catechism of Christian Doctrine nakalagay ay "honor holy images" sa
tanong at sa sagot ay "pay them honor and veneration." Walang
binanabanggit na "worship" o "adoration" ng mga banal na larawan. Saan
kaya nahablot ng mga pulpol na ministro ni Manalo ang "sambahin"?
Minsan
na naman po nating napatunayan na gawain talaga ng mga ministro ni
Manalo ang makapangloko ng kapwa. Salamat sa Dios at nabuking na naman
ang tiwali at likong gawaing ito ng mga nangagpapakunwaing ministro na
pawang mga ministro naman pala ng nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan
(2 Cor. 11:13-15).
“Mga walang katutubong pag-ibig, mga palabintangin,
mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa
mabuti, mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa
kalayawan kaysa maibigin sa Dios; na may anyo ng kabanalan, datapuwat
tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito” (2 Tim. 3:3-5).
"Kayo'y
sa inyong amang Diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong
gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili
sa katotohanan, spagkat walang katotohanan sa kanya. Pagka nagsasalita
siya ng ganang kaniya; spagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito"
(Juan 8:44)
[1] Sadyang mali po ang pagkabaybay ng Iglesia Ni Cristo sa titulo ng aklat na ito. Ang tamang baybay po ay “Catechism of Christian Doctrine.”
[3] Catechism of Christian Doctrine (New York City: La Salle Bureau, 1945).
[4] Ibid., p. 156.
No comments:
Post a Comment
Please make this blog clean. Please follow the instructions:
1. If you are an anonymous, please introduce your name and then your religion. Introducing your name is optional (for security purposes) except your religion, or sect/denominations where you belong.
2. Comments with foul/ vulgar words will not be published.
3. If you are going to ask questions/arguments, go ahead. Expect the reply of the admin of this blog for about two to three days.
4. If the admin didn't reply back to your arguments, it does not mean that he doesn't want to answer you. He might be busy, so he can't answer back. But he can answer your arguments, be patient.
That's all. God Bless.
Sincerely,
The admin