Sunday, May 20, 2012

PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA TANDA NG KRUS GAMIT ANG "PASION CANDABA"



            Supalpal ang Iglesia ni Cristo (1914) sa pag-gamit ng Pasion Candaba ni Padre Aniceto de la Merced sa pagsasabing kampon ng Anti-Cristo ang pag-aantanda ng krus. Walang binabanggit sa Pasion Candaba na ang nag-aantanda ng krus ay kampon ng Anti-Cristo.[1] Hindi nila kailanman mapapanindigan ang pamamaratang nilang ito.

            Ang hunyangong INC na si Jeremy Reyes ay talamak na nauto ng kanyang mga ministro. Parang unggoy na kopyang-kopya ang istilo ng mga ministro ni Manalo. Isa na dito ang pag-gamit ng mga putol-putol na referencia. Matapos pagputol-putolin ang mga referencia, pinagtatagni-tagni naman sa ibang referencia. Tunghayan po natin ang pamamaraan nitong pulpol na INC na si Jeremy Reyes:[2]

Ang Pasion Candaba ni Padre Aniceto de la Merced: Walang binabanggit na mga kampon ng Anti-Cristo ang nag-aantanda ng krus

“ano ba ang sign of the cross?!

sa isang aklat katoliko na sinulat ng paring katoliko;

"Siya ang inyong pakinggan" "Ang aral na katoliko" by: Enrique Demond, p.11

Ang TANDA ng SANTA CRUZ ay siyang TANDA ng TAONG KATOLIKO.Ang paraang ginagawa sa paggamit ng santa cruz ay dalawa: ang mag antanda at ang magkrus.Ang ang pag aantanda ay ang paggawa ng tatlong krus nang hinlalaki ng kanyang kamay;ang unay sa noo,...mabuti at pinakikinabangan lubha ang magkrus na malimit...”

Ano ang masama sa sinabi Padre Enrique Demond? Binabanggit lamang ng paring ito ang gawain ng mga Katoliko na pang-aantanda ng krus. Pero sa malilikot na isip ng mga Iglesia ni Cristo, pilit nilang pinalalabas na ang pag-aantanda ng krus ay gawain ng mga kampon ng anti-Cristo. 

Pahina 11 ng Siya Ang Inyong Pakinggan ni Padre Enrique Demond, SVD

Sa paanong pamamaraan? Ilalapat nila ang Pasion Candaba ni Padre Aniceto de la Merced:

“tanong? Ano ang PAGKAKAKILANLAN sa mga taong nagsisign f the cross? sa isang aklat katoliko pa rin na isinulat ng paring katoliko;

Passion Candaba" by: Aniceto Dela Merced, p.207

"IPAG-UUTOS MAGQUINTAL sa NOO O CANANG CAMAY SUCAT PAGCACAQUILANLAN NA SILA NGA,I CAMPONG TUNAY NITONG ANTI CRISTONG HUNGHANG."

ayon sa PASSIONG KATOLIKO na sinulat ng PARING KATOLIKO,ang mga naggsisign of the cross ay KAMPON NG MGA ANTI CRISTO,KAMPON ibig sabihin KALABAN ni CRISTO..ANTI CRISTO PALA ANG MGA TAO NA NAGSISIGN OF THE CROSS..SO BAT GINAGAWA NG MGA KATOLIKO YAN? KUNG TUNAY NA IGLESIA AT KAY CRISTO ANG IGLESIA KATOLIKA??”

Pahina 210 ng Pasion Candaba: Pansinin na hindi sinabi ng may-akda ng Pasion na ang tanda ng krus ang tatak ng anti-Cristo

Sapagkat ang Katoliko ay nagkikintal ng tanda ng krus sa noo, ang kagyat na konklusyon ng Iglesia ni Cristo ay mga kampon ng Anti-Cristo ang mga Katoliko:

“eto! sa impierno pa ang tuloy ng mga nagtatanda sa KAMAY at sa NOO;

Apoc.13:14-16 "At NADADAYA niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga TANDA na sa kaniya'y ipinagkaloob na magawa ng paningin ng hayop;na sinasabi sa mga nananahan sa lupa,na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay.16 At ang LAHAT,MALILIIT at MALALAKI,at MAYAYAMAN at mga DUKHA,at ang mga LAYA at ang mga ALIPIN ay PINABIGYAN ng ISANG TANDA sa kanilang KANANG KAMAY,O SA NOO; "o yang palang mga tao na may TANDA sa KANANG KAMAY at sa NOO,yan ay TANDA ng NADAYA,dahil sa nadaya anong gagawin sa kanila…

Apoc.14:9-10-11 "At ang ibang angel,ang pangatlo ay sumunod sa kanila,na nagsasabi ng malakas na tinig,Kung ang SINOMAN ay SUMASAMBA sa hayop at sa kaniyang larawan,AT TUMATANGGAP NG TANDA SA KANIYANG NOO,O SA KANIYANG KAMAY,10 Ay iinom din naman siya ng alak ng KAGALITAN NG DIOS,na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang KAGALITAN;at SIYA'Y PAHIHIRAPAN NG APOY AT ASUPRE sa harapan ng mga banal na angel,at sa harapan ng kordero.11 At ang usok ng hirap nila ay napaiilanlang magpakailan kailan man;at silay walang kapahingahan araw at gabi,silang mga nagsisimba sahayop at sa kaniyang larawan,at sinomang TUMATANGGAP NG TANDA NG KANIYANG PANGALAN."

samakatuwid hindi MALILIGTAS ang tao na TUMANGGAP NG TANDA SA NOO AT KANANG KAMAY..”

            Ayan po ang baluktot na pangangatwiran ng Iglesia ni Cristo. Isa na namang “tunog” system. Porke binanggit sa mga referencia ang pagtatanda sa kamay at noo, ipapalagay nila na mga Katoliko ang katuparan ng hula sa Biblia na kampon ng anti-Cristo. Tama ba ang pangangatwirang ito?

            Suriin po natin ang isa na namang palsong pag-aangkin ng Iglesia ni Cristo ayon sa mga biblical na batayan ng pag-aantanda ng krus na ating ipaglilingkod sa ating mga masugid na mambabasa.

            Balikan natin ang Pasion Candaba ni Padre Aniceto de la Merced:

“Ipinag-utos magquintal
sa noo o canang camay
sucat pagca quilalanan
na sila nga’i, campong tunay,
nitong Anti-Cristong hunghang.”


Saan dito nahablot ng hunghang na INC na si Jeremy Reyes na ang nag-aantanda ng krus ay kampon ng anti-Cristo? Nalipasan siguro ng gutom kaya kung anu-ano ang nakikita. Dapat munang magmerienda ng puto't dinuguan

            Taliwas sa guni-guni ng INC, walang binabanggit diyan na pag-aantanda ng krus ng mga kampon ng anti-Cristo. Inilalarawan ni Padre Aniceto de la Merced ang binabanggit sa Apocalipsis 13:16-18 at 14: 9:11:

Ang mga dakila at mga hindi dakilang tao, ang mayayaman at mahihirap, ang mga malaya at ang mga alipin ay ipapatatakan niya sa kanilang kanang kamay o sa kanilang noo. Ang may tatak lamang ng mabangis na hayop ang makakabili o ang makakapagbili. Dapat ay taglay nila ang tatak o ang pangalan o ang bilang ng pangalawang mabangis na hayop. Ito ang kaalaman: Ang may pang-unawa ay dapat bilangin ang bilang ng mabangis na hayop. Ang dahilan, ito ang bilang ng isang tao. Ang bilang ay anim na raan at animnapu't anim” (Apoc. 13:16-18, ASD).

Sumunod sa kanila ang pangatlong anghel. Sinabi niya sa isang malakas na tinig: Ito ang mangyayari sa sinumang sasamba sa mabangis na hayop at sa kaniyang larawan. Ito ay mangyayari sa sinumang tumanggap ng tatak sa kaniyang noo o sa kaniyang kamay” (Apoc. 14:9, ASD).

“Ang usok ng kanilang paghihirap ay pumailanlang magpakailan pa man. Ang mga sumamba sa mabangis na hayop at kaniyang larawan ay walang kapahingahan araw at gabi. Gayundin ang mga tumanggap ng tatak ng pangalan nito ay walang kapahingahan” (Apoc. 14:11, ASD).
Hindi marunong magbasa at umintindi ng Salita ng Dios ang INC kaya hindi naintindihan kung ano ang tatak sa kanang kamay at noo na binabanggit sa Apocalipsis 13:17

            Bilang pagwawasto sa maling unawa ng mga pulpol na INC tulad ni Jeremy Reyes, walang binabanggit sa mga sitas na ang itinatatak sa kanang kamay o noo ng mga kampon ng anti-Cristo ay tanda ng krus. Ayon sa talata, ano ang tanda sa kanang kamay at noo? Sagot: ang pangalan ng hayop o bilang ng kanyang pangalan666 (Apoc. 13:17).

            Bangkarote po talaga sa unawa sa Banal na Kasulatan ang INC. Napakalinaw: letra por letra binabanggit ang tanda ng kampon ng Anti-Cristo: pangalan ng hayop o ng kanyang bilang ayon sa Apocalipsis 13:17. Bakit nila pinapalitan ng tanda ng krus? Saan nila mababasa sa Biblia na tatak ng krus ang tanda ng kampon ng anti-Cristo ayon sa Apocalipsis 13:16-18 at 14: 9, 11? Malinaw na gawa-gawa lamang ng mga INC ang paninirang ito sa mga Katoliko na hindi binabanggit ng Biblia. Nagdadagdag sila sa binabanggit ng aklat ng Apocalipsis. Ano ang parusa ng Dios sa mga nagdadagdag sa nakasulat sa aklat ng Apocalipsis?

            “Aking sinasaksihan sa bawa’t taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdadagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito” (Apoc. 22:18).

            Kahindik-hindik ang kasasapitan ng mga INC na nagdagdag sa aklat ng Apocalipsis. Sukat ba namang sabihing tanda ng krus ang tanda ng kampon ng anti-Cristo samantalang maliwanag pa sa sikatan ng araw na binabanggit  sa Apocalipsis 13:17 na ang tanda sa kamay at noon g mga kampon ng anti-Cristo ay ang pangalan ng hayop o bilang ng kanyang pangalan na walang iba kundi 666 (Apoc. 13:18).

Ang Aklat ng Apocalipsis: Daragdagan ng salot sa aklat na ito ang mga INC na nagdaragdag sa mga nakasulat dito

            Saan namang aklat Katoliko mababasa ng INC na nagtatanda tayo ng pangalan ng hayop o 666 sa ating mga kamay at noo? Hanggang ngayon wala silang mahagilap kaya desperado na ang mga loko-lokong ito.

            Ang mga Katoliko ay nagtatak sa kanilang noo at kamay pero hindi ng pangalan ng hayop o ng bilang ng kanyang pangalan. Bilang mga tunay na alagad ng Dios, kami ay may tatak o tanda rin sapagkat ang mga tunay na lingkod ng Dios ay may tatak din naman sa noo at kamay. Maging sa Lumang Tipan, ang Bayang Banal ay may tanda sa kamay at noo:

            “At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo” (Dt. 6:8).

A Hebrew in prayer

            Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang mga Katoliko ay nagtatak sa kanikaniyang noo ng pangalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Samakatuwid, ang mga Katoliko ang katuparan ng sinasaad sa aklat ng Apocalipsis. Ayon sa Apocalipsis 14:1, sinasaad na ang mga tunay tagasunod ng Cordero – ng Panginoong Jesukristo – ay may pangalan niya (Anak) at ng kanyang Ama. Sa Apocalipsis 22:3-4 naman binabanggit na ang pangalan ng Dios (Ama) at ng Cordero (Anak) ay nasa kanilang mga noo. Sa Efeso 1:13 at 4:30 naman binabanggit ang tinatakan ng Espiritu Santo. Sino ang kinatuparan nito? Ang mga Katoliko sapagkat sila ay may tanda sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo (cf. Mt. 28:19). Malabong Iglesia ni Cristo (1914) ang tinutukoy dito sapagkat wala silang pagtatanda at tatak ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

            Ang mga Katoliko at hindi ang mga INC ang nasasalamin sa binabanggit ni Apostol Pablo:

“Ang matibay na pinagsasaligan ng Diyos ay nananatili na may TATAK nito, nakikilala ng Panginoon ang mga kanya, at lumayo sa kalikuan ang bawa’t isa na SUMASAMBITLA ng PANGALAN ng Panginoon” (2 Tim. 2:19).

Sa talata, binabanggit ni Apostol Pablo ang tungkol sa TATAK na pinagkakakilanlan ng Panginoon ang mga kanya. Maliban sa TATAK ay binabanggit din ni Apostol Pablo tungkol sa PAGSAMBIT sa Pangalan ng Panginoon. Ano ang pangalan ng Panginoon? “…Pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo” (Mt. 28:19).

Alin sa mga relihiyon ang may PagtaTATAK habang SUMASAMBITLA ng PANGALAN ng  Panginoon? Mga Katoliko ang kinatuparan ng binabanggit ni Apostol Pablo sa pamamagitan ng PAGTATAK NG KRUS habang inuusal ang pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Ayun na rin sa talata, dito makikilala ng Dios ang mga kanya. Dito rin nakikilala ang mga Katoliko at hindi ang mga tampalasang kagaya ng INC.


Buong yabang na binanggit ng nautong INC na si Jeremy Reyes na hindi MALILIGTAS ang tao na TUMANGGAP NG TANDA SA NOO AT KANANG KAMAY.” Tama, kung ang tanda ay ng pangalan ng halimaw o ng kanyang bilang na 666 (Apoc. 13:17). Hindi lapat sa Katoliko ang pananakot na ito ng INC sapagkat hindi pangalan ng halimaw o bilang na 666 ang ating tanda kundi ang TATAK NG KRUS na siyang tanda ng mga maliligtas:

“Sinabi sa kanya ng Panginoon, Lumibot ka sa lunsod, lumibot ka sa Jerusalem at TATAKAN NG KRUS ang mga noo ng mga taong humihibik at umiiyak dala ng lahat ng kasuklam-suklam na bagay na ginagawa sa loob ng lunsod. At winika niya pagkatapos sa mga iba na abot ngaking pandinig, Libutin ninyo ang lunsod sa likod niya at manakit kayo; huwag mahabag ang inyong mga mata ni magdalang-awa kayo. Patayin ninyo ang matanda, binata, dalaga, bata at babae hanggang sa malipol ang lahat, SUBALIT HUWAG NINYONG GALAWIN ANG SINO MANG MAY TATAK NG KRUS(Ezek. 9:4-6, Ang Banal na Biblia).

Sino po ba ang may TATAK NG KRUS, mga Iglesia ni Cristo ba o mga Katoliko? Mga Katoliko! Sino ang maliligtas? Mga Katoliko! Sino ang papaslangin at mapapahamak? Mga Iglesia ni Cristo!

Mapapahamak ang mga nadenggoy ng pekeng anghel na ito

PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA TANDA NG KRUS PART III

Pasion Candaba ni Padre Aniceto de la Merced: Ipinangdedenggoy ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo (1914)

No comments:

Post a Comment

Please make this blog clean. Please follow the instructions:

1. If you are an anonymous, please introduce your name and then your religion. Introducing your name is optional (for security purposes) except your religion, or sect/denominations where you belong.

2. Comments with foul/ vulgar words will not be published.

3. If you are going to ask questions/arguments, go ahead. Expect the reply of the admin of this blog for about two to three days.

4. If the admin didn't reply back to your arguments, it does not mean that he doesn't want to answer you. He might be busy, so he can't answer back. But he can answer your arguments, be patient.

That's all. God Bless.

Sincerely,
The admin