HERE IS MY STORY WRITTEN IN TAGALOG. I POSTED THIS ON THE BLOG OF FR. ABE ARGANIOSA'S The Splendor of the Church TO LET HIS FOLLOWERS BE INSPIRED IN MY STORY. THIS STORY, DATED FEBRUARY 17, 2012 RECEIVED 18 INSPIRING COMMENTS. CLICK HERE TO SEE THE COMMENTS.
THE WONDERFUL MESSAGE FROM RYAN AIMMANUEL TOROTORO
A young student of New Era
University high school courageously proclaims and defend his Catholic
Faith. What a valiant young Knight!
- Good Day Father Abe. Here is my story…
Ako po si Ryan Aimmanuel C. Torotoro, nakatira sa Old Balara Quezon City. Malapit na rin po iyon sa Central Office at temple ng Iglesia ni Cristo. Nag-aaral po ako ngayon sa New Era University, ang paaralan ng relihiyon na aking binanggit.
Marami po akong nalaman sa blog niyo. Lalo na iyong sa unang pag-aakala ko ay bawal talaga mag-asawa ang mga pari.
Niyayaya po ako ng mga kaklase ko at kaibigan kong INC na magpa-convert sa religion nila. Sa una ay hindi ako pumayag, napamahal na ako sa mga Katoliko. Nakita ko kasi sa kanila ang kanilang pagiging madasalin, kumpara sa mga INC na di ko alam kung nanlloko ba sila o hindi.
Taong 2008 po ng ako ay maging isang sakristan. Wala pa po ako masyadong alam sa religion natin noon at hindi ko pa alam ang pinaggagagawa ng mga INC.
2010 naman ng maging first year high school ako sa paaralan ng INC. that time, karamihan sa mga kaklase ko, anak ng ministro. Wala pa dn akong alam at hindi pa ako curious sa religion nila. Nagulat na lang ako at hindi pala sila nagdiriwang ng Pasko dahil wala daw iyon sa bibliya.
Nalaman ko rin sa kanila na kailangan bago ang taong 2014, may “bunga” na sila para marami daw ang maliligtas. Ang ibig sabihin ng “bunga” ea maakay sa religion nila.
Katapusan ng Pebrero taong 2011, ang buong eskwelahan, Non-INC at INC members ay inaanyayahang dumalo sa “pamamahayag” nila. Napilitan lang ako dumalo dahil attendance namin ang pagpunta dun. Kung di lang attendance un, di na ko pumunta. Pagpasok ko sa loob ng Central, may elevator pala sila, at malaki ang kapilya. Nakakamangha ang disenyo.
Nang ako ay tumuntong sa 2nd year high school, dun na nagsimula ang pagiging curious ko. Nakipagdebate ang mga kaklase ko sa akin. Natalo ako. Hindi ko pa kasi alam noon ang mga isasagot ko. Ilang beses pa ulit nangyari iyon, ngunit hindi pa rin ako nananalo.
Ang hirap pa kasi sa kanila, isa lang ang nagsasalita, maya-,maya ay marami na sila. Kaya matatalo ka talaga. Nagpapatama na rin ang guro ko sa filipino tungkol sa mga Katoliko.
Hangggang sa nagpasya na ako noon na sumama sa bible study noong buwan ng Disyembre sa eskwelahan. Marami akong natutunan doon na akala ko nung una ay tama. Kung bakit tao lang si hesus para sa kanila at hindi Diyos. Maraming pinakitang talata sa akin ang ministro noon. Tulad na lang ng Juan 17:1. Di pa ako mahilig magbasa ng bibliya noon.
1 week bago bumalik sa klase (vacation kasi ng 2 weeks), napagpasyahan kong magpadoktrina sa INC. pero bago ko ginawa iyon, nagtanong ako sa fanpage sa Facebook na 100% Katolikong Pinoy. Lahat ng tanong sa akin ng ministro ay tinanong ko sa kanila. Salamat naman at lahat ng yun ay nasagot nila. Then may nag-comment dun sa post ko sa KP Fan page na i-search ko sa google ang “The Splendor of the Church”, which is ung blog mo. Nabuhayan ako ng loob ng mabasa ko ito dahil napatunayan mong walang mali sa relihiyong Katoliko na binabaluktot naman ng mga Inc para marami silang mauto.
Nagbago talaga ang isip ko at hindi na ako dumadalo sa mga Bible study ng Iglesia. Mas lalo akong natuwa ng i-add mo ako as friend sa Facebook para mapadali ang komunikasyon natin. Hindi na ako magpapadoktrina ngayon. Buti na lang ay hindi ko pa nasisimulan iyon.
Nung pinost mo po sa blog mo ung tanong ko sa “sign of the cross” at “Santisima Trinidad”, nabasa iyon ni Kuya Mark Castor. Nakilala ko siya sa Facebook. Nag-aaral siya ng apologetics. Nag-uusap kami sa cellphone pag may tanong ang mga INC sa akin na hindi ko masagot.
Nang malaman ko lahat ng mga aral natin, ipinangalan ko sa sarili ko ang “The Catholic Faith Defender”. Nagalit sa akin ang mga kaklase ko ng nilagay ko yan sa mga gm ko sa cellphone. Kaya ngayon ay limitado ang aking sinasabi sa mga gm at wala akong karapatan ngayon na sabihin yan o anumang mga salitang may kinalaman sa atin, dahil naiinis sila. Pinagbabantaan pa nga ako ng bubugbugin ako kung tatawagin ko silang Iglesia Ni Manalo.
Kung dati,may mga tanong sila sa akin na hindi ko masagot, baligtad naman ngayon. Hindi sila nakakasagot sa mga tanong ko. Nasasagot ko na rin lahat ng tanong nila na di ko masagot dati sa tulong ni kuya mark, ng blog mo, pati na rin po kayo at pati ang “Katesismo ng Iglesia Katolika” na mayroon pala kami dito sa bahay.
Kailanman ay hindi ako nakipagdebate sa kanila. Sinasagot ko lang ang mga tanong nila about sa religion natin. Then iisipin nila na nakikipagdebate ka na. sila ang nag-aaya ng debate at hindi ako.
Hanggang ngayon ay ipinamamahagi ko ang blog ninyo pati na rin ang nalalaman ko sa mga kaklase kong katoliko.
Dahil din po sa blog niyo, napamahal na po ako sa religion ko. Napagpasyahan ko narin na maging Pari ako. Nananatili pa rin ang tawag ko sa akin na “The Catholic Faith Defender” at kailanman ay hindi na matatanggal yan.
Umamin rin pala sa akin ung kaklase ko na wala silang karapatan na mag-ara; ng bibliya..
Kaya po father abe, maraming maraming salamat po sa inyo pati na rin po kay kuya mark. Kailanman ay hindi ako magsasawang magpasalamat sa inyo… Dito na po ako natuto ng apologetics. Kung hindi ko kayo nakilala, malamang isa na siguro ako sa nakikipagtalo sa inyo sa blog na ito. God Bless po.
ryan torotoro_CFDJune 26, 2012
ReplyDelete[Pangalawa exixtido pa ba ang mga TUNAY na JUDIO ang mga JEWISH CHRISTIAN?]
versus
Catholic Enclopedia -
After the middle of the fifth century the Jewish Christians "disappear" from history.
http://www.newadvent.org/cathen/08537a.htm
WALA ka palang kuwentang KATOLIKO eh, LAHAT ng kapatid mo sa Faith kinontra mo.
ANG SABI SAYO NI BROTHER RYAN, "OO. EXISTING PA RIN ANG MGA HUDYO. ANG MGA HUDYO AY HINDI KRISTIYANO." YUN ANG MGA EXISTING NGAYON. ANG MGA HINDI KRISTIYANONG HUDYO.
DeleteCenon Bibe Jr Marso 8, 2003
ReplyDelete"ang pangalang “Jehovah” ay mas tumutukoy sa demonyo at hindi sa Diyos"
Versus
Cenon Bibe Jr.June 10, 2012 9:56 PM
"NANINIWALA BA KAYO na ang JEHOVAH na BINANGGIT ng SANTO PAPA ay ang NAG-IISANG TUNAY na DIYOS?"
ALIN dyan ang TOTOO??
BAKIT AKO ANG TINATANONG MO NYAN? AKO BA SUMAGOT NYAN? SHUNGA KA? ANG JEHOVAH, HINDI YAN ANG TUNAY NA PANGALAN NG DIOS. TRANSLITERATION LANG YAN.
DeleteIsa lang ibig sabihin nun, God is soooooo good kaya dika pinabayaan na maligaw.
ReplyDeleteGANYAN TALAGA KABAIT ANG DIYOS.
Deleteyou're so Blessed kapatid na Ryan! You are guided! GOD BE WITH YOU ALWAYS!
ReplyDeleteVery inspiring story Bro.Ryan! Same lang tayo na na'experience.. Pero never akong nagpatalo sa kanila, kahit mga ministro nila nag debate nakami, pero na'defend ko parin ang Catholic faith.Thankful ako sa binigay ng wisdom and knowledge ng Holy Spirit... Keep it up Bro. Ryan, study more about our faith.... PROUD TO BE CFD.....
ReplyDelete