Tuesday, September 11, 2012

MILAGRO SA PAGROROSARYO


Gusto ko lang ibahagi yung nangyari sa akin ngayong araw na ito:

Araw ng QuizBee sa Science ngayon. Kasali ako. Ayoko sana sumali dito kaso ako ang napili...
Ang ginawa ko nalang kanina, bago ako magpunta sa eskwela, pumunta muna ako sa St. Peter Parish para manalangin. Di ko na inaasahan nuon na mananalo ako. Dahil di ako masyado nakapag-review. Ang sabi ko sa aking panalangin: "Kayo na po ang bahala sa akin, di ko na po aasahang manalo ngayon. Pero sana po, patuloy po ninyo akong gabayan at wag po sana ako kabahan sa Quiz Bee. Di po sana maulit yung mapait na karannasan ko nung First Year ako ng matalo ako sa Quiz Bee..."
" Pagkatapos kong manalangin ay kinuha ko agad ang bago kong bili na "Birthstone Rosary" at nanalangin ako ng Rosaryo mag-isa. First time ko manalangin ng rosaryo mag-isa dahil pag ako manalangin nun ay marami kami.
Aminado ako na di ako mahilig magdasal ng rosaryo. Pero this time, mukhang kahihiligan ko na ito.

Balak ko pa sana magsimba, kaso di na aabot ang oras ng Misa sa oras ng pasok ko kaya nagdasal nalang ako ng Rosaryo. Pagkadasal ko, ito na ang sumunod:

Nakarating ako ng school, nag-quiz bee ako NG DI KINAKABAHAN.
At ang nakakamangha, di ko man inasahan na mananalo ako, mapalad pa rin kami dahil Second Runner-up kami. Kasunod lang kami ng Champion. Sayang nga lang dahil Two points lamang ang agwat ng score namin sa score ng champion. Pero salamat na rin... (Team Quiz Bee).

Tunay nga talagang mabait ang Diyos. Kung patuloy kang nananalangin sa kanya, tiyak na may gantimpala ka. SALAMAT PO PANGINOON.

TUNAY DIN NA MAY MILAGRO SA ROSARYO.

2 comments:

  1. Hey kapatid! Ganito rin ang nangyari sa akin:) Midterm exams namin, hindi ko natapos ireview ang isang major subject namin pero before the exam eh lumapit ako sa Our Lady of Perpetual Help! Guess what, napakataas ng markang nakuha ko:)

    Effective ang rosary, effective ang intercession ng Mahal na Ina, sana marami ang tatawag sa kanya:) God bless sa iyo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Super effective Kapatid. Di pa ako handa kanina mag-Quiz Bee kaya lumapit ako sa Inang Mahal. Kaya ganun ang naging resulta.

      Delete

Please make this blog clean. Please follow the instructions:

1. If you are an anonymous, please introduce your name and then your religion. Introducing your name is optional (for security purposes) except your religion, or sect/denominations where you belong.

2. Comments with foul/ vulgar words will not be published.

3. If you are going to ask questions/arguments, go ahead. Expect the reply of the admin of this blog for about two to three days.

4. If the admin didn't reply back to your arguments, it does not mean that he doesn't want to answer you. He might be busy, so he can't answer back. But he can answer your arguments, be patient.

That's all. God Bless.

Sincerely,
The admin