Saturday, October 20, 2012

Anong relihiyon ba ang nagbabawal na mag-asawa at ng pagkain???

Isang hindi Katoliko ang nagpost sa kanyang blog ng ganito:

ANG MAGBAWAL MAG-ASAWA KATURUAN NG DEMONYO!!!
ANG MAGBAWAL NG ILANG-URI NG PAGKAIN KATURUAN DIN NG DEMONYO!!!
1 Timoteo 4: 1-16
Mga Huwad na Guro
1 Maliwanag ang sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay iiwan ng ilan ang pananampalataya. Susunod sila sa mga mapanlinlang na espiritu at sa mga(((( katuruan ng mga demonyo)))). 2 Ang mga katuru- ang ito’y pinalalaganap ng mga taong sinungaling at may mga manhid na budhi. 3 ((((((Ipinagbabawal nila ang pag-aasawa ))))))) at (((((ang ilang uri ng pagkain)))), mga pagkaing nilikha ng Diyos upang kaining may pasasalamat ng mga mananampalataya at nakakaunawa ng katotohanan. 4 Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti at walang dapat ipalagay na masama; sa halip ay dapat tanggaping may pagpapasalamat 5 sapagkat ang mga ito’y nililinis ng salita ng Diyos at ng panalangin.
NABASA NINYO SA MGA HULING ARAW…KAYA MALAPIT-LAPIT NG DUMATING ANG PANGINOONG JESUS NAGKAKATOTOO NA LAHAT-LAHAT NG DIVINE PROPHECIES. AMEN!

Source link: http://armandecastro.wordpress.com/2011/08/20/bawal-mag-asawa-at-magbawal-ng-pagkain-katuruan-ng-demonyo/#comment-1038



Malamang ay miyembro ng Iglesia ni Cristo ang taong ito. Atin natin itong sagutin:

Ang binigay niyang talata sa Bibliya ay ang 1 Timoteo 4:1-5

Mga Huwad na Guro
1 Maliwanag ang sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay iiwan ng ilan ang pananampalataya. Susunod sila sa mga mapanlinlang na espiritu at sa mga(((( katuruan ng mga demonyo)))). 2 Ang mga katuru- ang ito’y pinalalaganap ng mga taong sinungaling at may mga manhid na budhi. 3 ((((((Ipinagbabawal nila ang pag-aasawa ))))))) at (((((ang ilang uri ng pagkain)))), mga pagkaing nilikha ng Diyos upang kaining may pasasalamat ng mga mananampalataya at nakakaunawa ng katotohanan. 4 Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti at walang dapat ipalagay na masama; sa halip ay dapat tanggaping may pagpapasalamat 5 sapagkat ang mga ito’y nililinis ng salita ng Diyos at ng panalangin.

Ang simbahang Katoliko daw diumano ay nagbabawal ng pag-aasawa sa mga pari pati na rin sa pagbabawal ng pagkain ng karne. Ngunit, napaka-ignorante ng INC na ito dahil wala namang aral ang Santa Iglesia na nagbabawal sa mga ito. Samakatuwid, anong relihiyon kaya ang nagbabawal ng pag-aasawa at pagkain ng ilang karne? Ano kayang relihiyon ang tinutukoy sa 1 Timoteo? Isa-isahin natin ang talata (1 Timoteo 4:1-3)

[1 Maliwanag ang sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay iiwan ng ilan ang pananampalataya. Susunod sila sa mga mapanlinlang na espiritu at sa mga(((( katuruan ng mga demonyo)))).]

Ayon sa aral ng Iglesia Ni Cristo, si Felix Manalo ay isang sugo "daw" ng Diyos sa mga huling araw. Ang sinabi naman ng Bibliya, "Maliwanag ang sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay iiwan ng ilan ang pananampalataya." Si Manalo ay iniwan ang kanyang pananampalatayang Katoliko, gayon din ang mga sumunod sa kanya. Natupad ang sinabi ng Espiritu na iiwan ng ilan ang kanilang pananampalataya SA MGA HULING ARAW

Sumunod naman ay ang pagsunod nila sa MGA MAPANLINLANG NA ESPIRITU AT SA MGA KATURUAN NG DEMONYO. Nangyayari na nga ito dahil, kita niyo naman ang ilan sa mga doktrina ng INC, wala sa Bibliya, galing pa sa kanilang ama na sinungaling (Juan 8:44) at kung magsinungaling pa gamit ang ating mga librong Catolico, kita naman diba??


[2 Ang mga katuru- ang ito’y pinalalaganap ng mga taong sinungaling at may mga manhid na budhi.] 

 Mga taong sinungaling. Tulad ng pandaraya ng mga Ministro ng INC sa mga librong Katoliko..

 
 [3 ((((((Ipinagbabawal nila ang pag-aasawa ))))))) at (((((ang ilang uri ng pagkain)))), mga pagkaing nilikha ng Diyos upang kaining may pasasalamat ng mga mananampalataya at nakakaunawa ng katotohanan.]

 Ang mga Iglesia ni Cristo ay ipinagbabawalang mag-asawa ang kanilang miyembro sa mga di nila ka-miyembro. Maliban na lamang kung magdedesisyon ang di nila miyembro na magpabautismo sa kanila. Ang mga pari ng Iglesia Katolika AY KUSANG LOOB NA DI NAG-AASAWA PARA SA KALOOBAN NG DIYOS. Ibang-iba po ang mga Katoliko sa mga INC.

Sa Iglesia Katolika, pwedeng ikasal ang isang Katoliko at hindi Katoliko. Sa kanila, BAWAL.

Patungkol naman sa pagkain. Pinagbabawalan ang kanilang miyembro na kumain ng ilang pagkain, tulad na lang ng dinuguan. Saan ba sinabi ng Biblia na bawal kumain ng dinuguan? Pagkaing Pilipino po iyon. At sa issue naman sa kanila na bawal "daw" kumain ng karne ang isang Katoliko, aba mga sinungaling po ang mga INC. Wala pong pagbabawal sa pagkain ng karne, lalo na kapag Lenten Season. Ang hiling lang ng simbahan ay fasting, kung saan kusang loob na di kakain nito bilang paraan ng pagsisisi sa mga kasalanan. Subukan po nilang magpunta ng mga palengke tuwing Holy Week at makikita pa rin nila na available na available ang mga karne...

 Ano na po sa tingin ninyo? Anong relihiyon kaya ang nagbabawal ng pag-aasawa at pagkain??

No comments:

Post a Comment

Please make this blog clean. Please follow the instructions:

1. If you are an anonymous, please introduce your name and then your religion. Introducing your name is optional (for security purposes) except your religion, or sect/denominations where you belong.

2. Comments with foul/ vulgar words will not be published.

3. If you are going to ask questions/arguments, go ahead. Expect the reply of the admin of this blog for about two to three days.

4. If the admin didn't reply back to your arguments, it does not mean that he doesn't want to answer you. He might be busy, so he can't answer back. But he can answer your arguments, be patient.

That's all. God Bless.

Sincerely,
The admin