Isa sa dogma ng Iglesia Katolika ang titulo nito para kay Maria na "Ina ng makapangyarihang Diyos" o "Ina ng Dios". Subalit, marami pa ring sekta-protestante ang naliligaw at tumutuligsa sa simbahan dahil hindi daw dapat tawaging "Ina ng Dios" si Maria sapagkat ang anak niyang si Jesucristo ay tao lang daw...
Hail Mary, Full of Grace |
Sa mga nauna kong post dito sa aking blog ay napatunayan na nating si Cristo ay tunay na Dios (1 Juan 5:20), ang Salita ng Dios ( Juan 1:1) at ang Dios na nagkatawang-tao (Juan 1:14, Phil 2:5-8)... Atin namang busisiin ngayon kung bakit tinawag ng Iglesia Katolika na "Ina ng Dios" o sa Ingles, "Mother of God" ang ating Ina na si Maria.
Sa hula ng pagsilang ni Cristo sa Lumang Tipan ng Biblia, sinabi ni Isaias sa 7:14:
"Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang
dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang
kaniyang pangalan na Emmanuel."
Nangyari nga ito at ito naman ang nakasaad sa Bagong Tipan (Mateo 1:21-23)
"At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan. At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,
Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios."
Ang ibig sabihin ng Emmanuel ay sumasaatin o kasama natin ang Diyos.Sinabi rin sa Isaias na ang ipanganganak ng isang dalaga ay tatawaginhg Makapangyarihang Dios, Prinsipe ng Kapayapaan... (9:6)
"Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan."
Sino ba ang ipinanganak ni Maria? Ang ating Panginoon na si Hesucristo...
Ang tanong: Nang ipaglihi ba ni Maria si Cristo, si Cristo ay tao lang ba?
Hindi po, nang siya ay magkatawang-tao, na kay Hesucristo pa rin po ang pagka-Diyos (Colossas 2:9). Ginusto rin ng Dios Ama na manatili kay Cristo ang kapuspusan ng pagka-Dios ( Colossas 1:19).
Sa buod ng pagiging "Ina ng Dios" ni Maria, siya ay binigyan ng pagkakilala na ito sa kadahilanang ang kanyang ipinaglihi na si Hesus ay Dios na totoo at taong totoo.
Mga kapatid, ang dogmang ito na hindi pinaniniwalaan ng mga sekta-protestante ay matagal nang ipinagtibay ng Simbahang Katolika. Ipinagtibay ito noong 41 AD sa Konsilyo ng Efeso ( Council of Ephesus ). Kaya mga kapatid, wag tayong magpaligaw sa mga sektang nagsasabi na hindi Ina ng Diyos si Maria at Hindi daw Dios si Cristo sapagkat nahula na ito sa Banal na Kasulatan na ang mga tao at mangangaral na di naniniwalang Si Cristo ay Dios ay dapat tawaging mga mandaraya at Anti-Cristo.
MABUHAY ANG PINAGPALANG SI MARIA!
MABUHAY ANG IGLESIA KATOLIKA!

No comments:
Post a Comment
Please make this blog clean. Please follow the instructions:
1. If you are an anonymous, please introduce your name and then your religion. Introducing your name is optional (for security purposes) except your religion, or sect/denominations where you belong.
2. Comments with foul/ vulgar words will not be published.
3. If you are going to ask questions/arguments, go ahead. Expect the reply of the admin of this blog for about two to three days.
4. If the admin didn't reply back to your arguments, it does not mean that he doesn't want to answer you. He might be busy, so he can't answer back. But he can answer your arguments, be patient.
That's all. God Bless.
Sincerely,
The admin