Saturday, August 4, 2012

WALA DAW PASKO SA IGLESIA NI CRISTO, EH ANO ITO? by Atty. Marwil Llasos


Larawan ng Belen sa Pasugo, December 2009, p. 29
http://catholicdefender2000.blogspot.com/2012/04/on-holy-images-and-christmas-iglesia-ni.html


WALA DAW PASKO SA IGLESIA NI CRISTO, EH ANO ITO?

"Nalalapit na ang Pasko! ... Mamili hanggang maaga! ..." - Isang patalastas sa Pasugo

Mukhang mapapaaga ang PASKO dito sa blog ko. Paano kasi, nagkomento sa artikulo ko tungkol sa pagturing at pagtawag ng Iglesia ni Cristo (INC) ng “ama” sa nasirang si ERAÑO G. MANALO[1] si READ ME INC na isang (di-otorisadong) manananggol ng hidwang panananampalataya ng INC. Sa komento ni Read Me, mariing binanggit niya: “Ang doktrina sa amin, bawal ang pagdiriwang ng PASKO.”[2]

Pasugo, Nobiembre 1939, p. 26

Tama naman si Read Me. Bawal nga sa INC ang Pasko. Pero alam ba ninyo na pabago-bago ang aral ng INC tungkol diyan? Lumilitaw na hindi talaga sa Dios ang INC sapagkat salu-salungatan ang aral eh. Maliban diyan, dala-dalawa ang akala ng INC. Kunyari ayaw at galit sa Pasko; pero minsan naman hindi. Kaya nga po mahirap paniwalaan ang sektang ito sapagkat hindi tayo magagabayan nito sa kaligtasan bagkus ay sa kapahamakan. Sa Santiago 1:8, ganito ang ating mababasa:

“Ang taong may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad.”

"Araw-araw ay magiging Pasko lagi" - Paskong-pasko ang kulay ng selyo ng Iglesia ni Cristo

Bakit po natin nasabing may dalawang akala? Eh kasi sabi ni Read Me bawal sa INC ang Pasko. Tapos, mababasa natin sa Pasugo na may Pasko sa INC. Papalit-palit, paiba-iba at salu-salungatang pahayag at gawain ng INC. Tunghayan po natin ang mga sumusunod na larawan:

Ho ho ho!: Ano ang ginagawa ni Sta. Claus dito?

Kitang-kita sa larawan mula sa Pasugo ang pakikipagdiwang ng nasirang si Eraño G. Manalo at ang kanyang maybahay na si Gng. Tenny Manalo sa ika-25 anibersaryo ng kasal nina Teofilo Ramos at Paz Ramos. Bakit may Sta. Claus sa dingding? Ano ang ibig sabihin nito? Mantakin ninyo na ang Punong Tagapamahala mismo ng INC ay nakikipagdiwang sa isang okasyong may palamuti pamasko? Nagpabaya ba ang lider ng INC sa pagpapatupad ng aral ng INC na bawal ang Pasko? Dito nakikita ang kapaimbabawang ng INC. Muhing-muhi ang INC sa Pasko ng mga Katoliko pero dumadalo rin pala ang kanilang Punong Tagapamahala sa isang okasyon na may mga palamuting pamasko kagaya ni Sta. Claus.

Merry Christmas, Ka Erdie!!!

Ang okasyon ay anibersaryo mismo ng kasal ni Teofilo Ramos at ng kanyang asawa. Sino ba si Teofilo Ramos? Siya ay isang senior minister ng INC na naaralan mismo ng “sugo” ng INC na si Felix Manalo. Mataas ang kanyang katungkulan sa INC. Ngunit bakit sa anibersaryo ng kasal niya mismo ay may Sta. Claus at may pagbating “Merry Christmas.” Pansinin sa larawan sa itaas ang pagdalo ng matataas na pinuno ng INC: Eraño Manalo, Benjamin Santiago, Teofilo Ramos at Cipriano Sandoval. Pag pinuno pala, puwede; pag kaanib lang, bawal?

Pasko na naman ... Aginaldo po!!!

Sa larawan sa itaas na kuha sa Pasugo, makikita ang tula na may pamagat na “Ang Aking Pang-Aginaldo.” Akala ko ba walang Pasko sa INC, bakit may aginaldo?

Pansinin din sa tula ng INC na si Benjamin T. Villalba ang tahasang pagbanggit ng Pasko. Aniya –

“PASKO na naman … narito na ngayon –
Kaya naman kahi’t
Munting paghahandog … ay aking nilayon”

Maliban diyan, binabanggit din sa tula ang mga sumusunod?

“Ang diwa ng PASKO ay kapayapaan;
Nang mundong naglunoy sa lusak ng Buhay;
Mabuting balita sa kinalulugdan;
Pagsilang ni Jesus sa abang sabsaban.”

O, ayan! Di ba malinaw pa sa sikatan ng araw na may Pasko sa INC. Ano daw ang diwa ng Pasko? Kapayapaan. Mabuting Balita. Pagsilang ni Jesus sa abang sabsaban.

"... At may tatlong haring nagsidalaw ...": Ang tatlong hari ng INC

Talagang hindi dapat paniwalaan ang INC. Saksakan ng sinungaling! Doktrina daw nila na bawal ang Pasko. Bakit pinayagan ang mga ito na ilabas sa Pasugo? Tila yata ang Pasugo ay napasubo!

Ito ang wala sa Biblia!!!



Naungusan na ng blog na ito ang walang kalatuy-latoy na blog ni Read Me ng Iglesia ni Cristo

No comments:

Post a Comment

Please make this blog clean. Please follow the instructions:

1. If you are an anonymous, please introduce your name and then your religion. Introducing your name is optional (for security purposes) except your religion, or sect/denominations where you belong.

2. Comments with foul/ vulgar words will not be published.

3. If you are going to ask questions/arguments, go ahead. Expect the reply of the admin of this blog for about two to three days.

4. If the admin didn't reply back to your arguments, it does not mean that he doesn't want to answer you. He might be busy, so he can't answer back. But he can answer your arguments, be patient.

That's all. God Bless.

Sincerely,
The admin