Sunday, July 15, 2012

BIBLIYA ANG MAGPAPATUNAY NA "IGLESIA NI CRISTO" NI MANALO ANG IGLESIANG TUMALIKOD

Felix Manalo- ang tagapagtatag ng Iglesia "daw" ni Cristo

Kilala na natin ang Iglesia ni Cristo ni Manalo na nangugunang taga-usig ng Simbahang Katolika. Ayon mismo sa kanila, natalikod daw ang Unang Iglesia. Natalikod daw ang Iglesia Katolika. Hanggang ngayon naman ay wala silang mapatunayan mula sa Bibliya na natalikod "daw" ang unang Iglesia. Subalit anong Iglesia ba ang tunay na tumalikod?? Ayon na rin mismo sa Bibliya. Atin siyasatin ang ilan sa mga doktrina ng Iglesia ni Cristo (1914).

Ayon sa mga miyembro ng sektang ito, naitatag daw ang Iglesia noong 1914. Kasagsagan ng Unang Digmaang Pandaigdig. Katuparan daw ito ng hula sa ebanghelyo ni Mateo namagkakaroon ng Digmaan:

"At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako." (Mateo 24:6-7)

Opo. Tama po ang miyembro na INC. Lumitaw ang  "Iglesia ni Cristo" nung kasagsagan ng Unang Digmaang Pandaigdig noong Hulyo 27, 1914. Huwag na tayong tumutol. Ngunit, ano ba ang inaasahang lilitaw habang nagkakaroon ng digmaan? Para mas malinaw, basahin natin ang Chapter 24 ng Ebanghelyo ni Mateo:

1At lumabas si Jesus sa templo, at payaon sa kaniyang lakad; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniya'y ipamalas ang mga gusali ng templo. 2Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak.
3At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?
4At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. 5Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami. 6At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. 7Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. 8Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.
9Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan. 10At kung magkagayo'y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa. 11At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. 12At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig. 13Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. 14At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.
15Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa), 16Kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea: 17Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay: 18At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal. 19Datapuwa't sa aba ng nangagdadalang-tao at nangagpapasuso sa mga araw na yaon! 20At magsipanalangin kayo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa panahong taginaw, o sa sabbath man: 21Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man. 22At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang makaliligtas: datapuwa't dahil sa mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon. 23Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. 24Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. 25Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo. 26Kaya nga kung sa inyo'y kanilang sasabihin, Narito, siya'y nasa ilang; huwag kayong magsilabas: Narito, siya'y nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan. 27Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. 28Saan man naroon ang bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga uwak.
29Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: 30At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian... (Mateo 24:1-31)

Pansinin. Bago ang binigay nilang bersikulo 6-7 ay ang bersikulo 5 na nagsasabing may mga bulaan na magliligaw sa marami...  Bulaang propeta pala ang lilitaw sa araw ng Digmaan. Ibig sabihin, ang "Iglesia ni Cristo" ni Manalo ay bulaan. Sumulpot sila habang may Digmaan. Nililigaw nila ang maraming tao patungo sa kadiliman.
Ayon naman sa kanilang magasing Pasugo, si Felix Manalo ay sinasabi nilang "Huling Sugo ng Diyos sa mga HULING ARAW".

"Since the pioneering years of the Iglesia ni Cristo during the time of Bro. Felix Y. Manalo, God's messengger in these last days,....(Pasugo March 2012 edition page 22-23)

Kung atin din matatandaan na pinagpauna na ni San Juan na may mga bulaang propeta at Anti-Cristo na lilitaw sa mga huling oras:

"Mumunting mga anak, ito ang huling oras: at gaya ng inyong narinig na darating ang anticristo, kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras. Sila'y nangagsilabas sa atin, nguni't sila'y hindi sa atin; sapagka't kung sila'y sa atin ay nagsipanatili sana sa atin: nguni't nangagsilabas, upang sila'y mahayag na silang lahat ay hindi sa atin." (1 Juan 2:18)


Si Felix Manalo kung aalalahanin ay dating Katoliko. Ngunit lumabas sa Santa Iglesia si Manalo at nagtayo ng sarili niyang Iglesia. At ang Iglesia na iyon ay tinawag niyang "Iglesia ni Cristo". Malinaw pa rin sa hula sa Mateo na gagamitin ang pangalan ni Hesus para iligaw ang mga tao (Mateo 24:4). Si Manalo ay tinawag din ng kaniyang miyembro na "Huling Sugo sa mga Huling Araw". Siyempre, kung may huling araw, meron ding huling oras. Kumbaga sa deadline ng pagpapasa ng "project" mo sa paaralan, huling araw ng deadline at huling oras mo na rin iyon. Kaya sa Iglesiang itinatag ni Manalo tupad ang pagdating ng mga bulaang propeta (Mateo 24:24) at mga Anti-Cristo (1 Juan 2:18).

Ano nga ba ang Anti-Cristo? Bibliya na rin po ang sasagot:

"Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo." (2 Juan 1:7)

Ayun. Sapul na naman sa mga INC. Ang mga anti-Cristo ay hindi naniniwala at hindi nangagpapahayag na si Cristo ay napaparitong nasa laman o nagkatawang-tao. Ang mga INC ay dapat tawaging mga Anti-Cristo dahil ang paniniwala nila ay hindi nagkatawang-tao si Cristo bagkus siya ay pinanganak ni Maria na "tao lamang".


Kung susumahin ang tatlong talata ( Mateo 24, 1 Juan 2:18, at 2 Juan 1:7), tupad itong lahat sa "Iglesia ni Cristo" ni Manalo. Ibig sabihin, sa ginagamit nilang Bibliya na ginawa ng Simbahang Katolika ay makikita ang mga ebidensya na ang Iglesiang tinatag ni Manalo ang tumalikod. Sila ang mga bulaang propeta at mga Anti-Cristo na nililigaw ang maraming tao.



MABUHAY AT PAGPALAIN ANG SANTA IGLESIA!

1 comment:

Please make this blog clean. Please follow the instructions:

1. If you are an anonymous, please introduce your name and then your religion. Introducing your name is optional (for security purposes) except your religion, or sect/denominations where you belong.

2. Comments with foul/ vulgar words will not be published.

3. If you are going to ask questions/arguments, go ahead. Expect the reply of the admin of this blog for about two to three days.

4. If the admin didn't reply back to your arguments, it does not mean that he doesn't want to answer you. He might be busy, so he can't answer back. But he can answer your arguments, be patient.

That's all. God Bless.

Sincerely,
The admin