Si Cristo ay tunay na Dios. Biblia ang magpapatunay dito:
"At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng
pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na
totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay
na Dios, at ang buhay na walang hanggan." (1 Juan 5:20)
Ano namang "buhay" ang tinutukoy sa 1 Juan 5:20? Ito naman ang sagot:
"Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.
Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao. At ang ilaw ay lumiliwanag sa kadiliman; at ito'y hindi napagunawa ng kadiliman" (Juan 1:1-5)
Malinaw sa dalawang talata na si Cristo ay Dios at tunay na Dios. Ngunit, ibig sabihin ba nuon ay dalawa na ang Dios? Hindi. Dahil si Cristo at ang Ama ay iisa sa pagka-Diyos. (Juan 10:30). Dalawa sila pero iisa sa pagka-Diyos. Ano naman ang dapat itawag sa mga taong hindi naniniwala na si Cristo ay Dios na nagkatawang-tao?
SAGOT:
"Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa
makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay
napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo." (2 Juan 1:7)
Mag-ingat sa iyong pinapasok na relihiyon, baka isa yan sa katuparan ng mga anti-cristong nagsilitaw sa mundo.
MABUHAY ANG SANTA IGLESIA!
No comments:
Post a Comment
Please make this blog clean. Please follow the instructions:
1. If you are an anonymous, please introduce your name and then your religion. Introducing your name is optional (for security purposes) except your religion, or sect/denominations where you belong.
2. Comments with foul/ vulgar words will not be published.
3. If you are going to ask questions/arguments, go ahead. Expect the reply of the admin of this blog for about two to three days.
4. If the admin didn't reply back to your arguments, it does not mean that he doesn't want to answer you. He might be busy, so he can't answer back. But he can answer your arguments, be patient.
That's all. God Bless.
Sincerely,
The admin