Saturday, July 14, 2012

MGA "APOLOGETIC BLOGS" NA INSPIRASYON KO SA PAGGAWA KO NG BLOG NA ITO

Una sa lahat nais ko munang magpasalamat sa mga "admin" ng mga sumusunod na mga blogs. Malaki ang naitulong nila at naiambag sa pagbabago sa buhay ko. Lalo na sa pananampalataya ko.


Blog admin: Fr. Abe Arganiosa
Ang blog na ito ang kauna-unahang nadiskubre ko sa Internet sa tulong ng 100% KATOLIKONG PINOY fan page sa Facebook. Malaki ang utang na loob ko sa admin ng blog na ito na si Fr. Abe Arganiosa. Dahil dito, nagbago ang isip ko na hindi na umanib sa sektang Iglesia ni Cristo sapagkat lahat ng INC na kumakalaban kay Padre ay nasusupalpal niya. Nang minsang magtanong ako dito tungkol sa "Trinity", agad niya itong nasagot. Trinity kasi ang tanong sa akin nung ministro noon. Hindi pa ako mahilig magbasa ng Bibliya noon, nang madiskubre ko ang blog na ito, natuto ako magbasa. Lalo din lumakas ang pananampalataya ko sa Diyos at naging matibay na miyembro ng tunay na Iglesia ni Cristo: Ang Iglesia Katolika.


Blog admin: Atty. Marwil N. Llasos O.P.

Nadiskubre ko ang blog na ito sa pamamagitan ng blog ni Father Abe Arganiosa. Marami rin akong natutunan dito about sa Catholic Faith, pati na rin sa mga panggogoyo ng INC. Madalas basahin sa akin sa bible study sa dati kong school New Era University ang librong Siya'y inyong Pakinggan ni Padre Enrique Demond. Sa awa ng Diyos, dahil din sa blog na ito ay nakatagpo rin ako ng liwanag at tuluyan nang di nagpadoktrina at di umanib sa Iglesia ni Cristo na itinatag lang pala ng isang tao.


Blog admin: C. Pio

Di ko alam kung papano ko nadiskubre ito. Basta hanga ako sa admin nito na si C. pio. Pure English pero maintindihan. Marami akong natututunan dito. Lalo na ang tungkol sa divinity ni Cristo. Bilib na bilib ako sa blog na ito. Simple lang pero maganda naman ang mga post dito.


4. In Defense of The Church

Blog admin:


Hindi ko sigurado kung saan ko nadiskubre ito. Siguro ay sa Facebook. Maganda rin ang mga post sa blog na ito. Mapagkakatiwalaan. Hindi ko nga lang alam kung sino ang admin nito.





Ang apat na mga blogs na iyan ang dahilan kaya ako ay naliwanagan. Yan din ang dahilan kung bakit may blog ako ngayon. Pagpalain nawa sila ng Panginoon at ipagpatuloy ang pagkakalat ng katotohanan at mga aral ng tunay na Iglesiang itinatag ni Cristo!

2 comments:

  1. Maraming Salamat po Bro. Ryan sa pagsama mo sa aking blog bilang isa sa mga naka-impluwesya sa iyo.

    Patnubayan ka nawa ng Dios. Ipagtanggol mo ang Pananampalatayang Katoliko sa mga nais sumupil dito.

    Amen

    ReplyDelete
  2. Maraming salamat kapatid. Karangalan namin na makapaglingkod sa Panginoon at sa Kaniyang natatangi at tunay na Iglesia. Ang Iglesia Catolica Apostolica Romana.

    ReplyDelete

Please make this blog clean. Please follow the instructions:

1. If you are an anonymous, please introduce your name and then your religion. Introducing your name is optional (for security purposes) except your religion, or sect/denominations where you belong.

2. Comments with foul/ vulgar words will not be published.

3. If you are going to ask questions/arguments, go ahead. Expect the reply of the admin of this blog for about two to three days.

4. If the admin didn't reply back to your arguments, it does not mean that he doesn't want to answer you. He might be busy, so he can't answer back. But he can answer your arguments, be patient.

That's all. God Bless.

Sincerely,
The admin