Sunday, May 13, 2012

NATALIKOD BA ANG UNANG IGLESIA?



St. Peter's Basilica in Vatican











Ang isa sa mga aral ng Iglesia ni Cristo ay ang Total Apostasy o pagkatalikod ng Unang Iglesia.
Saan kaya kinuha ng mga INC mula sa bibliya ang total apostasy?

Eto po ang mga tanong ko sa mga "Iglesia ni Cristo" members:

1. Kung natalikod ang Unang Iglesia ni Cristo, ibig sabihin ba ay sinungaling si Cristo ng sinabi niyang ito?:

Mateo 16:18

"At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya."

Ang sinabi ni Cristo, maski ang pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kanya. Ibig sabihin, hindi matatalo ng Diablo ang Iglesiang itinatag ni Cristo kay Pedro.

2. Saan sa bibliya sinabing natalikod ang Unang Iglesia?

3. Saan sa bibliya na dapat ay ang huling sugo niyo na si Ka-Felix Manalo ang mamahala sa Iglesia? In short, where is Felix Manalo in the Holy Bible?

4.Saan din po sa Bibliya na ipagdiwang tuwing July 27 ang Founding Anniversary ng Iglesia ni Cristo?


5. Saan po sa Bibliya sinasabing irehistro sa Security and Exchange Commision ang "Iglesia ni Cristo" bilang isang asosasyon?



Hindi ho ba kaya ang natalikod na Iglesia ay kayo? Eto po ang talata mula sa bibliya:


1 John 2:18-19

"Mumunting mga anak, ito ang huling oras: at gaya ng inyong narinig na darating ang anticristo, kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras.Sila'y nangagsilabas sa atin, nguni't sila'y hindi sa atin; sapagka't kung sila'y sa atin ay nagsipanatili sana sa atin: nguni't nangagsilabas, upang sila'y mahayag na silang lahat ay hindi sa atin."


Bakit ko po kamo nasabi? Dahil po ang huling sugo nyo ay dating Katoliko na lumabas mula sa pagiging Katoliko at nagtatag ng "Iglesia ni Cristo". 

Papano po ba matatalikod ang Unang Iglesia ni Cristo ea kasama na kami ni Cristo hanggang sa katapusan ng sanlibutan?

Matthew 28:20

"AKO’Y SUMASA INYONG PALAGI, HANGGANG SA KATAPUSAN NG SANGLIBUTAN.” 

Kapag nailitaw niyo po kung saan sa bibliya sinabing natalikod ang Unang Iglesia, ilahad niyo po dito at hihimayin natin isa-isa....


I am Catholic. I am in the True Church!

3 comments:

  1. kung pwede po ay pki post yung number nyo at tatawagan nalang po namin kayo para narin mapuntahan po kayo para mai share po sainyo ang katotohanang doctrina mula sa biblia.

    napaka ganda po ang tanong ninyo. at siguradong sigurado po akong bibliya lamang po ang sasagot sainyo na kakasangkapanin lamang ang aming mga Ministo/ pastor.

    Maraming dalamat po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di na kailangan. Dahil nasa tamang Iglesia na ako...

      Delete
    2. tama wag kangassuming ..dahil ang Iglesia ni Manaloto malabo sa pagiging tunay na Iglesia hahah ..

      At kaming katoliko ang Tunay at nagiisang tinatag :P

      Delete

Please make this blog clean. Please follow the instructions:

1. If you are an anonymous, please introduce your name and then your religion. Introducing your name is optional (for security purposes) except your religion, or sect/denominations where you belong.

2. Comments with foul/ vulgar words will not be published.

3. If you are going to ask questions/arguments, go ahead. Expect the reply of the admin of this blog for about two to three days.

4. If the admin didn't reply back to your arguments, it does not mean that he doesn't want to answer you. He might be busy, so he can't answer back. But he can answer your arguments, be patient.

That's all. God Bless.

Sincerely,
The admin