Wednesday, May 30, 2012

SI FELIX MANALO BA ANG IBONG MANDARAGIT NA HINULAAN SA ISAIAS 46:11?

Ang inyo pong mababasa ay mula sa aklat na "Ang Katotohanan Tungkol sa Iglesia ni Cristo (1914)" ni Julian Pinzon. Ito ay nilimbag ng Logos Publication. Ang aklat na ito ay nagsasabi ng katotohanan tungkol sa mga magasing "Pasugo" ng Iglesia ni Cristo laban sa "Pasugo" ng Iglesia ni Cristo din. Doktrina nila laban sa Doktrina nila. Makikita po ang buong nilalaman ng aklat na ito sa kanang bahagi ng aking blog, sa ilalim ng "A MUST READ BLOG/SITES" entitled "Ang Katotohanan Tungkol sa Iglesia ni Cristo (1914)". Narito po at inyong basahin:

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Ang ibong mandaragit na mababasa sa Isaias 46:11, ay mababasa sa PASUGO na si Felix Manalo raw ang tinutukoy at ang talatang ito ni Isaias 46:11 ay ganito ang sinasabi:
"Buhat sa silanganan, tinatawag ko ang ibong mandaragit, buhat sa malayong lupain ang taong (gaganap) ng aking mga balak. Kung ano ang aking sinabi ay siya kong gagawin; kung ano ang aking binalak ay siya kong isasagawa".

PANSININ: Ang interpretasyon nina G. F. Manalo at ang mga panatikong Manalista ay ganito:  
1-Ang ibon ay mula sa silangan -- W. History, B.S.A. p. 445  
2-Ang tao na iyon din ang ibon ay mula sa malayong lupain, mga pulo ng dagat -- Isaias 24:15, ang Pilipinas.
3-Si G. Felix Manalo ang ibong mandaragit mula sa Pilipinas.
Ang ibong mandaragit na ito na hinulaan ni Propeta Isaias ay si Ciro na hari ng Persia, ayon sa mga Pantas at Dalubhasa sa mga Kasaysayan at sa Banal na Kasulatan.
Kaya ang hulang ito (Isaias 46:11) na ipinatutungkol ni G. Felix Manalo sa kanyang sarili, ay hindi dapat bigyang pansin kung isasaalangalang sa mga nailahad na mga paksa. Bakit? Sapagkat nasusulat sa Santiago 2:10 ang ganitong mga pangungusap:
“Sapagkat ang sinumang gumanap ng buong kautusan, at gayon ma'y natisod sa isa, ay nagiging makasalanan sa lahat."
Si Felix Manalo'y napatunayan natin na hindi sinugo ng Dios, ayon sa paliwanag ng kanilang Magasing PASUGO at gayon din sa Banal na Kasulatan; na anopa't ang mga itinurong aral ay hindi nagmula sa Dios kundi nagmula lamang sa kanyang sarili. Bakit? Sapagkat wala sa Bibliya at laban sa Bibliya. Ang magasing PASUGO ay laban sa magasing PASUGO.
Datapuwa't bagaman wala nang pangangailangan pa o nasabi nga natin na hindi sapat pansinin pa ang bagay na ito, ay sa kapakanan ng mga walang kabatiran sa hulang ito, narito ang pahapyaw na paglilinaw tungkol sa "silanganan at malayong lupain at mga pulo ng dagat" na kanilang piagbabatayan na umano'y ang Bansang Pilipinas, at ilalahad natin ito sa pamamagitan ng mga tanong at sagot:
TANONG: Saang dako ng daigdig ang tinutukoy ng Banal na Kasulatan na Silanganan?

SAGOT: Genesis 25:6
“Datapuwa't ang mga anak ng naging mga babae ni Abraham ay pinagbigyan ni Abraham ng mga kaloob; at samantalang nabubuhay pa siya ay inilayo niya kay Isaac na kanyang anak sa dakong silanganan sa lupaing silanganan."
Pansinin: Ang mga anak ni Abraham ay pinapunta sa silanganan. Ang mga ito'y anak ni Abrahamn sa laman. Si Felix Manalo'y hindi anak sa laman ni Abraham.
Genesis 29:1,4
“Nang magkagayo'y si Jacob sa kanyang paglalakbay ay napasa-Lupain ng mga anak ng Silanganan. At sinabi sa kanila ni Jacob; mga kapatid ko, taga saan kayo? At kanilang sinabi, taga Haram kami." (Kapatid -- kapwa Israelita)
Deut. 4:47-49
“At kanilang sinakop ang kanyang lupain sa pinakaari, at ang lupain ni Og na Hari sa Basan, ang dalawang hari ni Amorreo, na nangasa dako pa roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw. Mula sa Aroer na nasa hangganan ng libis ng Arnon hanggang sa bundok ng Sion o Hermon at ang buong Arabia sa dako roon ng Jordan sa dakong Silanganan hanggang sa dagat ng Arabia sa ibaba ng gulod ng Pisga."
Pansinin: Ang SILANGANAN na binabanggit sa Isaias 46:11 ay walang pangalan ng bansa na sinasabi. At sapagkat Bibliya ang may sabi nito, ay dapat din na Biblia ang magsasabi kung san naroon. Ngayon ipinakita at sinasabi sa atin ang dakong tinatawag ng Biblia na SILANGANAN. At ang sabi ay sa dako pa roon ng Jordan. (Pansinin sa mga talatang ito.)
Dahil diyan ay maliwanag na paltos at kamangmangang sabihin sa Pilipinas ang tinutukoy na SILANGANAN sa Isaias 46:11. At huwag isali dito ang Word History p. 445.
At ngayon ay sisipiin natin ang nasa Isaias 24:15, na kanilang pinagbabatayan hinggil sa SILANGANAN at MGA PULO NG DAGAT, na ganito ang nasusulat:
“Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa SILANGANAN samakatuwid bagay ang pangalan ng Panginoon ang Dios ng Israel, sa MGA PULO NG DAGAT.”

TANONG: Mayroon bang masusumpungan sa Banal na Kasulatan na lugar ng "MGA PULO NG DAGAT?" 
SAGOT: Mayroon at si Isaias din ang una nating pasasagutin dito, at sa Isaias 11:11-12a na ganito ang pahayag:
“At mangyayari sa araw na yaon na ilalapag ng Panginoon uli ang kanyang kamay na ikalawa upang mabawi ang nalalabi sa kanyang bayan na nalalabi mula sa Asira, at mula sa Ehipto, at mula sa Patros, at mula sa Cus, at mula sa Elam, at mula sa Sinar, at mula sa Amoth, at mula sa mga pulo ng dagat." 
Pansinin: Unawain sa mga binanggit dito na walang nabanggit na Pilipinas.

Sa Esther 10:1 ay ganito ang sinasabi:
"At ang Haring Assuero ay nag-atang ng buwis sa lupain at mga "PULO NG
DAGAT."
Ngayon ay ito naman ang tanong: Ang bawat Pilipinas na maraming mga "PULO NG DAGAT" ay nagbayad pa ba ng buwis kay Haring Assuero? O sa kasaysayan ng Bayang Pilipinas, mababasa po ba na nakasakop ni Haring Assuero ang bansang Pilipinas? Sa tanong na ito'y tiyak na mangangamatis ang mga Manalotes panatikostes. Kaunting pagbubulay-bulay mga kababayan!

Tanong: Yaon bang 'MALAYONG LUPAIN' na binanggit ni Propeta Isaias 46:11, saan naman mababasa at aling bansa ang tinutukoy? 
Sagot: Sa Isaias 39:3 ay ganito ang pahayag:
“Nang magkagayo'y dumating si Isaias na propeta sa Haring Ezequias at nagsabi sa kanya; Anong sinasabi ng mga lalaking ito, at saan nanggaling na nagparito sila sa iyo? At sinabi ni Ezequias; Sila'y nagsiparito sa akin mula sa MALAYONG LUPAIN." (Ang mga lalaking nabanggit dito ay mga pangkat ni Ciro.)
Sa talatang ito ay ipinababatid salahat na ang MALAYONG LUPAIN na nasusulat sa Biblia ay doon sa Babiloni at hindi sa Pilipinas. Dahil diyan, sino ngayon ang dapat paniwalaan, sina Manalo ba o si Isaias na sumulat sa Isaias 46:11, at Isaias 39:3? O ang World History nina Boak, Sosson at Anderson, p. 445, na ito ang ginamit nilang patotoo upang linlangin ang mga walang muwang sa bagay na ito. 
Datapuwa't malaman ang buong katotohanan. Ang World History ay naglalaman ng mga katotohanan. Datapuwa't suriin ang mga bagay-bagay na inilalarawan ng bawat manunulat kung ano yaon. Isang halimbawa'y may sumulat sa lalawigan ng Abra at ilarawan niya ang apat na direksiyon: Silangan-- Isabele; Kanluran-- Vigan, Ilocos Sur; Hilaga-- Laoag, Ilocos Norte; at Timog-- La Union o Cabanatuan. Sa gayon, mayroon lamang hangganan na inilalarawan. Dahil diyan siya na sumulat ang dapat tanungin kung ano ang ibig sabihin, at huwag sa ibang manunulat. Ang ibig kong ipagunita sa halimbawang ito, si Isaias ang nagpahayag ng SILANGAN, MALAYONG LUPAIN at MGA PULO NG DAGAT, siya rin ang dapat magturo kung nasaan ang mga bagay na sinasalita, ay Biblia rin ang magbibigay ng liwanag. 
Ngayon ay nais kong sariwain sa alaala ng mga kinauukulan ng bagay na ito ay baka magtanim sila ng galit sa atin ay unawain nila ang nasusulat sa mga Magasing PASUGOng sumusunod:
PASUGO Okt. 1956, p. 29:
“Bakit hindi ang nag-aral ng Iglesia ni Cristo ang iyong tuligsain? Ipakita
ninyo sa pamamagitan ng Biblia na mali ang aming mga aral. Ito ang dapat ninyong gawin."
PASUGO Marso 1962, p.2:
Makagagawa ka ng mabuti kung ang mga aral ng INK ay iyong tututulan at ipakita mo sa pamamagitan ng Biblia. Kung iyan ay magagawa mo... makapaglilingkod ka pa sa Dios at makapaglilingkod ka pa sa kapwa mo tao."
(Sanay'y maunawaan ng mga kinauukulan ang nasusulat na ito sa kanilang Magasing PASUGO.)

No comments:

Post a Comment

Please make this blog clean. Please follow the instructions:

1. If you are an anonymous, please introduce your name and then your religion. Introducing your name is optional (for security purposes) except your religion, or sect/denominations where you belong.

2. Comments with foul/ vulgar words will not be published.

3. If you are going to ask questions/arguments, go ahead. Expect the reply of the admin of this blog for about two to three days.

4. If the admin didn't reply back to your arguments, it does not mean that he doesn't want to answer you. He might be busy, so he can't answer back. But he can answer your arguments, be patient.

That's all. God Bless.

Sincerely,
The admin