Ang Pananampalataya Ng Ating Mga Ninuno ni James Cardinal Gibbons
PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA LARAWAN PART IV
           
 Dahil sa pambubuking ng blog na ito sa mga tiwaling gawain ng Iglesia 
ni Cristo (1914) sa pag-gamit ng mga aklat-Katoliko na sadyang minamali 
ng mg ministro ng INC upang makapandaya ng kapwa, may mga tagapagtanggol
 ng pananampalatayang Katoliko ang nagpapasalamat sa pambibisto ng 
panggogoyo ng INC. Ang ilan sa kanila ay humingi ng tulong upang mas 
mapalawig pa ang pagbubunyag sa mga panlilinlang ng INC. Isa na dito ang
 Catholic blogger na si Gregor Alfonsin C. Pondoyo:
“Bro
 Mars pwede po ba ako magrequest? Feature niyo po ang ginagamit nang mga
 Manolista na chapter sa libro na Faith of Our Fathers by Cardinal 
Gibbons tungkol sa pagsamba daw natin sa mga imahe... Gusto ko po sana 
ipamukha sa kanila ang buong chapter kasi pinutol-putol nila eh para 
palabasing sumasamba daw tayo sa larawan.”[1]
The Faith of Our Fathers by James Cardinal Gibbons
            Hindi lingid sa atin ang isa na namang panggogoyo ng INC gamit ang aklat ni James Cardinal Gibbons na The Faith of Our Fathers (Ang Pananampalataya ng Ating Mga Ninuno). Inilalako
 ng mga sinungaling na ministro ng INC na inaamin diumano ni Cardinal 
Gibbons na sumasamba ang mga Katoliko sa larawan. Ang sinisipi nila na 
bahagi ng Ang Pananampalataya ng Ating Mga Ninuno:
            “Sa ganitong kahulugan, sa pagkakaalam ko, bumabanggit ang mga manunulat na escolastico hinggil sa gayon ding pagsambang iniuukol sa mga larawan ni Kristo na parang kay Kristong Panginoon natin na rin; sapagkat ang gawang kung tawagin ay pagsamba sa isang larawan na parang sa harap ni Kristo na rin, na para bagang Siya’y kaharap, at naangat an gating isip sa pagbubulaybulay sa Kanya.”
Gaya
 ng nakagawian na ng INC na sanay na sanay magsinungaling, ipinalalagay 
nila na ang mga salitang nabanggit ay ayon kay James Cardinal Gibbons. 
Hinablot nila labas sa konteksto. Talagang illiterate o hindi marunong 
magbasa at umintindi ang mga INC. Ang mga salitang nabanggit ay hindi 
kanya kundi sa isang Protestanteng teologo na kanyang sinipi. Ito po ang
 kabuuan ng pagkasipi ni Cardinal Gibbons na pinutol-putol ng Iglesia ni
 Cristo upang pilit na palabasin na iniaaral ng Cardinal ang pagsamba sa
 mga larawan:
Pahina
 200-201 na kung saan hinablot ng mga INC ang sinabi ng Protestanteng 
Leibtniz na hinalaw ni James Cardinal Gibbons at ibinibintang na inaamin
 daw ni Cardinal Gibbons na sumasamba ang mga Katoliko sa larawan
            [Umpisa ng halaw] “Alang-alang
 sa aking mga mangbabasang Protestante, ay akin ngayong hahalawin dito 
ang kanilang dakilang si Leibnitz tungkol sa paggalang na ipinapatungkol
 na iniuukol sa mga mahal na larawan. Sa kanyang Systema Theologicum, 
pah. 142, ay ganito ang kanyang sinasabi:
 “Bagaman nagsasalita tayo ukol sa paggalang na ipinatutungkol sa mga 
larawan, ito’y isa lamang paraan ng pagsasalita, na ang tunay na ibig 
sabihin ay iginagalang natin hindi ang walang malay na bagay na di 
maaaring makawatas sa gayong paggalang, kundi ang may larawan, ayon sa 
itinuturo ng Kapulungan ng Trento. Sa ganitong kahulugan, sa pagkakaalam ko, bumabanggit ang mga manunulat na escolastico hinggil sa gayon ding pagsambang iniuukol sa mga larawan ni Kristo na parang kay Kristong Panginoon natin na rin; sapagkat ang gawang kung tawagin ay pagsamba sa isang larawan na parang sa harap ni Kristo na rin, na para bagang Siya’y kaharap, at naangat an gating isip sa pagbubulaybulay sa Kanya. Mangyari
 pa, walang matinong tao, na sa ilalim ng gayong pagkakataon, na 
mag-aakalang manalangin ng ganito: ‘Ibigay mo sa akin, O larawan, ang 
aking hinihingi; sa iyo, O marmol o kahoy, ako ay magpapasalamat’; kundi
 ‘Ikaw, O Panginoon, ay sinasamba ko; sa Iyo’y ako’y nagpapasalamat at 
umaawit nang buong pagpupuri.’ Samakatuwid, yayamang walang iba pang 
pagsamba sa mga larawan na di nangangahulugan ng pagsamba sa kanilang 
inilalarawan, ay tunay na walang idolatria sa paggalang na inuukol sa 
pagsambit sa mga Mahal na Pangalan ng Diyos at ni Kristo: pagka’t sa 
kabila ng lahat, ang mga pangala’y wala kundi mga sagisag lamang, at 
maging sa gayong kalagaya’y may mababang uri kaysa mga larawan, 
sapagka’t di maanong malinaw ang kanilang pangkatawan sa mga 
kinauukulan. Kung kaya’t kung mayroong suliranin hinggil sa 
pagbibigay-galang sa mga larawan, ito’y dapat mawatasan na gaya ng 
sinasabing pagkarinig sa pangalan ni Hesus ay dapat magtiklop-tuhod ang 
sinoman, o, na pinagpala ang pangalan ng Panginoon, o luwalhatiin ang 
Kanyang Pangalan. Kaya nga, kung dapat ikatakot ang pagyukod sa harap ng
 isang larawanng nasa labas natin, gayon din naman ang pagsamba sa harap
 ng isang larawang nasa ating pag-iisip; sapagka’t ang larawang labas ay
 tumutupad lamang sa paghahayag doon sa nasa loob.” [Wakas ng halaw]
Pakiusap
 ng tagapagsalin sa mga mambabasa na maging maingat sa pag-unawa at 
magkaroon ng magandang kalooban. Sa pagmamali ng aklat ni Cardinal 
Gibbons, lumalabas na ang mga INC ay walang unawa at magandang kalooban
Tanong:
 Si James Cardinal Gibbons ba mismo ay nangangaral ng pagsamba sa 
larawan? Ano po ang turo ni Cardinal Gibbons? Pansinin po natin ang 
sinasabi ni Cardinal Gibbons sa itaas lamang ng kanyang halaw mula kay 
Leibnitz:
           
 “… Ang pagkakakilala ng mga Pagano sa isang idolo ay parang isang diyos
 na may sangkap na pagiisip at iba pang katangiang taglay ng Bathala. Sa
 gayo’y mga idolatria sila, o mga sumasamba sa larawan. Nalalaman ng mga
 Katolikong Kristiano na ang isang mahal na larawan ay walang pagiisip o
 kapangyarihang duminig at tumulong sa kanila. Wala silang ibinibigay sa mga larawan kundi ang kaukulang galang lamang – alalaong baga’y ang pagpipitagang iniuukol nila sa may-larawang nasa langit sa kanila ring pinatutungkulan doon …”
Pahina
 198-199. Pansinin po ninyo ang pahina 199 na kung saan binabanggit ni 
James Cardinal Gibbons ang doktrina ng Santa Iglesia Katolika hinggil sa
 mga larawan batay sa Kapulungan ng Trento
Sa pahina 199 ng Ang Pananampalataya ng Ating Mga Ninuno, ipinaliwanag ni James Cardinal Gibbons ang pananampalataya ng Iglesia Katolika tungkol sa larawan:
           
 “Ang doktrina ng ng Iglesia Katolika hinggil sa paggamit ng mga mahal 
na larawan ay maliwanag at buong-buong ipinahahayag ng Kapulungan sa 
Trento sa mga sumusunod na pangungusap: “ang mga larawan ni Kristo, at 
ang Kanyang Inang Birhen, at ng iba pang mga Banal, ay kinakailangan at 
dapat pamalagiin, laluna sa mga simbahan; at isang kaukulang galang at 
pagpipitagan ang dapat ibigay sa kanila; hindi sapagka’t 
sinasampalatayanang nag-aangkin sila ng anumang pagka-diyos o bisa na 
dahil ng pagpaparangal at paggalang sa kanila, o kaya’y upang sila’y 
dalanginan o kaya’y paglagakan sila ng anomang pagtitiwala, gaya ng 
ginawa noong una ng mga di binyagan, na nagsiasa sa mga idolo; kundi 
sapagka’t ang paggalang na sa kanila’y ibinibigay ay ipinatutungkol sa 
may-larawan kung kaya’t sa pamamagitan ng mga larawang ating hinahagkan 
at ating pinagpupugayan o niluluhuran, ay sinasamba natin si Kristo at 
iginagalang ang Kanyang mga Banal, na kinakatawan.” (Sess. xxv).
Makailang-ulit
 nap o nating napatunayan na hindi kapani-paniwala ang Iglesia ni Cristo
 kapag gumagamit ng mga aklat-Katoliko bilang mga referencia nila laban 
sa atin. Nakagawian na nilang manghablot ng mga salita na wala sa 
konteksto. Pilit na iginigiit nila na ang mga iyon ay ang mga aral 
nating mga Katoliko. Talagang desperado na ang mga INC at hindi nahihiya
 sa pagkalikot ng mga referencia at pagbabaliko ng katotohanan. Abot 
hanggang sukdulan ang kanilang panloloko, panlilinlang at panggogoyo sa 
kapwa. 
Tama na, sobra na, bistado na!
“Huwag
 kayong magsitiwala sa mga kabulaanang salita, na nangagsasabi, Ang 
templo ng Panginoon, ang templo ng Panginoon, ang templo ng Panginoon, 
ay ang mga ito” (Jer. 7:4)
 






 
No comments:
Post a Comment
Please make this blog clean. Please follow the instructions:
1. If you are an anonymous, please introduce your name and then your religion. Introducing your name is optional (for security purposes) except your religion, or sect/denominations where you belong.
2. Comments with foul/ vulgar words will not be published.
3. If you are going to ask questions/arguments, go ahead. Expect the reply of the admin of this blog for about two to three days.
4. If the admin didn't reply back to your arguments, it does not mean that he doesn't want to answer you. He might be busy, so he can't answer back. But he can answer your arguments, be patient.
That's all. God Bless.
Sincerely,
The admin