Showing posts with label Church in Rome. Show all posts
Showing posts with label Church in Rome. Show all posts

Thursday, May 9, 2013

Si San Pedro ba ay nakarating sa Rome? BY Lay-Person Scripturist


Nakarating ba si St. Peter sa Rome? Ito ang isa sa mga tanong ng mga kapatid nating tumutuligsa sa pananampalatayang katoliko para pabulaanan na si St. Peter ay ang unang Pope.
Ilang beses na po nating sinagot ang tanong na ito at ginagamit natin ang 1 Peter 5:13.

“The church in Babylon, also chosen, sends you greetings, as does Mark, my son.”
(1 Peter 5:13)
Marami ng sanggunian ang nagpapatotoo sa nauunang kasanayan na gamitin ang “Babylon” bilang kodigo para sa Roma.
Hayaan ninyo ako na banggitin ang ilan dito.
Napagkasunduan na ang Babylon sa Unang Aklat ni Pedro na ang “Babylon” ay isang sero para sa lungsod ng Roma.
Ang dakilang lungsod ng Mesopotamia ay wala na sa unang siglo. Si Diodorus ng Sicily (56-36 BCE) ay isinulat na, “ para sa mga palasyo at mga gusali, panahon na din ang nagdulot ng kanilang pagkasira; sa katunayan, ang Babylon ay isang maliit na bahagi at kaunti lamang ang nakatira. Karamihan sa lupa ay naisalin na para sa agrikultura.
“(2.9.9) Strabo, na namatay noong 19 CE, ay isinulat: “Ang malaking bahagi ng Babylon ay walang katao-tao na walang magkakamaling sabihin na ang malaking lungsod ay isang desyerto. Walang ibang simbahan maliban sa Roma ang puwedeng masabing ang huling hantungan ni Pedro.”(Geography 16.1.5)
The Sibylline Oracles (5.143-168; 5.434), the Apocalypse of Baruch (10:1-3; 11:1; 67:7), 4 Ezra (3:1, 28, 31), and Revelation (14:8; 16:19; 17:5; 18:2-21) ay tinatawag ang Roma na Babylon.
May dahilan na pagdugtungin ang imperyo ng Babylon at Roma. Ayon kay Norman Perrin, ang Roma ay tinatawag na Babylon sapagka’t ang mga puwersa nila katulad ng Babylon, sa higit na maagang panahon ay winasak ang templo at Herusalem.
(Jesus and the Language of the Kingdom, p. 58).
Matapos ang 70 CE ang Babylon ay ginamit na pangalan para sa Roma (cf. Rev. 14.8; 16.19; 17.5; 18.2, 20, 21), isang maliwang na hudyat para sa mga nagbabasa. Bilang karagdagan, ang tradisyon ng Petrine-Pauline tradition ay matatagpuan sa Roma (cf. 1 Clem. 5.4; IgnRom. 4.3) at ang pag-uugnayan sa pagitan ni 1 Pedro at 1 Clement ay hudyat na ang ulunlungsod ng buong mundo ay punto ng pinagmulan ni 1 Pedro.
(The History and Theology of the New Testament Writings, pp. 401-402)
Mga Karagdagang patotoo na ang “Babylon” sa 1 Pedro 5:13 ay ang “Roma”.
“Maaring ito ay kay Silvanus, ang taong sumulat sa naturang liham. Ang pagbanggit kay Mark at Babylon ay pinapayagan ang tungkol sa sulat ng komunidad ng mga Kristiyano sa Roma.” (The International Bible Commentary, Page 1813)
Ang “Babylon” sa Rev. 14:8, 16:19, 17:5; 18:2 at maari na din sa 1 Peter 5:13 ay nagsasabi na ang Roma ay ang lungsod ng Roma ay ang nagpakita ng paniniwala sa mga Kristiyano.
(Holman Concise Bible Dictionary, Babylon, History and Religion Of. Page 59)
“Babylon” ay isang kriptograma ng “Rome”
(The New Jerome Biblical Commentary, Page 908)

Saturday, July 21, 2012

Iglesia sa Roma ang sentro ng pananampalataya









May pangalang Roma ang Simbahang Katoliko ay sapagkat eto ang sentro ng pananampalataya matapos ilipat mula sa Jerusalem ayon sa hula ni Cristo:

Mat 21:43
Kaya nga sinasabi ko sa inyo, AALISIN SA INYO ANG KAHARIAN NG DIOS, AT IBIBIGAY SA ISANG BANSANG NAGKAKABUNGA.

At ang bansang tinutukoy ay ROMA:

Gawa 23:11
At nang sumunod na gabi ay lumapit sa kaniya ang Panginoon, at sinabi, Laksan mo ang iyong loob: SAPAGKA’T KUNG PAANO ANG PAGKAPATOTOO MO TUNGKOL SA AKIN SA JERUSALEM, AY KAILANGANG PATOTOHANAN MO RIN GAYON SA ROMA.

Sa Roma ililipat ang Kaharian ng Diyos. Yan ang dahilan kung kaya ang Roma ang naging sentro ng pananampalataya. Tsaka ang Iglesia sa Roma ang siyang DUDUROG SA ULO NI SATANAS patunay ng pagkakahirang dito ng Diyos:

Roma 16:20
AT SI SATANAS AY DUDURUGIN NG DIOS NG KAPAYAPAAN SA MADALING PANAHON SA ILALIM NG INYONG MGA PAA. Ang biyaya nawa ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo.