Showing posts with label Veneration. Show all posts
Showing posts with label Veneration. Show all posts

Saturday, July 28, 2012

SUMASAMBA BA ANG MGA KATOLIKO SA MGA IMAHEN?



These men venerate the Cross of our Saviour Jesus Christ by kneeling before the image


Balikan natin ang topic na ito: Sumasamba ba ang mga Katoliko sa mga imahen o rebulto???

Sa ikalawang pagpapaliwanag, tunghayan natin ang aklat ni Daniel sa Bibliya. (Daniel 2-3).

Ang sabi  sa talata 3:3-30

"1Si Nabucodonosor na hari ay gumawa ng isang larawang ginto na ang taas ay anim na pung siko, at ang luwang niyao'y anim na siko: kaniyang itinayo sa kapatagan ng Dura, sa lalawigan ng Babilonia. 2Nang magkagayo'y nagsugo si Nabucodonosor na hari upang pisanin ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, ang mga hukom, ang mga tagaingat-yaman, ang mga kasangguni, ang mga pinuno, at ang lahat na pinuno sa mga lalawigan upang magsiparoon sa pagtatalaga ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor na hari. 3Nang magkagayo'y ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, ang mga hukom, ang mga tagaingat-yaman, ang mga kasangguni, ang mga pinuno at lahat ng pinuno sa mga lalawigan, ay nagpisan sa pagtatalaga ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor na hari; at sila'y nagsitayo sa harap ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor. 4Nang magkagayo'y ang tagapagtanyag ay sumigaw ng malakas, Sa inyo'y iniuutos, Oh mga bayan, mga bansa, at mga wika, 5Na sa anomang oras na inyong marinig ang tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, ng gaita, at ng lahat na sarisaring panugtog, kayo'y mangagpatirapa at magsisamba sa larawang ginto na itinayo ni Nabucodonosor na hari; 6At sinoman na hindi magpatirapa at sumamba sa oras na yaon ay ihahagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas. 7Kaya't sa oras na yaon, pagkarinig ng buong bayan ng tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, at ng lahat na sarisaring panugtog, lahat na bayan, mga bansa, at mga wika, ay nangagpatirapa at nagsisamba sa larawang ginto na itinayo ni Nabucodonosor na hari.
8Dahil dito sa oras na yaon ay nagsilapit ang ilang taga Caldea, at nagsumbong laban sa mga Judio. 9Sila'y nagsisagot, at nangagsabi kay Nabucodonosor na hari, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man. 10Ikaw, Oh hari, nagpasiya, na bawa't tao na makarinig ng tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, ng gaita, at ng lahat na sarisaring panugtog, ay magpapatirapa, at sasamba sa larawang ginto. 11At sinomang hindi magpatirapa at sumamba, ihahagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas. 12May ilang Judio na iyong inihalal sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia na si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego; ang mga lalaking ito, Oh hari, ay hindi ka pinakundanganan: sila'y hindi nangaglilingkod sa iyong mga dios, ni nagsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo.
13Nang magkagayo'y sa poot at pusok ni Nabucodonosor, ay nagutos na dalhin si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego. Kanila ngang dinala ang mga lalaking ito sa harap ng hari. 14Si Nabucodonosor ay sumagot, at nagsabi sa kanila, Sinasadya nga ba ninyo, Oh Sadrach, Mesach, at Abed-nego, na kayo'y hindi mangaglilingkod sa aking dios, ni magsisisamba man sa larawang ginto na aking itinayo? 15Kung kayo nga'y magsihanda sa panahong inyong marinig ang tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, ng gaita, at ng lahat na sarisaring panugtog, na mangagpatirapa at magsisamba sa larawan na aking ginawa, mabuti: nguni't kung kayo'y hindi magsisamba, kayo'y ihahagis sa oras ding yaon sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas; at sinong dios ang magliligtas sa inyo sa aking kamay?
16Si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, ay nagsisagot, at nangagsabi sa hari, Oh Nabucodonosor, kami ay walang kailangan na magsisagot sa iyo sa bagay na ito. 17Narito, ang aming Dios na aming pinaglilingkuran ay makapagliligtas sa amin sa mabangis na hurnong nagniningas; at ililigtas niya kami sa iyong kamay, Oh hari. 18Nguni't kung hindi, talastasin mo, Oh hari, na hindi kami mangaglilingkod sa iyong mga dios, ni magsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo.
19Nang magkagayo'y napuspos ng kapusukan si Nabucodonosor, at ang anyo ng kaniyang mukha ay nagbago laban kay Sadrach, kay Mesach, at kay Abed-nego: kaya't siya'y nagsalita, at nagutos na kanilang paiinitin ang hurno ng makapito na higit kay sa dating pagiinit. 20At kaniyang inutusan ang ilang malakas na lalake na nangasa kaniyang hukbo na gapusin si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, at sila'y ihagis sa mabangis na hurnong nagniningas. 21Nang magkagayo'y ang mga lalaking ito'y tinalian na may mga suot, may tunika, at may balabal, at may kanilang ibang mga kasuutan, at sila'y inihagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas. 22Sapagka't ang utos ng hari ay madalian, at ang hurno ay totoong mainit, napatay ng liyab ng apoy ang mga lalaking yaon na nagsibuhat kay Sadrach, kay Mesach, at kay Abed-nego. 23At ang tatlong lalaking ito, si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, ay nagsibagsak na nagagapos sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas.
24Nang magkagayo'y si Nabucodonosor na hari ay nagtaka, at tumindig na madali: siya'y nagsalita at nagsabi sa kaniyang mga kasangguni, Di baga ang ating inihagis ay tatlong gapos na lalake sa gitna ng apoy? Sila'y nagsisagot, at nangagsabi sa hari, Totoo, Oh hari. 25Siya'y sumagot, at nagsabi, Narito, aking nakikita ay apat na lalake na hindi gapos na nagsisilakad sa gitna ng apoy, at sila'y walang paso; at ang anyo ng ikaapat ay kawangis ng isang anak ng mga dios. 26Nang magkagayo'y lumapit si Nabucodonosor sa bunganga ng mabangis na hurnong nagniningas: siya'y nagsalita, at nagsabi, Sadrach, Mesach, at Abed-nego, kayong mga lingkod ng Kataastaasang Dios, kayo'y magsilabas at magsiparito. Nang magkagayo'y si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, ay nagsilabas mula sa gitna ng apoy. 27At ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, at ang mga kasangguni ng hari na nangagkakapisan ay nakakita sa mga lalaking ito, na ang apoy ay hindi tumalab sa kanilang mga katawan, ni ang mga buhok man ng kanilang mga ulo ay nasunog, ni ang kanila mang mga suot ay nabago, ni nagamoy apoy man sila.
28Si Nabucodonosor ay nagsalita at nagsabi, Purihin ang Dios ni Sadrach, ni Mesach, at ni Abed-nego, na nagsugo ng kaniyang anghel, at nagligtas sa kaniyang mga lingkod na nagsitiwala sa kaniya, at binago ang salita ng hari, at ibinigay ang kanilang mga katawan, upang sila'y hindi maglingkod ni sumamba sa kanino mang dios, liban sa kanilang sariling Dios. 29Kaya't nagpapasiya ako, na bawa't bayan, bansa, at wika, na magsalita ng anomang kapulaan laban sa Dios ni Sadrach, ni Mesach, at ni Abed-nego, pagpuputolputulin, at ang kanilang mga bahay ay gagawing dumihan: sapagka't walang ibang dios na makapagliligtas ng ganitong paraan. 30Nang magkagayo'y pinaginhawa ng hari si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, sa lalawigan ng Babilonia."
----------------------------
Ang kwento tungkol sa  talatang 3:1-30 ng Daniel ukol sa pagsamba sa mga larawan ay hindi na saklaw ng doktrina ng Iglesia Katolika. Ang kwento kasi na ito ng hari na nagpatayo ng sarili niyang rebulto para sambahin ay hayagan nang kumokontra sa utos ng Diyos. Kailanman ay di sinamba ng mga Katoliko ang mga larawan, bagkus ay kung sino ang nagrerepresenta sa larawan (e.g. Jesus Christ)  at pagbibigay-galang sa mga pinapaging-banal ng simbahan (e.g. Mary and the other Saints)

Muli sa ikalawang pagkakataon ay aking sasabihin na WALANG MGA DOKUMENTO AT DOKTRINA ANG SIMBAHANG KATOLIKA NA SUMASAMBA ANG MGA KATOLIKO SA REBULTO. WALANG-WALA. Ang ating ginagawa ay Veneration o pagbibigay-galang lamang. 


MGA KATANUNGAN:
  • Porke lumuhod lang ba sa rebulto sumamba na?  
SAGOT: Hindi. Mayroong mga talata sa Bibliya na kapag lumuhod/nagpatirapa sa isang rebulto o kaban ay pagbibigay-galang. (Joshua 7:6, Daniel 2:46-48 atbp.)

Eto pa:
Genesis 19:1- Lot bowed own in the ground to venerate the two angels in Sodom.
Genesis 42:6- Joseph's brothers bow before Joseph with their faces on the ground.
Psalm 138:2- David bows down before God's holy temple.
Judith 14:7- Achior the Ammonite kneels before Judith, venerating her and praising God.


  • Ang salitang "pagsamba" ba ay pwede ring gamitin sa "pagbibigay-galang"?
SAGOT: Oo. Ayon na rin sa Catholic Encyclopedia, ang depinisyon ng salitang "worship" ay: 



“The word worship (Saxon weorthscipe, “honour”; from worth, meaning “value”, “dignity”, “price”, and the termination, ship; Latin cultus) in its most general sense is homage paid to a person or a thing. In this sense we may speak of hero-worship, worship of the emperor, of demons, of the angels, even of relics, and especially of the Cross. This article will deal with Christian worship according to the following definition: homage paid to God, to Jesus Christ, to His saints, to the beings or even to the objects which have a special relation to God.

There are several degrees of this worship:
  • if it is addressed directly to God, it is superior, absolute, supreme worship, or worship of adoration, or, according to the consecrated theological term, a worship of latria. This sovereign worship is due to God alone; addressed to a creature it would become idolatry.
  • When worship is addressed only indirectly to God, that is, when its object is the veneration ofmartyrs, of angels, or of saints, it is a subordinate worship dependent on the first, and relative, in so far as it honours the creatures of God for their peculiar relations with Him; it is designated by theologians as the worship of dulia, a term denoting servitude, and implying, when used to signify our worship of distinguished servants of God, that their service to Him is their title to our veneration (cf. Chollet, loc. cit., col. 2407, and BouquillonTractatus de virtute religionis, I,Bruges, 1880, 22 sq.).
  • As the Blessed Virgin has a separate and absolutely supereminent rank among the saints, the worship paid to her is called hyperdulia (for the meaning and history of these terms see Suicer,Thesaurus ecclesiasticus, 1728).
In accordance with these principles it will readily be understood that a certain worship may be offered even to inanimate objects, such as the relics of a martyr, the Cross of Christ, the Crown of Thorns, or even the statue or picture of a saint. There is here no confusion or danger of idolatry, for this worship is subordinate or dependent. The relic of the saint is venerated because of the link which unites it with the person who is adored or venerated; while the statue or picture is regarded as having a conventional relation to a person who has a right to our homage — as being a symbol which reminds us of that person…”
  


  • Ano naman ang basehan ng paggamit ng salitang "worship" sa "veneration"?
SAGOT:

"At sinabi ni David sa buong kapisanan, Ngayo'y purihin ninyo ang Panginoon ninyong Dios. At ang buong kapisanan ay pumuri sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang, at iniyukod ang kanilang mga ulo, atsumamba sa Panginoon, at sa hari."-(1 Cronica 29:20)




"Nang magkagayo'y ang haring Nabucodonosor ay nagpatirapa, at sumamba kay Daniel, at nagutos na sila'y maghandog ng alay at ng may masarap na amoy sa kaniya." (Daniel 2:46 ADB)
------------------------------
Ngayon, nung nagsiluhod ba ang mga tao at si Daniel ay ibig sabihin sumamba na sila sa Diyos? Hindi. Sapagkat sila ay nagbigay-galang lamang.


MABUHAY ANG SIMBAHANG KATOLIKA! 

Saturday, June 23, 2012

DO CATHOLICS WORSHIP GRAVEN IMAGES, SAINTS?






Basilica of  Black Nazarene (Quiapo Church) in Quiapo, Manila


First of all, NO CATHOLIC CHURCH DOCUMENTS tells that we are worshipping saints, adore them, etc.
The Catholics are venerating them. Veneration is biblically-based:

Genesis 19:1- Lot bowed own in the ground to venerate the two angels in Sodom.
Genesis 42:6- Joseph's brothers bow before Joseph with their faces on the ground.
Psalm 138:2- David bows down before God's holy temple.
Judith 14:7- Achior the Ammonite kneels before Judith, venerating her and praising God.

By he way, what is the meaning of the word "VENERATION"?

  • Veneration (Latin veneratio, Greek δουλεία, douleia), or veneration of saints, is a special act of honoring a saint: an angel, or a dead person who has been identified by a church committee as singular in the traditions of the religion. Philologically, to venerate derives from the Latin verb, venerare, meaning to regard with reverence and respect. (source: Wikipedia)
  • Veneration is to respect or awe inspired by the dignity, wisdom, dedication, or talent of a person  (source: Online Merriam-Webster Dictionary)
  • Veneration is to honor. Veneration is not to worship.

What is  the meaning of the word "worship"? Some non-Catholics misinterpret this word:

  • Worship is an act of religious devotion usually directed towards a deity. The word is derived from the Old English worthscipe, meaning worthiness or worth-ship — to give, at its simplest, worth to something.

    • According to Mark Miravalle the English word "worship" is equivocal, in that it has been used in Catholic writing, at any rate, to denote both adoration/latria and veneration/dulia, and in some cases even as a synonym for veneration as distinct from adoration:
    • Adoration, which is known as latria in classical theology, is the worship and homage that is rightly offered to God alone. It is the acknowledgement of excellence and perfection of an uncreated, divine person. It is the worship of the Creator that God alone deserves. Veneration, known as dulia in classical theology, is the honor due to the excellence of a created person. This refers to the excellence exhibited by the created being who likewise deserves recognition and honor. We see a general example of veneration in events like the awarding of academic awards for excellence in school, or the awarding of the Olympic medals for excellence in sports. There is nothing contrary to the proper adoration of God when we offer the appropriate honor and recognition that created persons deserve based on achievement in excellence. Here a further clarification should be made regarding the use of the term "worship" in relation to the categories of adoration and veneration. Some schools of theology use the term "worship" to introduce both adoration and veneration. They would distinguish between "worship of adoration" and "worship of veneration." The word "worship" (in the same way the theological term "cult" is traditionally used) in these classical definitions was not at all synonymous with adoration, but could be used to introduce either adoration or veneration. Hence Catholic writers will sometimes use the term "worship" not to indicate adoration, but only the worship of veneration given to Mary and the saints. (source: Wikipedia)

We kneel down to the saints to venerate them. Not to worship them.

Here is the official teaching of the Catholic Church regarding the veneration of Saints, martyrs.:

2129 The divine injunction included the prohibition of every representation of God by the hand of man. Deuteronomy explains: "Since you saw no form on the day that the Lord spoke to you at Horeb out of the midst of the fire, beware lest you act corruptly by making a graven image for yourselves, in the form of any figure. . . . "66 It is the absolutely transcendent God who revealed himself to Israel. "He is the all," but at the same time "he is greater than all his works."67 He is "the author of beauty."68
2130 Nevertheless, already in the Old Testament, God ordained or permitted the making of images that pointed symbolically toward salvation by the incarnate Word: so it was with the bronze serpent, the ark of the covenant, and the cherubim.69
2131 Basing itself on the mystery of the incarnate Word, the seventh ecumenical council at Nicaea (787) justified against the iconoclasts the veneration of icons - of Christ, but also of the Mother of God, the angels, and all the saints. By becoming incarnate, the Son of God introduced a new "economy" of images.
2132 The Christian veneration of images is not contrary to the first commandment which proscribes idols. Indeed, "the honor rendered to an image passes to its prototype," and "whoever venerates an image venerates the person portrayed in it."70 The honor paid to sacred images is a "respectful veneration," not the adoration due to God alone:

-------

We make graven images of our saints because we want to remember them. The graven images is like the photo of your beloved parents in your sala, the monument of Rizal, the monument of Andres Bonifacio, Monument of Ninoy and Cory Aquino, etc. These monuments were made to remember the person who represents their images/monuments.

The church teaching is not to worship the image alone but to venerate the person who represents the image.

We offer flowers to the saints because we remember them, not to worship them. If the offering of flowers is a kind of worship, it also literally means that the President of the Republic of the Philippines is worshipping Jose Rizal during his birthday, June 19?

Thursday, May 24, 2012

BABAENG INC, SINASAMBA ANG KABAONG NI MANALO

Sa larawang ito, makikita na humawak ang babaeng ito sa kabaong ni Erano Manalo.


SINASAMBA NG BABAENG NASA LARAWAN ANG BANGKAY NI ERAÑO MANALO DAHIL HINAHAWAKAN NIYA ANG KABAONG NITO. AYON NA RIN SA KANILA ANG PAGHIPO SA ISANG IMAHEN, O RELIKYA AY PAGSAMBA NA DAW DIUMANO.
GINAGAWA NG MGA KATOLIKO ANG PAGHIPO SA MGA LARAWAN BILANG PAGGALANG, (VENERATION) AT HINDI PAGSAMBA (WORSHIP).
IBIG SABIHIN, ANG BABAENG ITO AY SINAMBA ANG BANGKAY NI MANALO DAHIL HINIPO NIYA ITO. SILA NA DIN ANG GUMAGAWA NG KAMALIAN DAW DIUMANO NG MGA KATOLIKO. KAHIT WALA NAMAN PONG MALI SA GINAGAWA NATING PAGGALANG.

Sunday, May 20, 2012

PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO SA AKLAT NA "THE CATECHISM OF CHRISTIAN DOCTRINE" BY ATTY. MARWIL LLASOS

The Catechism of Christian Doctrine

PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA MGA LARAWAN PART III

            Isa sa matagal nang inilalakong kasinungalingan ng mga ministro ng Iglesia ng Iglesia ni Cristo (1914) ay ang paratang na sumasamba sa larawan ang mga Katoliko. Diumano’y aral ng Santa Iglesia Katolika ang sumamba sa larawan. Para patunayan ang paratang na iyan, gumagamit sila ng mga pekeng referencia. Isa na dito ang aklat na “Cathechism (sic)[1] of Christian Doctrine” na inilathala ng De La Salle College.

Orihinal na Catechism of Catholic Doctrine ng La Salle Bureau

            Sa video na pinamagatang “Kung Bakit ang IGLESIA NI CRISTO Walang Imahen o Rebulto”[2] na walang kagatol-gatol na ipinaskel sa aking Facebook wall ng isang panatikong Manalista na si ALLAN JOSE DIGIDI, ginamit na referencia ng ministro ni Manalo ang nasabing aklat. Ngunit pansinin po natin na sadyang hindi ipinakita ang aktuwal na pahina ng aklat na kung saan binabanggit diumano na ang mga Katoliko ay sumasamba sa mga larawan. Bagkus ang ipinapakita ng ministro ni Manalo sa TV screen ay ang kanilang sariling salin ng sinisiping referencia. Ano po kaya ang rason ng Iglesia ni Cristo sa pagtatago ng aktuwal na pahina ng nasabing aklat? Upang hindi mabisto ang panloloko ng kanilang mga ministro.

Tribuna ng kasinungalingan at pandaraya: Bakit hindi ipinapakita at binabasa ng ministro ang orihinal na pahina ng Inggles na Catechism of Christian Doctrine bagkus ay ang sarili nilang salin lamang?

            Katunayan, hindi rin po nila binabasa kung ano ang tunay na nakasaad sa pahina ng nasambit na aklat. Ang Catechism of Christian Doctrine po ay nasusulat sa wikang Inggles. Pero bakit po hindi nila ipinapakita sa video ang aktuwal na pahina na nasusulat sa wikang Inggles? Bakit hindi rin nila binabasa sa Inggles ang nasabing aklat? Ang binabasa po nila at ipinapakita sa TV screen ay ayon na sa sarili nilang pagkakaliwat sa Tagalog ng naturang referencia.

Hindi naman po siguro dahil sa hindi marunong mag-Inggles ang mga ministro ni Manalo? Kung gayon ano po ang dahilan? Upang patuloy na lokohin ang kanilang kapwa para mailigaw mula sa katotohanan tungo sa kasinungalingan at kapahamakan. Talaga naman pong napaka-desperado na ang mga ministro ng Iglesia ni Cristo. Tahasan ang kanilang pagsisinungaling at pagtatakip sa katotohanan. Pero walang lihim na hindi nabubunyag.

"Datapuwa't ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama, na mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya" (2 Tim. 3:13)

Halina’t tunghayan natin ang isa namang pagbubunyag sa balakyot na gawain ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo. Batay sa ating sariling referencia, halina’t suriin natin ang isa na namang panggogoyo ng mga ministro ni Manalo.

Ayon sa mga ministro ni Manalo, inaamin daw natin na tayo’y sumasamba sa larawan. Inihaharap nila ang Cathechism (sic) of Christian Doctrine na nagsasaad diumano, ayon sa kanilang pagkakaliwat sa Pilipino, ng ganito:

“Ang pagsamba ba sa mga santo ay ukol lamang sa kanilang katauhan?

Hindi, sumasaklaw din ito sa kanilang mga relikya at mga larawan.”


Ito ang ipinapakita sa TV screen ng Iglesia ni Cristo. Pansinin na sila mismo ang nagsalin nito sa Tagalog. Tapos sasabihin na ito daw ang ating aral batay sa Catechism of Christian Doctrine

Pansinin po ninyo na ginamit nila ang salitang pagsamba doon sa tanong. Tama po ba ang kanilang pagkakasalin? Ano po ba ang tunay na nasasaad sa orihinal na Inggles ng Catechism of Christian Doctrine[3]? Ganito po:

“Is the veneration of saints confined to their persons?

No; it extends also to their relics and images.”[4]

Ang salitang veneration sa orihinal na Inggles ay isinalin ng mga pulpol na ministro ng INC na pagsamba. Tama po ba ang pagkakasalin nila? Aba’y hindi po sapagkat ang veneration ay nangangahulugan lamang na paggalang at hindi “pagsamba.” Talagang ang kapal ng apog ng mga minsitro ng INC sa kanilang pag-gawa ng kahindik-hindik na kalapastanganang ito.


Pansinin na hindi ginamit ng Catechism of Christian Doctrine ang "worship" o "adoration" kundi "veneration" lamang. Kumakatha ng sariling kuwento ang mga Iglesia ni Cristo. Ang "pagsamba" ay bunga lamang ng kanilang malikot na imahinasyon

Mantakin po ninyo na sila-sila lang ang gumagawa ng kanilang salin at walang kahiya-hiya nilang minamali ang salin at sasabihing iyon daw ang aral nating mga Katoliko. Ang kakapal naman ng mukha ng mga ito. Gumagawa ng kanilang sariling multo.

Hindi pa po diyan nagtatapos ang kagarapalan ng INC. Ayon din daw sa Cathechism (sic) of Christian Doctrine na  sila mismo ang nagsalin sa Pilipino:


Pansinin na ginamit ng Iglesia ni Cristo ang salitang "sambahin." Sila mismo ang may gawa ng salin na iyan

“Dapat ba nating sambahin ang mga banal na larawan?

Dapat tayong magkaroon lalo na sa ating mga simbahan, ang mga larawan n gating Panginoon, tulad din ng Pinapalang Birhen at mga santo, at dapat natin silang bigyan ng kaukulang paggalang at pagsamba.”


Sa sagot tanong ang "honor" ay ginawa nilang "sambahin" ngunit sa sagot iniliwat nila "paggalang." Ano ba talaga, kuya? Pansinin din ang "veneration" ay isinalin nilang "pagsamba"

Tama po ba ang pagkasalin nilang ito? Pansinin po ninyo sa orihinal na Inggles ng Catechism of Christian Doctrine:

“Ought we to honor holy images?

We should have and keep, particularly in our churches, images of our Lord, as also of the Blessed Virgin and other saints, and we should pay them due honor and veneration.”[5]

Abot hanggang sukdulan po talaga ang kasinungalingan kung hindi man kabobohan ng mga ministro ng INC. Tingnan po ninyo. Sa tanong ang ginamit sa Inggles ay honor pero sadyang minali po nila ang kanilang salin at ginawang pagsamba. Pero doon po sa sagot ang honor at ginawa nilang “paggalang” at ang salitang veneration ay isinalin nila bilang pagsamba.” Napakalinaw na deception ito. Hindi nababagabag ang kanilang budhi sa tahasang pagmamali sa aral ng Iglesia Katolika. Buong-buo ang kanilang loob na magsinungaling. Palibhasa kasi manang-mana sa kanilang amang Diablo na sinungaling (Jn. 8:44) at tagapagsumbong sa mga kapatid (Apoc. 12:10). Mga kapatid, punong-puno po ng pagsisinungaling sa loob ng huwad na Iglesia ni Cristo. Palibhasa kung ano ang puno siya ang bunga. Ano po ang kahahantungan ng mga sinungaling? Mapapahamak at hindi maliligtas: “Nangasa labas ang … bawa’t nag-iibig at gumagawa ng kasinungalingan” (Apoc. 22:15).


Sa Catechism of Christian Doctrine nakalagay ay "honor holy images" sa tanong at sa sagot ay "pay them honor and veneration." Walang binanabanggit na "worship" o "adoration" ng mga banal na larawan. Saan kaya nahablot ng mga pulpol na ministro ni Manalo ang "sambahin"?

Minsan na naman po nating napatunayan na gawain talaga ng mga ministro ni Manalo ang makapangloko ng kapwa. Salamat sa Dios at nabuking na naman ang tiwali at likong gawaing ito ng mga nangagpapakunwaing ministro na pawang mga ministro naman pala ng nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan (2 Cor. 11:13-15).

 “Mga walang katutubong pag-ibig, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kaysa maibigin sa Dios; na may anyo ng kabanalan, datapuwat tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito” (2 Tim. 3:3-5).

"Kayo'y sa inyong amang Diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, spagkat walang katotohanan sa kanya. Pagka nagsasalita siya ng ganang kaniya; spagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito" (Juan 8:44)


[1] Sadyang mali po ang pagkabaybay ng Iglesia Ni Cristo sa titulo ng aklat na ito. Ang tamang baybay po ay “Catechism of Christian Doctrine.” 
[3] Catechism of Christian Doctrine (New York City: La Salle Bureau, 1945). 
[4] Ibid., p. 156.
[5] Ibid.

Friday, May 18, 2012

SAGOT SA INC MEMBER NA NANGGUGULO SA BLOG NI ATTY. MARWIL LLASOS





SAGUTIN PO NATIN ANG INC MEMBER NA NAGREPLY AT AYAW MANAHIMIK SA BLOG NI ATTY. MARWIL LLASOS, ITO PO ANG LINK: http://bromarwilnllasos.blogspot.com/2012/02/pambubuking-sa-panggogoyo-ng-iglesia-ni_04.html?showComment=1337065787353#c4555466726370348148
MAKIKITA PO ANG COMMENT NA ITO NI JAY EE SA COMMENTS.


jay ee said...


Kung pinag-aralan niyo po ang doktrina na sinasampalatayanan naming mga INC ng "bit by bit" bakit po tila wala pa po sa 10% ang alam ninyo sa tungkol sa INC.

Kung Iglesia Katolika po ang tunay na itinayo ni Cristo,
1.bakit wala po sa Biblia na Si Cristo ang nagtayo ng IK?
2. Bakit hindi po IK ang sinabi ni Apostol Pablo na tinubos ng dugo ni Cristo?
3.Pumayag po ba si Cristo na palitan ang itinayo niyang INC sa pangalang IK? kung pinalitan man po ito ni Ignatius hindi ba labag ito sa aral ng mga apostol na huwag hihigit sa nasusulat? (I cor. 4:6) ang isa sa nasusulat sa Biblia INC (Roma 16:16) at hindi IK.
4. Kung hindi niyo man po sinasamba ang mga rebulto at larawan e bakit niyo po niluluhuran? patungkol lang sabi niyo po, e sabi ng mga Apostol na huwag natin isipin na ang Diyos ay tulad ng ginto o ng pilak na inanyuan ng kabihasnan ng katalinohan ng tao, isipin pa lang po bawal na ayon sa mga apostol, ano pa kaya kung pinatutungkol lang, o linuluhuran, o di kaya sinasamba. Papaano mo po iyon ipapaliwanag ng may talata ng Biblia?
5. Di po ba ang tunay na relihiyon sumusunod sa mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia? e bakit po kayo kumakain ng mga pagkaing may dugo tulad po ng dinuguan at 1 day old kung ipinagbawal po ng Diyos na kumain ng dugo? ayon sa Leviticus 17:12, papaano niyo po yun sasagutin ng may talata sa Biblia?
6. Di ba naing Diyos si Cristo dahil sa ito ay naging opisyal na doktrina niyo noong 325 A.D. sa konsilyo ng Nicea? bakit po iyon ang naging aral niyo e di po ba sinabi na nga ng mga Apostol na tao si Cristo? (Gawa 2:22 MB) (I Timoteo 2:5) at sabi po ni Cristo siya ay tao (Juan 8:40) papaano niyo po sasagutin iyon?
7. Kung IK ang tunay e bakit po wala sa Bible ang sign of the cross? at kung meron man anong talata ng Bible? pano niyo po ipapaliwanag iyon? may talata po ba sa Biblia na ang mga Apostol nag sign of the cross? pano niyo po ipapaliwanag yun ng may talta sa Biblia?

Kaya nga po, walang sawa po kaming nag-aanyaya sa inyo na dumalo ng mga pamamahayag ng mga salita ng Diyos na nakasulat amang sa Biblia para masagot po ang inyong mga katanungan, ngayon po kami naman ang magtatanong, iyong nasa itaas, kaming mga INC sa Bible nakabatay at nagbabase kaya mas mabuti po na iyong 7 tanong ko sa taas mas mabuti po na sagutin niyo ng may mga talata para mapatunay po ninyo na ito nga po ay aral ng Panginoong Diyos. Patuloy po sana kayong makinig sa mga programa ng INC sa net25 at Gemtv. Hindi pa po nasasagot ni Fr. Abe ang tanong ko at ito nanamang 7 tanong sana po masagot niyo na ng malinaw, iyan po kasi ang mga hindi ko pa alam ang sagot tungkol sa inyo, at ito pa po pala
8. Saan po sa Biblia matatagpuan ang term na Trinidad. at patunayan na ito nga ay itinuro ng mga Apostol. Kaming mga INC po kasi sa Diyos, kay Cristo, sa mga propeta, mga Apostol, at sinugo lamang naniniwala ng mga sagot, kaya dapat nanggaling po sa kanila. at kung ang Trinidad man po ay hiwaga, patunayan din ninyo na sinabi nga ng mga apostol na ito ay hiwaga (word for word) sana po masagot niyo ng malinaw dahil ipinagtatangol niyo po ang IK at ipinipilit na ito ang tunay kaya dapat masagot ninyo lahat.

Maraming Salamat po, at ako po ay nagagalak sapagkat nagkakaroon po tayo ng mga ganitong akitbidad kung saan nagshashare tayo ng ating kanya kanyang paniniwala. God Bless po. April 16, 2012 2:00 AM 


 SAGOT:


 [Kung pinag-aralan niyo po ang doktrina na sinasampalatayanan naming mga INC ng "bit by bit" bakit po tila wala pa po sa 10% ang alam ninyo sa tungkol sa INC]

BAKIT DIN TILA NAGDUDUNONG-DUNUNGAN KA SA MGA ARAL NG IGLESIA KATOLIKA? 

 [Kung Iglesia Katolika po ang tunay na itinayo ni Cristo,
1.bakit wala po sa Biblia na Si Cristo ang nagtayo ng IK?]

ANONG WALA? ANO ITO?

MATTHEW 16:18-19

"At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit."

AT ANG "CATHOLIC CHURCH" AY NASA ORIGINAL GREEK LANGUAGE NG NEW TESTAMENT:

Acts 9:31 (Original Greek)
ē
the
μὲν
men
Then
οὖν
oun
so
ἐκκλησία
ekklēsia
church
καθ'
kath
throughout
ὅλης
olēs
all
τῆς
tēs
the
Ἰουδαίας
ioudaias
Judaea
καὶ
kai
and
Γαλιλαίας
galilaias
Galilee
καὶ
kai
and
Σαμαρείας
samareias
Samaria
εἶχεν
eichen
enjoyed
εἰρήνην
eirēnēn
peace
οἰκοδομουμένη
oikodomoumenē
built
καὶ
kai
and
πορευομένη
poreuomenē
going
τῷ

the
φόβῳ
phobō
fear
τοῦ
tou
the
κυρίου
kuriou
Lord
καὶ
kai
and
τῇ

the
παρακλήσει
paraklēsei
comfort
τοῦ
tou
the
ἁγίου
agiou
Holy
πνεύματος
pneumatos
Spirit
ἐπληθύνετο.
eplēthuneto


AYUN PALA OH. 
ἐκκλησία
ekklēsia
church
καθ'
kath
throughout
ὅλης
olēs
all


AT ANG MEANING NG CATHOLIC CHURCH AY: UNIVERSAL

The term "catholic", derived from the Greek word καθολικός (katholikos) which means "universal" or "general", was first used to describe the Church in the early 2nd century.The term katholikos is equivalent to καθόλου (katholou), a contraction of the phrase καθ' ὅλου (kath' holou) meaning "according to the whole". Thus the full name Catholic Church roughly means "universal" or "whole" church. SOURCE:WIKIPEDIA
[2. Bakit hindi po IK ang sinabi ni Apostol Pablo na tinubos ng dugo ni Cristo?]

BAKIT? SAAN BA SA BIBLIYA NA DAPAT TAWAGING "IGLESIA NI CRISTO" ANG IGLESIANG ITINATAG NI CRISTO? IBIGAY MO ANG TALATA.


[3. Pumayag po ba si Cristo na palitan ang itinayo niyang INC sa pangalang IK? kung pinalitan man po ito ni Ignatius hindi ba labag ito sa aral ng mga apostol na huwag hihigit sa nasusulat? (I cor. 4:6) ]
 ANONG PINALITAN NG IGNATIUS? SAAN SA MGA SINABI NI ST. IGNATIUS NA PINALITAN NIYA ANG PANGALAN NG IGLESIA?

The combination "the Catholic Church" (he katholike ekklesia) is found for the first time in the letter of St Ignatius, written about the year 110. The words run:"Wheresoever the bishop shall appear, there let the people be, even as where Jesus may be, there is the universal [katholike] Church." SOURCE:WIKIPEDIA

HINDI NAMAN SINABI NI ST. IGNATIUS NA "I CHANGED IT TO UNIVERSAL CHURCH."
[ang isa sa nasusulat sa Biblia INC (Roma 16:16) at hindi IK.]
NAPAKA-SHUNGA MO NAMAN. KANINO BA ANG SULAT NI SAN PABLO? DI BA SA MGA TAGA-ROMA?:

ROMA 1:7

"Sa lahat ninyong nangasa Roma, mga iniibig ng Dios, tinawag na mangagbanal: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo" 

HINDI NAMAN SINABI NI SAN PABLO NA "SA LAHAT NINYONG NANGASA PILIPINAS". HAHAHA. KAMI ANG TINUTUKOY SA ROMA 16:16 AT HINDI KAYO DAHIL NASA PILIPINAS LANG KAYO NABUO.


 [4. Kung hindi niyo man po sinasamba ang mga rebulto at larawan e bakit niyo po niluluhuran? patungkol lang sabi niyo po, e sabi ng mga Apostol na huwag natin isipin na ang Diyos ay tulad ng ginto o ng pilak na inanyuan ng kabihasnan ng katalinohan ng tao, isipin pa lang po bawal na ayon sa mga apostol, ano pa kaya kung pinatutungkol lang, o linuluhuran, o di kaya sinasamba. Papaano mo po iyon ipapaliwanag ng may talata ng Biblia?]

 AT SINONG MAY SABI SAYONG SUMASAMBA ANG MGA KATOLIKO SA REBULTO? HAKA-HAKA MO LANG YAN. OR IN SHORT, NAGHAHALLUCINATE KA. HAHAHA.

ITO ANG SABI NG KATESISMO NG IGLESIA KATOLIKA PATUNGKOL SA PAGGALANG SA MGA REBULTO:

IV. "YOU SHALL NOT MAKE FOR YOURSELF A GRAVEN IMAGE . . ."
2129 The divine injunction included the prohibition of every representation of God by the hand of man. Deuteronomy explains: "Since you saw no form on the day that the Lord spoke to you at Horeb out of the midst of the fire, beware lest you act corruptly by making a graven image for yourselves, in the form of any figure. . . . "66 It is the absolutely transcendent God who revealed himself to Israel. "He is the all," but at the same time "he is greater than all his works."67 He is "the author of beauty."68
2130 Nevertheless, already in the Old Testament, God ordained or permitted the making of images that pointed symbolically toward salvation by the incarnate Word: so it was with the bronze serpent, the ark of the covenant, and the cherubim.69
2131 Basing itself on the mystery of the incarnate Word, the seventh ecumenical council at Nicaea (787) justified against the iconoclasts the veneration of icons - of Christ, but also of the Mother of God, the angels, and all the saints. By becoming incarnate, the Son of God introduced a new "economy" of images.
2132 The Christian veneration of images is not contrary to the first commandment which proscribes idols. Indeed, "the honor rendered to an image passes to its prototype," and "whoever venerates an image venerates the person portrayed in it."70 The honor paid to sacred images is a "respectful veneration," not the adoration due to God alone:


AYAN OH. VENERATION ANG GINAGAWA NAMIN.

BASAHIN MO ITO:

JOSUE 7:6

"At hinapak ni Josue ang kaniyang mga suot, at nagpatirapa sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon hanggang sa kinahapunan, siya at ang mga matanda ng Israel; at sila'y nagsipagbuhos ng alabok sa kanilang ulo. At sinabi ni Josue, Ay, Oh Panginoong Dios, bakit mo pinatawid ang bayang ito sa Jordan, upang ibigay kami sa kamay ng mga Amorrheo, na ipalipol kami? nakatigil sana kaming masaya at nakatahan sa dakong yaon ng Jordan! Oh Panginoon, anong aking sasabihin pagkatapos na ang mga anak ng Israel ay makatalikod sa harap ng kanilang mga kaaway! Sapagka't mababalitaan ng mga Cananeo at ng lahat na nananahan sa lupain, at kami ay kukubkubin at ihihiwalay ang aming pangalan sa lupa: at ano ang iyong gagawin sa iyong dakilang pangalan?"

 NAGPATIRAPA SI JOSUE. IBIG SABIGIN, GINAGALANG NIYA ANG KABAN. GANYAN ANG GINAGAWA NG MGA KATOLIKO.



 [5. Di po ba ang tunay na relihiyon sumusunod sa mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia? e bakit po kayo kumakain ng mga pagkaing may dugo tulad po ng dinuguan at 1 day old kung ipinagbawal po ng Diyos na kumain ng dugo? ayon sa Leviticus 17:12, papaano niyo po yun sasagutin ng may talata sa Biblia?]

SINUSUNOD NAMIN ANG ARAL NG BIBLIYA.

BAKIT PINAG-IISA MO ANG DUGO SA DINUGUAN? ANG DINUGUAN AY TINIMPLAHAN, PINAKULUAN, NILUTO. BAKIT PINAG-IISA MO?

AT BINAGO NG DIYOS ANG BATAS SA PAGKAIN:

Act 10:11-16 At nakita niyang bukas ang langit, at may isang sisidlang bumababa, gaya ng isang malapad na kumot, na nakabitin sa apat na panulok na bumababa sa lupa: Na doo'y naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop na may apat na paa at ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit. At dumating sa kaniya ang isang tinig, Magtindig ka, Pedro; MAGPATAY KA AT KUMAIN. Datapuwa't sinabi ni Pedro, Hindi maaari, Panginoon; sapagka't kailan ma'y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal. At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi. At ito'y nangyaring makaitlo: at pagdaka'y binatak sa langit ang sisidlan.

 
  AT LAHAT NG NASA PALENGKE AY  PWEDE NG KAININ.

1 Cor 10:25-26 Lahat ng ipinagbibili sa pamilihan ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi; Sapagka't ang lupa ay sa Panginoon, at ang kabuuan ng naririto.


KUNWARI PA ANG IGLESIA NIYO. MASKI NAMAN ANG MANOK O BABOY NA NILULUTO NIYO AY HINDI 100% NA WALA NG DUGO PAGKALUTO.

 [6. Di ba naing Diyos si Cristo dahil sa ito ay naging opisyal na doktrina niyo noong 325 A.D. sa konsilyo ng Nicea? bakit po iyon ang naging aral niyo e di po ba sinabi na nga ng mga Apostol na tao si Cristo? (Gawa 2:22 MB) (I Timoteo 2:5) at sabi po ni Cristo siya ay tao (Juan 8:40) papaano niyo po sasagutin iyon?]


DIYOS  SI CRISTO NA NAGKATAWANG-TAO AYON NA RIN SA BILIYA:

JUAN 1:1
"Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios"
  
JUAN 1:14 

"At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan."

PHILIPPIANS 2:5-7

"Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman: Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,  Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: "

LETRA POR LETRA SINASABI NG BIBLIYA NA DIOS NA NAG-KATAWANG-TAO SI HESUCRISTO.

SAAN BA SI BIBLIYA SINABING TAO LANG SI CRISTO AT HINDI DIOS?

ATING USISAIN ANG BINIGAY MONG TALATA:

GAWA 2:22

"Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo;"

1 TIMOTHY 2:5

"Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,"

JUAN 8:40

"Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham."

WALA SA MGA BINIGAY MONG TALATA ANG NAGSABING TAO LAMANG SI CRISTO AT HINDI DIOS.


[ 7. Kung IK ang tunay e bakit po wala sa Bible ang sign of the cross? at kung meron man anong talata ng Bible? pano niyo po ipapaliwanag iyon? may talata po ba sa Biblia na ang mga Apostol nag sign of the cross? pano niyo po ipapaliwanag yun ng may talta sa Biblia?
]
 
Ezek 9:3-6 ‘Ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel ay tumaas sa mga KERUBIN na dating kinaroroonan patungo sa pintuan ng templo at tinawag ang taong nakasuot ng lino at sa kanyang tagiliran ay may hawak na sisidlan ng panulat. Sinabi sa kanya ng Panginoon, lumibot ka sa lunsod, lumibot ka sa Jerusalem at TATAKAN NG KRUS ang mga noo ng mga taong humihibik at umiiyak dala ng lahat ng kasuklam-suklam na bagay na ginagawa sa loob ng lunsod…Patayin ninyo ang matanda, binata, dalaga, bata at babae hanggang sa malipol ang lahat, subalit HUWAG NINYONG GALAWIN ANG SINO MANG MAY TATAK NA KRUS.’ [Ang Banal na Biblia-Abriol]

ANG TANDA SA KANANG KAMAY AT SA NOO NG ALAGAD NG DIOS AYON SA BIBLIYA:

Dt 6:8 At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo. 


AT PINALIWANAG NA NI ATTY. MARWIL LLASOS ANG TANDA NG KRUS:

Ang mga Katoliko at hindi ang mga INC ang nasasalamin sa binabanggit ni Apostol Pablo:

“Ang matibay na pinagsasaligan ng Diyos ay nananatili na may TATAK nito, nakikilala ng Panginoon ang mga kanya, at lumayo sa kalikuan ang bawa’t isa na SUMASAMBITLA ng PANGALAN ng Panginoon” (2 Tim. 2:19).

Sa talata, binabanggit ni Apostol Pablo ang tungkol sa TATAK na pinagkakakilanlan ng Panginoon ang mga kanya. Maliban sa TATAK ay binabanggit din ni Apostol Pablo tungkol sa PAGSAMBIT sa Pangalan ng Panginoon. Ano ang pangalan ng Panginoon? “…Pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo” (Mt. 28:19).

Alin sa mga relihiyon ang may PagtaTATAK habang SUMASAMBITLA ng PANGALAN ng  Panginoon? Mga Katoliko ang kinatuparan ng binabanggit ni Apostol Pablo sa pamamagitan ng PAGTATAK NG KRUS habang inuusal ang pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Ayun na rin sa talata, dito makikilala ng Dios ang mga kanya. Dito rin nakikilala ang mga Katoliko at hindi ang mga tampalasang kagaya ng INC.
[Kaya nga po, walang sawa po kaming nag-aanyaya sa inyo na dumalo ng mga pamamahayag ng mga salita ng Diyos na nakasulat amang sa Biblia para masagot po ang inyong mga katanungan, ngayon po kami naman ang magtatanong, iyong nasa itaas, kaming mga INC sa Bible nakabatay at nagbabase kaya mas mabuti po na iyong 7 tanong ko sa taas mas mabuti po na sagutin niyo ng may mga talata para mapatunay po ninyo na ito nga po ay aral ng Panginoong Diyos.]
AYAW NAMING DUMALO DAHIL HINDI BIBLICAL ARAL NINYO. NGAYON AY AKO NAMAN ANG MAGTATANONG:
1. SAAN SA BIBLIYA SINABING "IGLESIA NI CRISTO" ANG DAPAT PANGALAN NG IGLESIANG ITINATAG NI CRISTO?
2. SAAN SA BIBLIYA SINASABING SI FELIX MANALO NGA ANG IBONG MANDARAGIT NA BINABANGGIT NI ISAIAH?
3. SAAN SA BIBLIYA SINASABING HUWAG KUMAIN NG DINUGUAN?
4. SAAN SA BIBLIYA SINABING PATUSOK ANG DAPAT NASA ITAAS NG KAPILYA NINYO?
5. SAAN SA BIBLIYA SINABING IPAGDIWANG ANG FOUNDING ANNIVERSARY NG IGLESIANG TATAG DIUMANO NI CRISTO TUWING JULY 27?
6. SAAN SA BIBLIYA SINABING TAO LANG SI CRISTO AT HINDI DIOS?
7. SAAN SA BIBLIYA SINABING "MANALO" LANG ANG DAPAT MAMAHALA SA IGLESIA?


[Patuloy po sana kayong makinig sa mga programa ng INC sa net25 at Gemtv. Hindi pa po nasasagot ni Fr. Abe ang tanong ko at ito nanamang 7 tanong sana po masagot niyo na ng malinaw, iyan po kasi ang mga hindi ko pa alam ang sagot tungkol sa inyo, at ito pa po pala]
HINDI KAMI MAKIKINIG SA MGA PROGRAMA NINYO DAHIL PURO PANINIRA LANG ANG GINAGAWA NINYO SA AMIN.

 [8. Saan po sa Biblia matatagpuan ang term na Trinidad. at patunayan na ito nga ay itinuro ng mga Apostol. Kaming mga INC po kasi sa Diyos, kay Cristo, sa mga propeta, mga Apostol, at sinugo lamang naniniwala ng mga sagot, kaya dapat nanggaling po sa kanila. at kung ang Trinidad man po ay hiwaga, patunayan din ninyo na sinabi nga ng mga apostol na ito ay hiwaga (word for word) sana po masagot niyo ng malinaw dahil ipinagtatangol niyo po ang IK at ipinipilit na ito ang tunay kaya dapat masagot ninyo lahat.
]

SIRA KA BA? ANONG GUSTO MONG ITAWAG SA AMA, ANAK AT SA ESPIRITU SANTO? DUO? ANG TANGA MO NAMAN.

"TRINITY" AY TINAWAG NAMIN BILANG PANDOKTRINA. AT YAN AY ISA RIN SA PARTE NG CHURCH TEACHINGS. CHURCH TEACHINGS DIN KAYA MAY SALITANG "BIBLE", WHICH IS WALA SA BANAL NA KASULATAN. ANGAL KA? NGAYON DAHIL HUMABOL KA SA PANG-WALONG TANONG AY AKO NAMAN ANG MAGTATANONG:

8. SAAN SA BIBLIYA NA DAPAT "EXECUTIVE MINISTER" ANG ITAWAG SA NAMUMUNO SA IGLESIANG ITINATAG DIUMANO NI CRISTO?

[Maraming Salamat po, at ako po ay nagagalak sapagkat nagkakaroon po tayo ng mga ganitong akitbidad kung saan nagshashare tayo ng ating kanya kanyang paniniwala. God Bless po.]

MARAMING SALAMAT DIN AT NAWA AY MASAGOT MO DIN ANG TANONG KO. HEHEHE.