Showing posts with label Mother of God. Show all posts
Showing posts with label Mother of God. Show all posts

Saturday, September 8, 2012

HAPPY BIRTHDAY MOTHER MARY!




HAPPY BIRTHDAY TO THE MOTHER OF GOD. MAMA MARY'S BIRTHDAY IS TODAY, SEPTEMBER 8. AS WE BATTLE AGAINST THIS SATANIC RH BILL, INTERCEDE FOR US SO THAT  EVIL WILL NOT BECOME VICTORIOUS AGAINST THE CATHOLIC CHURCH.

PRAY FOR THE RH-BILL SUPPORTERS, ABORTIONISTS, CONDOMISTS. SHOW YOUR LOVE FOR THEM AND DO NOT LET THEM GO TO THE DARKNESS. YOU ARE THE QUEEN OF HEAVEN, THE VIRGIN OF ALL VIRGINS AND THE PUREST OF ALL. YOU ARE THE LADY OF ALL NATIONS AND ALL THE GENERATIONS CALLED YOU BLESSED. OUR MOTHER MARY, PRAY FOR US....

Hail Mary full of grace
The Lord is with you.
Blessed are you among women
And blessed is the fruit of your womb, Jesus.

Holy Mary Mother of God
Pray for us sinners.
Now and at the hour of our death. Amen.

Monday, August 20, 2012

SI MARIA, BILANG "INA NG DIOS"

Isa sa dogma ng Iglesia Katolika ang titulo nito para kay Maria na "Ina ng makapangyarihang Diyos" o "Ina ng Dios". Subalit, marami pa ring sekta-protestante ang naliligaw at tumutuligsa sa simbahan dahil hindi daw dapat tawaging "Ina ng Dios" si Maria sapagkat ang anak niyang si Jesucristo ay tao lang daw...

Hail Mary, Full of Grace

Sa mga nauna kong post dito sa aking blog ay napatunayan na nating si Cristo ay tunay na Dios (1 Juan 5:20), ang Salita ng Dios ( Juan 1:1) at ang Dios na nagkatawang-tao (Juan 1:14, Phil 2:5-8)... Atin namang busisiin ngayon kung bakit tinawag ng Iglesia Katolika na "Ina ng Dios" o sa Ingles, "Mother of God" ang ating Ina na si Maria.

Sa hula ng pagsilang ni Cristo sa Lumang Tipan ng Biblia, sinabi ni Isaias sa 7:14:

"Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel."

Nangyari nga ito at ito naman ang nakasaad sa Bagong Tipan (Mateo 1:21-23)

"At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan. At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios."

Ang ibig sabihin ng Emmanuel  ay sumasaatin o kasama natin ang Diyos.Sinabi rin sa Isaias na ang ipanganganak ng isang dalaga ay tatawaginhg Makapangyarihang Dios, Prinsipe ng Kapayapaan... (9:6)

"Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan."

  

Sino ba ang ipinanganak ni Maria? Ang ating Panginoon na si Hesucristo...


Ang tanong: Nang ipaglihi ba ni Maria si Cristo, si Cristo ay tao lang ba?

Hindi po, nang siya ay magkatawang-tao, na kay Hesucristo pa rin po ang pagka-Diyos (Colossas 2:9). Ginusto rin ng Dios Ama na manatili kay Cristo ang kapuspusan ng pagka-Dios ( Colossas 1:19).

Sa buod ng pagiging "Ina ng Dios" ni Maria, siya ay binigyan ng pagkakilala na ito sa kadahilanang ang kanyang ipinaglihi na si Hesus ay Dios na totoo at taong totoo.

Mga kapatid, ang dogmang ito na hindi pinaniniwalaan ng mga sekta-protestante ay matagal nang ipinagtibay ng Simbahang Katolika. Ipinagtibay ito noong 41 AD sa Konsilyo ng Efeso ( Council of Ephesus ). Kaya mga kapatid, wag tayong magpaligaw sa mga sektang nagsasabi na hindi Ina ng Diyos si Maria at Hindi daw Dios si Cristo sapagkat nahula na ito sa Banal na Kasulatan na ang mga tao at mangangaral na di naniniwalang Si Cristo ay Dios ay dapat tawaging mga mandaraya at Anti-Cristo.


MABUHAY ANG PINAGPALANG SI MARIA!
MABUHAY ANG IGLESIA KATOLIKA!