Thursday, May 24, 2012

DIOS BA O IDOLO?

GRABE KUNG ALAYAN NILA NG BULAKLAK SI ERAÑO MANALO


MAKIKITA NA DIN PO SA LARAWANG ITO NA SOBRA KUNG MAG-ALAY SILA NG BULAKLAK SA NAMAYAPA NILANG EXECUTIVE MINISTER. TINUTURING NA RIN PO TALAGA NILANG DIYOS ANG MGA MANALO.


STILL, ON CATHOLIC SIDE, PAGGALANG PA RIN PO ANG GINAGAWA NATING PAG-AALAY NG BULAKLAK.

BABAENG INC, SINASAMBA ANG KABAONG NI MANALO

Sa larawang ito, makikita na humawak ang babaeng ito sa kabaong ni Erano Manalo.


SINASAMBA NG BABAENG NASA LARAWAN ANG BANGKAY NI ERAÑO MANALO DAHIL HINAHAWAKAN NIYA ANG KABAONG NITO. AYON NA RIN SA KANILA ANG PAGHIPO SA ISANG IMAHEN, O RELIKYA AY PAGSAMBA NA DAW DIUMANO.
GINAGAWA NG MGA KATOLIKO ANG PAGHIPO SA MGA LARAWAN BILANG PAGGALANG, (VENERATION) AT HINDI PAGSAMBA (WORSHIP).
IBIG SABIHIN, ANG BABAENG ITO AY SINAMBA ANG BANGKAY NI MANALO DAHIL HINIPO NIYA ITO. SILA NA DIN ANG GUMAGAWA NG KAMALIAN DAW DIUMANO NG MGA KATOLIKO. KAHIT WALA NAMAN PONG MALI SA GINAGAWA NATING PAGGALANG.

PASUGO NG INC, UMAMING IGLESIA KATOLIKA ANG TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO

Pasugo March-April 1992 page 22






UMAAMIN NA PO ANG MISMONG "PASUGO" NG IGLESIA NI CRISTO NA ANG TUNAY NA IGLESIANG ITINATAG N CRISTO AY ANG IGLESIA KATOLIKA. BAKIT PA NILA SINASABING SILA ANG IGLESIANG TINATAG DAW NI CRISTO SAMANTALANG "TAO" LANG ANG NAGTATAG NG IGLESIA NILA? ANG HULING SUGO DAW NG DIYOS SA HULING ARAW NA SI FELIX YSAGUN MANALO. UMAAMIN NA PALA ANG PASUGO NILA EA.

"The Church of Christ during the time of the apostles became the Catholic Church of the bishops in the Second Century,.." -Pasugo March-April 1992 page 22

MGA BULAANG CRISTO, SUGO DAW NG DIYOS:

1. Joseph Smith- Propeta "daw" na nagpabalik ng Iglesiang tumalikod at nagtatag ng "Iglesia Ni Jesucristo ng mga Banal sa Huling Araw" o "Church of Jesus Christ of latter-day saints". Nagpakita "daw" sa kanya ang Diyos Ama at ang Panginoong Jesus at si Moroni na isulat ang isang aklat na ngayon ay tawag na "Ang Aklat ni Mormon: Isa pang Tipan ni Jesucristo". Sabi ni Joseph Smith, "Mas tama ang Aklat ni Mormon kaysa sa ibang libro" e di kasama na rin ang Biblia? Isang malaking pagsuway na yan sa Juan 10:35, Roma 15:4, 2 Timoteo 3:16-17!

2. Ellen Gould White- Propeta "daw" sa huling araw. Mayroon siyang tinatawag na "Spirit of Prophecy" at ang aklat na pinakamagatang, "The Great Controversy" na may halong panira sa IKAR (Iglesia Katolika Apostolika Romana) at sa ibang sektang Protestante. Tinuturo din nya na magnilay sa araw ng Sabbath na siyang ika-7 na araw at hindi sa unang araw ng sanlinggo tulad ng ginagawa ng mga unang Cristiano sa Gawa 20:7.

3. Felix Ysagun Manalo- anghel "daw" na tinutukoy ng Apocalipsis 7:2-3 subalit ang anghel ay ang espiritung isinugo ng Diyos upang tulungan ang magtatamo ng kaligtasan sa Hebreo 1:14. Siya "daw" ang ibong mandaragit sa Isaias 46:11 pero natupad ito kay Haring Cyrus ng Persia dahil siya ang "taong nagbuhat sa silangan" sa Isaias 41:2 at ang ibong mandaragit sa Isaias 46:11 ay manggagaling sa silangan. Siya rin "daw" ang Uod na Jacob sa Isaias 41:14 subalit ang bayang Israel ang Uod na tinutukoy ni Yahweh sa talatang ito at siya ang Uod sa Awit 22:6-7 subalit ito ang propesiya patungkol kay Jesus na natupad sa Mateo 27:41-44.

4. Eliseo Soriano- Sugo "daw" ng Diyos pero puro taliwas ang aral nya sa Biblia. Gaya na lang ng ihi ginagawang gamot, ang Diyos "daw" may pwet, at ang Diyos daw mayroon Siyang bagay na imposibleng gawin at yun ay ang magsinungaling sa Tito 1:2 pero kung titignan natin ang talata, ipinapahayag ni San Pablo ang sinlessness ng Diyos.

5. Apollo C. Quiboloy- Siya "daw" ang Hinirang na Anak ng Diyos sa huling araw. Pero kung titignan natin, ang Hinirang ng Diyos na Anak Niya ay si Jesus sa Awit 2:2. Hinirang si Jesus ng Diyos Ama sa Gawa 3:20 at Siya, na Verbong Diyos sa Juan 1:1 ang hahatol sa mga patay at sa mga buhay sa 2 Corinto 5:10. Ginagamit niya ang mga talatang nagpapatukoy sa Mesias para patunayang siya ang katuparan niyon.

6. Harold Camping- Isang pastor ng "FAMILY RADIO" na nagsabing gugunaw ang mundo at hindi nangyari gaya na lang ng isinalaysay nya na darating si Jesus sa Mayo 21, 2011 pero hindi nangyari. Sabi ng Biblia, ang Ama lamang ang nakakaalam ng Araw na yaon at ang Anak sa Mateo 24:36.

ANO ANG MASASABI NG BIBLIA UKOL SA MGA BULAANG SUGO, CRISTO, APOSTOL AT PROPETA?


"At ito ang palatandaan: kapag hindi nangyari o nagkatotoo ang sinabi ng propeta, yaon ay hindi nagmula kay Yahweh; sariling katha niya yaon. Huwag ninyo siya papansinin" (Deuteronomio 18:22)

"Sapagkat darating ang mga bulaang cristo at mga bulaang propeta at gagawa ng mga himala upang malinlang, kung maaari, pati na ang mga hinirang" (Mateo 24:24)

"At huwag patakhan! Sapagkat si Satanas ay maaari ring magkunwaring anghel ng kaliwanagan. Kaya't hindi kataka-taka kung ang mga lingkod niya'y magkukunwaring lingkod ng katuwiran. Ang kanilang kahihinatnan ay ayon lamang sa kanilang gawa" (2 Corinto 11:14-15)

Sunday, May 20, 2012

PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA TANDA NG KRUS BY ATTY. MARWIL LLASOS



            Nakagawian na ng mga ng Iglesia ni Cristo (1914) mula pa kay Felix Y. Manalo na gumamit ng mga lumang-lumang aklat-Katoliko bilang mga referencia. Ang akala ng mga ministrong ito ay hindi mabibisto ang kanilang pangloloko sa kapwa.

Sa kanilang Pandoktrina at Aklat Ng Mga Referencia, tatlo sa mga aklat-Katoliko na sinisipi upang makapanligaw ng kapwa ay ang Pasion Candaba ni Padre Aniceto de la Merced, Siya Ang Inyong Pakinggan ni Padre Enrique Demond, SVD at Pananmpalataya ng Ating Mga Ninuno ni Cardinal James Gibbons. Ang mga ito ay ginagamit nilang referencia para mapanindigan ang kanilang mga paratang sa Iglesia Katolika.

Ang Pasion Candaba ni Padre Aniceto de la Merced: Isa pa sa mga ipinang-uuto ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo

Sa kauulit-ulit ng kanilang mga maling paratang sa lahat ng kanilang pamamahayag at pangangaral, tiwalang-tiwala naman sa kanilang ministro ang miyembro ng Iglesia ni Cristo. Buong akala nila na nagsasabi ng katotohanan ang kanilang mga ministro. Ang hindi nila alam, patuloy silang ginogoyo at inililigaw ng mga bulaang mangangaral na ito.

Sapagkat nabilog na ng mga ministro ang kakapiranggot na kokote ng kanilang mga miyembro, may mga INC na buong yabang na nakikipagdiskusyon sa Internet. Ngunit kung gaano sila kayabang, ganoon din sila kaduwag. Sila ay nagkukubli sa mga alyas lamang. Tila baga ikinahihiya nilang malantad ang kanilang tunay na katauhan. Nahihiya sila sapagkat hindi nila mapanindigan ang mga palsong aral ng kanilang huwad na iglesia.

Kung ano ang pamamaraan ng mga ministro, parang mga unggoy naman kung gayahin ng mga miyembro. Kopyang-kopya ang mga argumento pati na ang mga referenciang binabanggit sa pandodoktrina at pangangaral ng mga ministrong mapagkunwari. Tila walang sariling pag-iisip ang mga miyembro ng INC na sunudsunuran lamang sa kanilang mga ministrong nanliligaw sa kanila. Akala ng mga ito ay hindi mabubuking ang maling pag-gamit nila ng mga referencia. Salamat sa Dios at hindi sa lahat ng panahon ay maikukubli ang katotohanan sa kadiliman.

The Splendor of the Church

Sa comments section ng pamosong blog ni Reb. Padre Abraham Arganiosa, CRS, nagkaroon ng pagkakataon ang inyong lingkod na sumagot sa mga kumakaaway sa Santa Iglesia Katolika. Isa sa mga paksa ng diskusyon ay tungkol sa pag-aantanda ng krus[1] ng mga Katoliko. Bagamat nasagot ko nap unto por punto ang mga paratang, minarapat ko na gumawa ng artikulo para sa ikababatid ng lahat at upang ibulgar ang mali-maling pag-gamit ng mga referencia ng mga tampalasang INC. Iisa-isahin ko ang mga pangunahing paratang ng mga INC tungkol sa pag-aantanda o tatak ng krus.

Ang aktuwal na sipi mula sa mga paratang ng INC ay nasa pula samantalang ang aking sagot naman ay nasa itim.

Ayon sa isang duwag na INCDefender (naturingang tagapagtanggol pero ayaw makipaglaban ng harapan):

“Father ng mga Katoliko, di pekeng quotation ang inilahad diyan, genuine Catholic book ang:  “Siya ang inyong pakinggan" "Ang aral na katoliko" by: Enrique Demond, p.11." Punong-puno kayo ng kasinungalingan talaga. Tanggapin nyo ang katotohanan, Trinity, Pag-antanda, Pagsamba sa Rebulto at marami pang iba ay di utos sa bibliya bagkus ito ang mga tanda ng mga Anti-Cristo! Malinaw na sinabi jan na wala sa Biblia ang Pag-antanda, kinakalaban nyo ang sarili nyong aklat. Pity.... Hangga't may oras pa tanggapin nyo ang katotohanan at umalis na kayo sa bulaang relihiyon nyo.”

 Tunghayan po natin ang pahina 11 ng Siya Ang Inyong Pakinggan ni Padre Enrique Demond, SVD kung mababasa ang paratang nitong sinungaling na INCDefender. Mga giliw naming mambabasa, kayo na po ang bahalang humusga kung nasusulat nga sa pahina 11 ng nasabing aklat na binabanggit diumano ng may-akda na ang Trinity, pag-aantanda, pagsamba[2] (sic) sa rebulto at marami pang iba ay di utos ng Biblia bagkus ay ang mga tanda ng mga Anti-Cristo. Tahasan po talaga kung magsinungaling ang mga miyembro ng INC. Manang-mana sa kanilang amang Diablo (Jn. 8:44). Malinaw din po na hindi marunong magbasa ang mga illiterate na ito!

Pansinin po ninyo sa pahina 11 ng Siya Ang Inyong Pakinggan ni Padre Enrique Demond, SVD na wala ang mga ipinaparatang ng Iglesia ni Cristo

Ang buong akala kasi ng nagpapakilalang INCDefender ay wala kaming kopya ng aklat na Siya Ang Inyong Pakinggan ni Padre Enrique Demond, SVD. Sapagkat nabutata ang INCDefender na ito at napatunayan nating hindi nakasulat sa pahina 11 ng nasabing aklat ang mga binabanggit niya, imbes na humingi ng paumanhin ay walanghiyang bumaling sa ibang aklat at gumamit ng ibang pangalan. Ngayon naman nagtatago na naman siya sa tawag na TruthShallSetYouFree. Ano ang palusot ng sinungaling at tampalasang INC na ito?

“Banggit kayo ng banggit ng pahina 11, sa edisyon ng librong hawak nyo wala nga yan sa pahina 11, pero nasa ibang pahina ayaw nyo lang buksan ang katotohanan. Mga kaawa-awang nilalang!!”

Pansinin po ninyo kung gaano katarantado ang pamamaraan ng pakikipag-diskusyon ng INC na ito. Inamin din na wala sa pahina 11 at nasa ibang pahina daw. Saang pahina aber? Walang maibigay na pahina ng Siya Ang Inyong Pakinggan. Paano makapagbibigay ng pahina eh wala naman siyang kopya ng nasabing aklat. Namumulot lamang sa mga tingi-tinging sipi mula sa mga mapanlinlang na ministro. Kaawa-awa at kaaba-abang mga nilalang ang INC. Mga nagoyo ng mga ministro nilang mapagkunwari!

Ang INC nga naman. Buking na nagpapalusot pa. Nung nasukol sa unang referenciang ginamit, parang palos na nagpalusot pero lalong nagusot:

“Sigurado ako na wala kang kopya ng aklat na ito sapagkat wala sa pahina 11 ng nasabing aklat ang mga ipinaparatang mo”

Ito oh: Malinaw nasa pahina 21 na sinasabing wala sa Bibliya ang pag-aantanda: "we form on our foreheads the sign of the cross. These practices are not commanded by a formal law of SCRIPTURE; but tradition teaches them...”

Siya ang Inyong Pakinggan ni Padre Enrique Demond, SVD: Isa sa mga paboritong referencia ng INC para ilako ang kanilang mga paratang laban sa mga Katoliko

Nasa pahina daw ng Siya Ang Inyong Pakinggan samantalang ang ibinibigay niyang sipi ay mula sa The Faith of Our Fathers ni James Cardinal Gibbons. Ang miyembro ng INC na nauto ng ministro ay nang-uuto din. Kung ano nga ang puno siya rin ang bunga. Talagang iisa ang likaw ng bituka ng mga Manalistang ito.

Buong akala na naman ng sinungaling na si TruthShallSetYouFree ay wala kaming kopya ng The Faith of Our Fathers ni Cardinal James Gibbons. Sinasabi daw dun sa pahina 21 na “wala sa Biblia ang pag-aantanda.” Illiterate nga itong INC na ito. Hindi marunong bumasa (kung may kopya nga siya ng libro at hindi namumulot lamang sa pira-pirasong sipi ng kanyang ministrong manloloko). Una, wala sa pahina 21 ng The Faith of Our Fathers ang tungkol sa pag-aantanda ng krus. Pangalawa, walang binabanggit doon na “wala sa Biblia ang pag-aantanda.” Talagang salat na salat sa unawa ang mga INC na ito na nagoyo ng kanilang mga ugok na ministro. Pangatlo, hindi si Cardinal James Gibbons ang nagbanggit ng “These practices are not commanded by a formal law of scripture; but tradition teaches them, custom confirms them, faith observes them”[3] kundi ang sinaunang Kristiyano na si Tertullian. Kasama ang mga nasabing kataga sa patotoo ni Tertullian na “In all our actions, when we come in, when we dress, when we wash, at our meals, before retiring to sleep, … we form on our heads the sign of the cross.” Talaga ngang hindi marunong magbasa ang mga INC na ito. Hindi nila tinitingnan na nasa quotation marks ang mga salita ni Tertullian na nagpapatotoo na ang mga sinaunang Kristiyano ay may pagtatatak na ng krus. Nakalagay din sa footnote 9 ang pinagsipian ni Cardinal Gibbons mula sa panulat ni Tertullian na De Corona, C. iii. Kaawa-awa ang mga mangmang at nabubulagang INC!

Pansinin po ninyo na walang binabanggit si James Cardinal Gibbons na wala sa Biblia ang pag-aantanda

Sinabi ba ni Cardinal James Gibbons na wala sa Biblia ang pag-aantanda? Hindi po at walang-wala kang mababasa sa kaniyang aklat na sinasabi niya iyon. Bunga lamang ng ilusyon ng mga INC na hindi marunong magbasa. Hindi ni minsan sinabi ni Cardinal Gibbons na wala sa Biblia ang pag-aantanda gaya ng desperado at pilit na pinalalabas ng INC. Sa katunayan, nagbigay siya ng pinagbabatayan sa Biblia kung bakit ang mga Katoliko ay may pag-aantanda ng krus:

“The Cross is held in the highest reverence by Catholics, because it was the instrument of our Savior’s crucifixion. It surmounts our churches and adorns our sanctuaries. We venerate it as the emblem of our salvation. “Far be it from me,” says the Apostle, “to glory save in the cross of our Lord Jesus Christ” (citing Gal. 6:14 in footnote 8). [Faith of Our Fathers, p. 2]


Ang Pananampalataya ng Ating Mga Ninuno: Tagalog na salin ng The Faith of Our Fathers ni James Cardinal Gibbons

May biblical na pinagbabatayan si James Cardinal Gibbons taliwas sa palsong pag-aangkin ng INC. Ang mga biblical na batayan ng tanda ng krus ay mas mapapalawig pa sa mga susunod na yugto ng pagbubunyag na ito. Pansamantala, napatunayan na naman natin ang nakakarimarim at kagilagilalas na pagsisinungaling ng huwad  na Iglesia ni Cristo.

Ang mga paratang ng Iglesia ni Kristo laban sa Iglesia Katolika ay pawang mga katha at guni-guni lamang kaparis ng kuwentong ito na bumuhay (daw) ng patay si Felix Manalo. Saan ang dokumento na magpapatunay na may patay na binuhay si Felix Manalo?

PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA LARAWAN GAMIT ANG LIBRONG "PANANAMPALATAYA NG ATING MGA NINUNO" BY ATTY. MARWIL LLASOS


Ang Pananampalataya Ng Ating Mga Ninuno ni James Cardinal Gibbons

PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA LARAWAN PART IV

            Dahil sa pambubuking ng blog na ito sa mga tiwaling gawain ng Iglesia ni Cristo (1914) sa pag-gamit ng mga aklat-Katoliko na sadyang minamali ng mg ministro ng INC upang makapandaya ng kapwa, may mga tagapagtanggol ng pananampalatayang Katoliko ang nagpapasalamat sa pambibisto ng panggogoyo ng INC. Ang ilan sa kanila ay humingi ng tulong upang mas mapalawig pa ang pagbubunyag sa mga panlilinlang ng INC. Isa na dito ang Catholic blogger na si Gregor Alfonsin C. Pondoyo:

“Bro Mars pwede po ba ako magrequest? Feature niyo po ang ginagamit nang mga Manolista na chapter sa libro na Faith of Our Fathers by Cardinal Gibbons tungkol sa pagsamba daw natin sa mga imahe... Gusto ko po sana ipamukha sa kanila ang buong chapter kasi pinutol-putol nila eh para palabasing sumasamba daw tayo sa larawan.”[1]

The Faith of Our Fathers by James Cardinal Gibbons

            Hindi lingid sa atin ang isa na namang panggogoyo ng INC gamit ang aklat ni James Cardinal Gibbons na The Faith of Our Fathers (Ang Pananampalataya ng Ating Mga Ninuno). Inilalako ng mga sinungaling na ministro ng INC na inaamin diumano ni Cardinal Gibbons na sumasamba ang mga Katoliko sa larawan. Ang sinisipi nila na bahagi ng Ang Pananampalataya ng Ating Mga Ninuno:

            “Sa ganitong kahulugan, sa pagkakaalam ko, bumabanggit ang mga manunulat na escolastico hinggil sa gayon ding pagsambang iniuukol sa mga larawan ni Kristo na parang kay Kristong Panginoon natin na rin; sapagkat ang gawang kung tawagin ay pagsamba sa isang larawan na parang sa harap ni Kristo na rin, na para bagang Siya’y kaharap, at naangat an gating isip sa pagbubulaybulay sa Kanya.”

Gaya ng nakagawian na ng INC na sanay na sanay magsinungaling, ipinalalagay nila na ang mga salitang nabanggit ay ayon kay James Cardinal Gibbons. Hinablot nila labas sa konteksto. Talagang illiterate o hindi marunong magbasa at umintindi ang mga INC. Ang mga salitang nabanggit ay hindi kanya kundi sa isang Protestanteng teologo na kanyang sinipi. Ito po ang kabuuan ng pagkasipi ni Cardinal Gibbons na pinutol-putol ng Iglesia ni Cristo upang pilit na palabasin na iniaaral ng Cardinal ang pagsamba sa mga larawan:

Pahina 200-201 na kung saan hinablot ng mga INC ang sinabi ng Protestanteng Leibtniz na hinalaw ni James Cardinal Gibbons at ibinibintang na inaamin daw ni Cardinal Gibbons na sumasamba ang mga Katoliko sa larawan

            [Umpisa ng halaw] “Alang-alang sa aking mga mangbabasang Protestante, ay akin ngayong hahalawin dito ang kanilang dakilang si Leibnitz tungkol sa paggalang na ipinapatungkol na iniuukol sa mga mahal na larawan. Sa kanyang Systema Theologicum, pah. 142, ay ganito ang kanyang sinasabi: “Bagaman nagsasalita tayo ukol sa paggalang na ipinatutungkol sa mga larawan, ito’y isa lamang paraan ng pagsasalita, na ang tunay na ibig sabihin ay iginagalang natin hindi ang walang malay na bagay na di maaaring makawatas sa gayong paggalang, kundi ang may larawan, ayon sa itinuturo ng Kapulungan ng Trento. Sa ganitong kahulugan, sa pagkakaalam ko, bumabanggit ang mga manunulat na escolastico hinggil sa gayon ding pagsambang iniuukol sa mga larawan ni Kristo na parang kay Kristong Panginoon natin na rin; sapagkat ang gawang kung tawagin ay pagsamba sa isang larawan na parang sa harap ni Kristo na rin, na para bagang Siya’y kaharap, at naangat an gating isip sa pagbubulaybulay sa Kanya. Mangyari pa, walang matinong tao, na sa ilalim ng gayong pagkakataon, na mag-aakalang manalangin ng ganito: ‘Ibigay mo sa akin, O larawan, ang aking hinihingi; sa iyo, O marmol o kahoy, ako ay magpapasalamat’; kundi ‘Ikaw, O Panginoon, ay sinasamba ko; sa Iyo’y ako’y nagpapasalamat at umaawit nang buong pagpupuri.’ Samakatuwid, yayamang walang iba pang pagsamba sa mga larawan na di nangangahulugan ng pagsamba sa kanilang inilalarawan, ay tunay na walang idolatria sa paggalang na inuukol sa pagsambit sa mga Mahal na Pangalan ng Diyos at ni Kristo: pagka’t sa kabila ng lahat, ang mga pangala’y wala kundi mga sagisag lamang, at maging sa gayong kalagaya’y may mababang uri kaysa mga larawan, sapagka’t di maanong malinaw ang kanilang pangkatawan sa mga kinauukulan. Kung kaya’t kung mayroong suliranin hinggil sa pagbibigay-galang sa mga larawan, ito’y dapat mawatasan na gaya ng sinasabing pagkarinig sa pangalan ni Hesus ay dapat magtiklop-tuhod ang sinoman, o, na pinagpala ang pangalan ng Panginoon, o luwalhatiin ang Kanyang Pangalan. Kaya nga, kung dapat ikatakot ang pagyukod sa harap ng isang larawanng nasa labas natin, gayon din naman ang pagsamba sa harap ng isang larawang nasa ating pag-iisip; sapagka’t ang larawang labas ay tumutupad lamang sa paghahayag doon sa nasa loob.” [Wakas ng halaw]

Pakiusap ng tagapagsalin sa mga mambabasa na maging maingat sa pag-unawa at magkaroon ng magandang kalooban. Sa pagmamali ng aklat ni Cardinal Gibbons, lumalabas na ang mga INC ay walang unawa at magandang kalooban

Tanong: Si James Cardinal Gibbons ba mismo ay nangangaral ng pagsamba sa larawan? Ano po ang turo ni Cardinal Gibbons? Pansinin po natin ang sinasabi ni Cardinal Gibbons sa itaas lamang ng kanyang halaw mula kay Leibnitz:

            “… Ang pagkakakilala ng mga Pagano sa isang idolo ay parang isang diyos na may sangkap na pagiisip at iba pang katangiang taglay ng Bathala. Sa gayo’y mga idolatria sila, o mga sumasamba sa larawan. Nalalaman ng mga Katolikong Kristiano na ang isang mahal na larawan ay walang pagiisip o kapangyarihang duminig at tumulong sa kanila. Wala silang ibinibigay sa mga larawan kundi ang kaukulang galang lamang – alalaong baga’y ang pagpipitagang iniuukol nila sa may-larawang nasa langit sa kanila ring pinatutungkulan doon …”

Pahina 198-199. Pansinin po ninyo ang pahina 199 na kung saan binabanggit ni James Cardinal Gibbons ang doktrina ng Santa Iglesia Katolika hinggil sa mga larawan batay sa Kapulungan ng Trento

Sa pahina 199 ng Ang Pananampalataya ng Ating Mga Ninuno, ipinaliwanag ni James Cardinal Gibbons ang pananampalataya ng Iglesia Katolika tungkol sa larawan:

            “Ang doktrina ng ng Iglesia Katolika hinggil sa paggamit ng mga mahal na larawan ay maliwanag at buong-buong ipinahahayag ng Kapulungan sa Trento sa mga sumusunod na pangungusap: “ang mga larawan ni Kristo, at ang Kanyang Inang Birhen, at ng iba pang mga Banal, ay kinakailangan at dapat pamalagiin, laluna sa mga simbahan; at isang kaukulang galang at pagpipitagan ang dapat ibigay sa kanila; hindi sapagka’t sinasampalatayanang nag-aangkin sila ng anumang pagka-diyos o bisa na dahil ng pagpaparangal at paggalang sa kanila, o kaya’y upang sila’y dalanginan o kaya’y paglagakan sila ng anomang pagtitiwala, gaya ng ginawa noong una ng mga di binyagan, na nagsiasa sa mga idolo; kundi sapagka’t ang paggalang na sa kanila’y ibinibigay ay ipinatutungkol sa may-larawan kung kaya’t sa pamamagitan ng mga larawang ating hinahagkan at ating pinagpupugayan o niluluhuran, ay sinasamba natin si Kristo at iginagalang ang Kanyang mga Banal, na kinakatawan.” (Sess. xxv).

Makailang-ulit nap o nating napatunayan na hindi kapani-paniwala ang Iglesia ni Cristo kapag gumagamit ng mga aklat-Katoliko bilang mga referencia nila laban sa atin. Nakagawian na nilang manghablot ng mga salita na wala sa konteksto. Pilit na iginigiit nila na ang mga iyon ay ang mga aral nating mga Katoliko. Talagang desperado na ang mga INC at hindi nahihiya sa pagkalikot ng mga referencia at pagbabaliko ng katotohanan. Abot hanggang sukdulan ang kanilang panloloko, panlilinlang at panggogoyo sa kapwa.

Tama na, sobra na, bistado na!

“Huwag kayong magsitiwala sa mga kabulaanang salita, na nangagsasabi, Ang templo ng Panginoon, ang templo ng Panginoon, ang templo ng Panginoon, ay ang mga ito” (Jer. 7:4)

PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA TANDA NG KRUS GAMIT ANG "PASION CANDABA"



            Supalpal ang Iglesia ni Cristo (1914) sa pag-gamit ng Pasion Candaba ni Padre Aniceto de la Merced sa pagsasabing kampon ng Anti-Cristo ang pag-aantanda ng krus. Walang binabanggit sa Pasion Candaba na ang nag-aantanda ng krus ay kampon ng Anti-Cristo.[1] Hindi nila kailanman mapapanindigan ang pamamaratang nilang ito.

            Ang hunyangong INC na si Jeremy Reyes ay talamak na nauto ng kanyang mga ministro. Parang unggoy na kopyang-kopya ang istilo ng mga ministro ni Manalo. Isa na dito ang pag-gamit ng mga putol-putol na referencia. Matapos pagputol-putolin ang mga referencia, pinagtatagni-tagni naman sa ibang referencia. Tunghayan po natin ang pamamaraan nitong pulpol na INC na si Jeremy Reyes:[2]

Ang Pasion Candaba ni Padre Aniceto de la Merced: Walang binabanggit na mga kampon ng Anti-Cristo ang nag-aantanda ng krus

“ano ba ang sign of the cross?!

sa isang aklat katoliko na sinulat ng paring katoliko;

"Siya ang inyong pakinggan" "Ang aral na katoliko" by: Enrique Demond, p.11

Ang TANDA ng SANTA CRUZ ay siyang TANDA ng TAONG KATOLIKO.Ang paraang ginagawa sa paggamit ng santa cruz ay dalawa: ang mag antanda at ang magkrus.Ang ang pag aantanda ay ang paggawa ng tatlong krus nang hinlalaki ng kanyang kamay;ang unay sa noo,...mabuti at pinakikinabangan lubha ang magkrus na malimit...”

Ano ang masama sa sinabi Padre Enrique Demond? Binabanggit lamang ng paring ito ang gawain ng mga Katoliko na pang-aantanda ng krus. Pero sa malilikot na isip ng mga Iglesia ni Cristo, pilit nilang pinalalabas na ang pag-aantanda ng krus ay gawain ng mga kampon ng anti-Cristo. 

Pahina 11 ng Siya Ang Inyong Pakinggan ni Padre Enrique Demond, SVD

Sa paanong pamamaraan? Ilalapat nila ang Pasion Candaba ni Padre Aniceto de la Merced:

“tanong? Ano ang PAGKAKAKILANLAN sa mga taong nagsisign f the cross? sa isang aklat katoliko pa rin na isinulat ng paring katoliko;

Passion Candaba" by: Aniceto Dela Merced, p.207

"IPAG-UUTOS MAGQUINTAL sa NOO O CANANG CAMAY SUCAT PAGCACAQUILANLAN NA SILA NGA,I CAMPONG TUNAY NITONG ANTI CRISTONG HUNGHANG."

ayon sa PASSIONG KATOLIKO na sinulat ng PARING KATOLIKO,ang mga naggsisign of the cross ay KAMPON NG MGA ANTI CRISTO,KAMPON ibig sabihin KALABAN ni CRISTO..ANTI CRISTO PALA ANG MGA TAO NA NAGSISIGN OF THE CROSS..SO BAT GINAGAWA NG MGA KATOLIKO YAN? KUNG TUNAY NA IGLESIA AT KAY CRISTO ANG IGLESIA KATOLIKA??”

Pahina 210 ng Pasion Candaba: Pansinin na hindi sinabi ng may-akda ng Pasion na ang tanda ng krus ang tatak ng anti-Cristo

Sapagkat ang Katoliko ay nagkikintal ng tanda ng krus sa noo, ang kagyat na konklusyon ng Iglesia ni Cristo ay mga kampon ng Anti-Cristo ang mga Katoliko:

“eto! sa impierno pa ang tuloy ng mga nagtatanda sa KAMAY at sa NOO;

Apoc.13:14-16 "At NADADAYA niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga TANDA na sa kaniya'y ipinagkaloob na magawa ng paningin ng hayop;na sinasabi sa mga nananahan sa lupa,na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay.16 At ang LAHAT,MALILIIT at MALALAKI,at MAYAYAMAN at mga DUKHA,at ang mga LAYA at ang mga ALIPIN ay PINABIGYAN ng ISANG TANDA sa kanilang KANANG KAMAY,O SA NOO; "o yang palang mga tao na may TANDA sa KANANG KAMAY at sa NOO,yan ay TANDA ng NADAYA,dahil sa nadaya anong gagawin sa kanila…

Apoc.14:9-10-11 "At ang ibang angel,ang pangatlo ay sumunod sa kanila,na nagsasabi ng malakas na tinig,Kung ang SINOMAN ay SUMASAMBA sa hayop at sa kaniyang larawan,AT TUMATANGGAP NG TANDA SA KANIYANG NOO,O SA KANIYANG KAMAY,10 Ay iinom din naman siya ng alak ng KAGALITAN NG DIOS,na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang KAGALITAN;at SIYA'Y PAHIHIRAPAN NG APOY AT ASUPRE sa harapan ng mga banal na angel,at sa harapan ng kordero.11 At ang usok ng hirap nila ay napaiilanlang magpakailan kailan man;at silay walang kapahingahan araw at gabi,silang mga nagsisimba sahayop at sa kaniyang larawan,at sinomang TUMATANGGAP NG TANDA NG KANIYANG PANGALAN."

samakatuwid hindi MALILIGTAS ang tao na TUMANGGAP NG TANDA SA NOO AT KANANG KAMAY..”

            Ayan po ang baluktot na pangangatwiran ng Iglesia ni Cristo. Isa na namang “tunog” system. Porke binanggit sa mga referencia ang pagtatanda sa kamay at noo, ipapalagay nila na mga Katoliko ang katuparan ng hula sa Biblia na kampon ng anti-Cristo. Tama ba ang pangangatwirang ito?

            Suriin po natin ang isa na namang palsong pag-aangkin ng Iglesia ni Cristo ayon sa mga biblical na batayan ng pag-aantanda ng krus na ating ipaglilingkod sa ating mga masugid na mambabasa.

            Balikan natin ang Pasion Candaba ni Padre Aniceto de la Merced:

“Ipinag-utos magquintal
sa noo o canang camay
sucat pagca quilalanan
na sila nga’i, campong tunay,
nitong Anti-Cristong hunghang.”


Saan dito nahablot ng hunghang na INC na si Jeremy Reyes na ang nag-aantanda ng krus ay kampon ng anti-Cristo? Nalipasan siguro ng gutom kaya kung anu-ano ang nakikita. Dapat munang magmerienda ng puto't dinuguan

            Taliwas sa guni-guni ng INC, walang binabanggit diyan na pag-aantanda ng krus ng mga kampon ng anti-Cristo. Inilalarawan ni Padre Aniceto de la Merced ang binabanggit sa Apocalipsis 13:16-18 at 14: 9:11:

Ang mga dakila at mga hindi dakilang tao, ang mayayaman at mahihirap, ang mga malaya at ang mga alipin ay ipapatatakan niya sa kanilang kanang kamay o sa kanilang noo. Ang may tatak lamang ng mabangis na hayop ang makakabili o ang makakapagbili. Dapat ay taglay nila ang tatak o ang pangalan o ang bilang ng pangalawang mabangis na hayop. Ito ang kaalaman: Ang may pang-unawa ay dapat bilangin ang bilang ng mabangis na hayop. Ang dahilan, ito ang bilang ng isang tao. Ang bilang ay anim na raan at animnapu't anim” (Apoc. 13:16-18, ASD).

Sumunod sa kanila ang pangatlong anghel. Sinabi niya sa isang malakas na tinig: Ito ang mangyayari sa sinumang sasamba sa mabangis na hayop at sa kaniyang larawan. Ito ay mangyayari sa sinumang tumanggap ng tatak sa kaniyang noo o sa kaniyang kamay” (Apoc. 14:9, ASD).

“Ang usok ng kanilang paghihirap ay pumailanlang magpakailan pa man. Ang mga sumamba sa mabangis na hayop at kaniyang larawan ay walang kapahingahan araw at gabi. Gayundin ang mga tumanggap ng tatak ng pangalan nito ay walang kapahingahan” (Apoc. 14:11, ASD).
Hindi marunong magbasa at umintindi ng Salita ng Dios ang INC kaya hindi naintindihan kung ano ang tatak sa kanang kamay at noo na binabanggit sa Apocalipsis 13:17

            Bilang pagwawasto sa maling unawa ng mga pulpol na INC tulad ni Jeremy Reyes, walang binabanggit sa mga sitas na ang itinatatak sa kanang kamay o noo ng mga kampon ng anti-Cristo ay tanda ng krus. Ayon sa talata, ano ang tanda sa kanang kamay at noo? Sagot: ang pangalan ng hayop o bilang ng kanyang pangalan666 (Apoc. 13:17).

            Bangkarote po talaga sa unawa sa Banal na Kasulatan ang INC. Napakalinaw: letra por letra binabanggit ang tanda ng kampon ng Anti-Cristo: pangalan ng hayop o ng kanyang bilang ayon sa Apocalipsis 13:17. Bakit nila pinapalitan ng tanda ng krus? Saan nila mababasa sa Biblia na tatak ng krus ang tanda ng kampon ng anti-Cristo ayon sa Apocalipsis 13:16-18 at 14: 9, 11? Malinaw na gawa-gawa lamang ng mga INC ang paninirang ito sa mga Katoliko na hindi binabanggit ng Biblia. Nagdadagdag sila sa binabanggit ng aklat ng Apocalipsis. Ano ang parusa ng Dios sa mga nagdadagdag sa nakasulat sa aklat ng Apocalipsis?

            “Aking sinasaksihan sa bawa’t taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdadagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito” (Apoc. 22:18).

            Kahindik-hindik ang kasasapitan ng mga INC na nagdagdag sa aklat ng Apocalipsis. Sukat ba namang sabihing tanda ng krus ang tanda ng kampon ng anti-Cristo samantalang maliwanag pa sa sikatan ng araw na binabanggit  sa Apocalipsis 13:17 na ang tanda sa kamay at noon g mga kampon ng anti-Cristo ay ang pangalan ng hayop o bilang ng kanyang pangalan na walang iba kundi 666 (Apoc. 13:18).

Ang Aklat ng Apocalipsis: Daragdagan ng salot sa aklat na ito ang mga INC na nagdaragdag sa mga nakasulat dito

            Saan namang aklat Katoliko mababasa ng INC na nagtatanda tayo ng pangalan ng hayop o 666 sa ating mga kamay at noo? Hanggang ngayon wala silang mahagilap kaya desperado na ang mga loko-lokong ito.

            Ang mga Katoliko ay nagtatak sa kanilang noo at kamay pero hindi ng pangalan ng hayop o ng bilang ng kanyang pangalan. Bilang mga tunay na alagad ng Dios, kami ay may tatak o tanda rin sapagkat ang mga tunay na lingkod ng Dios ay may tatak din naman sa noo at kamay. Maging sa Lumang Tipan, ang Bayang Banal ay may tanda sa kamay at noo:

            “At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo” (Dt. 6:8).

A Hebrew in prayer

            Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang mga Katoliko ay nagtatak sa kanikaniyang noo ng pangalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Samakatuwid, ang mga Katoliko ang katuparan ng sinasaad sa aklat ng Apocalipsis. Ayon sa Apocalipsis 14:1, sinasaad na ang mga tunay tagasunod ng Cordero – ng Panginoong Jesukristo – ay may pangalan niya (Anak) at ng kanyang Ama. Sa Apocalipsis 22:3-4 naman binabanggit na ang pangalan ng Dios (Ama) at ng Cordero (Anak) ay nasa kanilang mga noo. Sa Efeso 1:13 at 4:30 naman binabanggit ang tinatakan ng Espiritu Santo. Sino ang kinatuparan nito? Ang mga Katoliko sapagkat sila ay may tanda sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo (cf. Mt. 28:19). Malabong Iglesia ni Cristo (1914) ang tinutukoy dito sapagkat wala silang pagtatanda at tatak ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

            Ang mga Katoliko at hindi ang mga INC ang nasasalamin sa binabanggit ni Apostol Pablo:

“Ang matibay na pinagsasaligan ng Diyos ay nananatili na may TATAK nito, nakikilala ng Panginoon ang mga kanya, at lumayo sa kalikuan ang bawa’t isa na SUMASAMBITLA ng PANGALAN ng Panginoon” (2 Tim. 2:19).

Sa talata, binabanggit ni Apostol Pablo ang tungkol sa TATAK na pinagkakakilanlan ng Panginoon ang mga kanya. Maliban sa TATAK ay binabanggit din ni Apostol Pablo tungkol sa PAGSAMBIT sa Pangalan ng Panginoon. Ano ang pangalan ng Panginoon? “…Pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo” (Mt. 28:19).

Alin sa mga relihiyon ang may PagtaTATAK habang SUMASAMBITLA ng PANGALAN ng  Panginoon? Mga Katoliko ang kinatuparan ng binabanggit ni Apostol Pablo sa pamamagitan ng PAGTATAK NG KRUS habang inuusal ang pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Ayun na rin sa talata, dito makikilala ng Dios ang mga kanya. Dito rin nakikilala ang mga Katoliko at hindi ang mga tampalasang kagaya ng INC.


Buong yabang na binanggit ng nautong INC na si Jeremy Reyes na hindi MALILIGTAS ang tao na TUMANGGAP NG TANDA SA NOO AT KANANG KAMAY.” Tama, kung ang tanda ay ng pangalan ng halimaw o ng kanyang bilang na 666 (Apoc. 13:17). Hindi lapat sa Katoliko ang pananakot na ito ng INC sapagkat hindi pangalan ng halimaw o bilang na 666 ang ating tanda kundi ang TATAK NG KRUS na siyang tanda ng mga maliligtas:

“Sinabi sa kanya ng Panginoon, Lumibot ka sa lunsod, lumibot ka sa Jerusalem at TATAKAN NG KRUS ang mga noo ng mga taong humihibik at umiiyak dala ng lahat ng kasuklam-suklam na bagay na ginagawa sa loob ng lunsod. At winika niya pagkatapos sa mga iba na abot ngaking pandinig, Libutin ninyo ang lunsod sa likod niya at manakit kayo; huwag mahabag ang inyong mga mata ni magdalang-awa kayo. Patayin ninyo ang matanda, binata, dalaga, bata at babae hanggang sa malipol ang lahat, SUBALIT HUWAG NINYONG GALAWIN ANG SINO MANG MAY TATAK NG KRUS(Ezek. 9:4-6, Ang Banal na Biblia).

Sino po ba ang may TATAK NG KRUS, mga Iglesia ni Cristo ba o mga Katoliko? Mga Katoliko! Sino ang maliligtas? Mga Katoliko! Sino ang papaslangin at mapapahamak? Mga Iglesia ni Cristo!

Mapapahamak ang mga nadenggoy ng pekeng anghel na ito

PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA TANDA NG KRUS PART III

Pasion Candaba ni Padre Aniceto de la Merced: Ipinangdedenggoy ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo (1914)

PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO SA AKLAT NA "THE CATECHISM OF CHRISTIAN DOCTRINE" BY ATTY. MARWIL LLASOS

The Catechism of Christian Doctrine

PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA MGA LARAWAN PART III

            Isa sa matagal nang inilalakong kasinungalingan ng mga ministro ng Iglesia ng Iglesia ni Cristo (1914) ay ang paratang na sumasamba sa larawan ang mga Katoliko. Diumano’y aral ng Santa Iglesia Katolika ang sumamba sa larawan. Para patunayan ang paratang na iyan, gumagamit sila ng mga pekeng referencia. Isa na dito ang aklat na “Cathechism (sic)[1] of Christian Doctrine” na inilathala ng De La Salle College.

Orihinal na Catechism of Catholic Doctrine ng La Salle Bureau

            Sa video na pinamagatang “Kung Bakit ang IGLESIA NI CRISTO Walang Imahen o Rebulto”[2] na walang kagatol-gatol na ipinaskel sa aking Facebook wall ng isang panatikong Manalista na si ALLAN JOSE DIGIDI, ginamit na referencia ng ministro ni Manalo ang nasabing aklat. Ngunit pansinin po natin na sadyang hindi ipinakita ang aktuwal na pahina ng aklat na kung saan binabanggit diumano na ang mga Katoliko ay sumasamba sa mga larawan. Bagkus ang ipinapakita ng ministro ni Manalo sa TV screen ay ang kanilang sariling salin ng sinisiping referencia. Ano po kaya ang rason ng Iglesia ni Cristo sa pagtatago ng aktuwal na pahina ng nasabing aklat? Upang hindi mabisto ang panloloko ng kanilang mga ministro.

Tribuna ng kasinungalingan at pandaraya: Bakit hindi ipinapakita at binabasa ng ministro ang orihinal na pahina ng Inggles na Catechism of Christian Doctrine bagkus ay ang sarili nilang salin lamang?

            Katunayan, hindi rin po nila binabasa kung ano ang tunay na nakasaad sa pahina ng nasambit na aklat. Ang Catechism of Christian Doctrine po ay nasusulat sa wikang Inggles. Pero bakit po hindi nila ipinapakita sa video ang aktuwal na pahina na nasusulat sa wikang Inggles? Bakit hindi rin nila binabasa sa Inggles ang nasabing aklat? Ang binabasa po nila at ipinapakita sa TV screen ay ayon na sa sarili nilang pagkakaliwat sa Tagalog ng naturang referencia.

Hindi naman po siguro dahil sa hindi marunong mag-Inggles ang mga ministro ni Manalo? Kung gayon ano po ang dahilan? Upang patuloy na lokohin ang kanilang kapwa para mailigaw mula sa katotohanan tungo sa kasinungalingan at kapahamakan. Talaga naman pong napaka-desperado na ang mga ministro ng Iglesia ni Cristo. Tahasan ang kanilang pagsisinungaling at pagtatakip sa katotohanan. Pero walang lihim na hindi nabubunyag.

"Datapuwa't ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama, na mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya" (2 Tim. 3:13)

Halina’t tunghayan natin ang isa namang pagbubunyag sa balakyot na gawain ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo. Batay sa ating sariling referencia, halina’t suriin natin ang isa na namang panggogoyo ng mga ministro ni Manalo.

Ayon sa mga ministro ni Manalo, inaamin daw natin na tayo’y sumasamba sa larawan. Inihaharap nila ang Cathechism (sic) of Christian Doctrine na nagsasaad diumano, ayon sa kanilang pagkakaliwat sa Pilipino, ng ganito:

“Ang pagsamba ba sa mga santo ay ukol lamang sa kanilang katauhan?

Hindi, sumasaklaw din ito sa kanilang mga relikya at mga larawan.”


Ito ang ipinapakita sa TV screen ng Iglesia ni Cristo. Pansinin na sila mismo ang nagsalin nito sa Tagalog. Tapos sasabihin na ito daw ang ating aral batay sa Catechism of Christian Doctrine

Pansinin po ninyo na ginamit nila ang salitang pagsamba doon sa tanong. Tama po ba ang kanilang pagkakasalin? Ano po ba ang tunay na nasasaad sa orihinal na Inggles ng Catechism of Christian Doctrine[3]? Ganito po:

“Is the veneration of saints confined to their persons?

No; it extends also to their relics and images.”[4]

Ang salitang veneration sa orihinal na Inggles ay isinalin ng mga pulpol na ministro ng INC na pagsamba. Tama po ba ang pagkakasalin nila? Aba’y hindi po sapagkat ang veneration ay nangangahulugan lamang na paggalang at hindi “pagsamba.” Talagang ang kapal ng apog ng mga minsitro ng INC sa kanilang pag-gawa ng kahindik-hindik na kalapastanganang ito.


Pansinin na hindi ginamit ng Catechism of Christian Doctrine ang "worship" o "adoration" kundi "veneration" lamang. Kumakatha ng sariling kuwento ang mga Iglesia ni Cristo. Ang "pagsamba" ay bunga lamang ng kanilang malikot na imahinasyon

Mantakin po ninyo na sila-sila lang ang gumagawa ng kanilang salin at walang kahiya-hiya nilang minamali ang salin at sasabihing iyon daw ang aral nating mga Katoliko. Ang kakapal naman ng mukha ng mga ito. Gumagawa ng kanilang sariling multo.

Hindi pa po diyan nagtatapos ang kagarapalan ng INC. Ayon din daw sa Cathechism (sic) of Christian Doctrine na  sila mismo ang nagsalin sa Pilipino:


Pansinin na ginamit ng Iglesia ni Cristo ang salitang "sambahin." Sila mismo ang may gawa ng salin na iyan

“Dapat ba nating sambahin ang mga banal na larawan?

Dapat tayong magkaroon lalo na sa ating mga simbahan, ang mga larawan n gating Panginoon, tulad din ng Pinapalang Birhen at mga santo, at dapat natin silang bigyan ng kaukulang paggalang at pagsamba.”


Sa sagot tanong ang "honor" ay ginawa nilang "sambahin" ngunit sa sagot iniliwat nila "paggalang." Ano ba talaga, kuya? Pansinin din ang "veneration" ay isinalin nilang "pagsamba"

Tama po ba ang pagkasalin nilang ito? Pansinin po ninyo sa orihinal na Inggles ng Catechism of Christian Doctrine:

“Ought we to honor holy images?

We should have and keep, particularly in our churches, images of our Lord, as also of the Blessed Virgin and other saints, and we should pay them due honor and veneration.”[5]

Abot hanggang sukdulan po talaga ang kasinungalingan kung hindi man kabobohan ng mga ministro ng INC. Tingnan po ninyo. Sa tanong ang ginamit sa Inggles ay honor pero sadyang minali po nila ang kanilang salin at ginawang pagsamba. Pero doon po sa sagot ang honor at ginawa nilang “paggalang” at ang salitang veneration ay isinalin nila bilang pagsamba.” Napakalinaw na deception ito. Hindi nababagabag ang kanilang budhi sa tahasang pagmamali sa aral ng Iglesia Katolika. Buong-buo ang kanilang loob na magsinungaling. Palibhasa kasi manang-mana sa kanilang amang Diablo na sinungaling (Jn. 8:44) at tagapagsumbong sa mga kapatid (Apoc. 12:10). Mga kapatid, punong-puno po ng pagsisinungaling sa loob ng huwad na Iglesia ni Cristo. Palibhasa kung ano ang puno siya ang bunga. Ano po ang kahahantungan ng mga sinungaling? Mapapahamak at hindi maliligtas: “Nangasa labas ang … bawa’t nag-iibig at gumagawa ng kasinungalingan” (Apoc. 22:15).


Sa Catechism of Christian Doctrine nakalagay ay "honor holy images" sa tanong at sa sagot ay "pay them honor and veneration." Walang binanabanggit na "worship" o "adoration" ng mga banal na larawan. Saan kaya nahablot ng mga pulpol na ministro ni Manalo ang "sambahin"?

Minsan na naman po nating napatunayan na gawain talaga ng mga ministro ni Manalo ang makapangloko ng kapwa. Salamat sa Dios at nabuking na naman ang tiwali at likong gawaing ito ng mga nangagpapakunwaing ministro na pawang mga ministro naman pala ng nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan (2 Cor. 11:13-15).

 “Mga walang katutubong pag-ibig, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kaysa maibigin sa Dios; na may anyo ng kabanalan, datapuwat tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito” (2 Tim. 3:3-5).

"Kayo'y sa inyong amang Diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, spagkat walang katotohanan sa kanya. Pagka nagsasalita siya ng ganang kaniya; spagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito" (Juan 8:44)


[1] Sadyang mali po ang pagkabaybay ng Iglesia Ni Cristo sa titulo ng aklat na ito. Ang tamang baybay po ay “Catechism of Christian Doctrine.” 
[3] Catechism of Christian Doctrine (New York City: La Salle Bureau, 1945). 
[4] Ibid., p. 156.
[5] Ibid.